Once in a Swimming Pool [ONE-SHOT]

1.8K 26 13
                                    

Once in a Swimming Pool

Minsan sa Isang Swimming Pool

Dahil “I Love You” Forever and Ever

Maingay na tunog ng tubig, iba’t-ibang tugtog na nanghahalinang sumayaw, amoy ng masasarap na pagkain... Iyan ang nasa paligid ni Lester habang naglalakad-lakad sa Blue Wave Resort.

“Nakakatamad naman, walang magawa, makapunta muna kung saan ako dalin ng paa ko,” ang sabi ni Lester.

Naglakad-lakad nga siya at nakapunta ng washroom, food center, sa iba’t-ibang pools pati na sa main gate. Pamaya-maya ay pumunta siya sa souvenir shop para maghanap ng anumang mabibili.

Nakakita siya ng damit na sukat sa kaniya kaya’t ito ang gusto niyang bilhin. Nang magbabayad na siya sa counter, may tatlo pang nagbabayad sa harap niya. Biglang tumunog ang cellphone niya, may mensahe siya, hinahanap na siya ng mga kasama niya. Agad naman siyang nagreply at sinabing nagbabayad na siya at pabalik na. Isa na lang ang nasa harap niyang nagbabayad nang sumingit ang isang babae.

“Miss, excuse lang, pila kasi ito kaya bawal sumingit,” sabi ni Lester.

“Eh ano naman, saka isa na lang naman eh, I know you can wait,” ang wika ng babae.

“Miss hinahanap na ako ng mga kasama ko, go out of my way!” pabiglang wika ni Lester.

Pero kahit nasabi pa niya iyon ay una nang nakapagbayad ang babae.

“Ang sama niya ha, siya na nga ang sumingit siya pa ang galit!” ang sabi ni Lester sa sarili.

At dahil na rin sa sobrang inis ay bumalik na lang siya sa cottage nila. Kumain na lang siya at nagsound trip. Mga ala-una ng hapon, wala na namang magawa itong si Lester.

“Ayoko naman kasing lumublob na, mga brad, mamaya na lang ako, baka gabi. Wala pa akong gana eh, maglalakad-lakad lang ako,” untag ni Lester sa mga kasama.

At iyon nga ang nangyari, naging hobby na ata niya ang maglakad-lakad dahil sa walang magawa. Pinaglalaruan niya habang naglalakad ang dalang rubix cube, nakakatingin naman siya sa dinadaanan niya ngunit minsan-minsan lang.

May kasalubong siyang babae na nakasumbrero, itinataas ang kamay habang hawak ang cellphone dahil naghahanap ng signal, pamaya-maya ay nabangga niya si Lester kaya’t nahulog ang rubix cube niya at nahulog naman ang cellphone ng babae.

“Ano ba, wala ka bang mata?” tanong ni Lester.

“Aba, ako pa ang walang mata, eh ikaw nga ‘tong busy sa paglalaro niyang whatever cube na ‘yan!” galit na wika ng babae.

Biglang napaisip si Lester dahil pamilyar ang mukha ng babae, tama, iyon nga ang babaeng sumingit sa pila kanina sa counter nang magbabayad na siya.

“Alam mo, bwisit ka talaga eh, ikaw ‘yung sumingit kanina sa counter eh,” ang wika ni Lester.

“Lakas ng loob mo ha, sumingit? Ang bagal mo kasing magbayad, saka nagmamadali ako, at isa pa, ihinulog mo ‘yung cellphone ko, di na nga ako makakuha ng signal eh!” paliwanag ng babae.

“At parang ako sinisisi mo kung bakit walang signal ‘yang phone mo ah, bulok kasi katulad nung may-ari!” sabi ni Lester at kapagdaka’y umalis na rin.

“Ang kapal mo! Sana di na ulit tayo magtagpo!” ang sigaw ng babae kay Lester.

“Don’t worry, it would never happen again!” ang sagot ni Lester.

Masamang-masama na ang aura ni Lester, sinisisi niya ang babaeng iyon na sumira ng summer day niya.

“Ang init init na nga dahil summer tapos pampadagdag pa ng init ng ulo!” wika ni Lester sa sarili.

Once in a Swimming Pool [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon