Tapos na ang Finals, meaning malapit na ang bakasyon. One week na lamang ang natitira, para sa mga estusyante'ng kailangan bumawi o may nakaligtaan. Today is the release of DL sa bulletin board, mauuna ang pag popost ng mga may merit kesa sa pag release ng grades. Ayos naman ang ginawa ko buong year kaya aaminin kong umaasa ako.
At natutuwa din ako dahil sa buong year na iyon ay umaayos naman si Zar, may times na jag aaway talaga kami pero mas marami ang hindi. Nakikita ko na yung tunay na sya, at sa loob non naramdaman ko na finally how much he loves me. Wala parin akong plano ngayong summer, wala namang balak sila mommy dahil busy daw sila sa work.
Maybe I should ask Zarius about this,
Wala kaming ginawa buong first subject dahil tapos na nga, ewan ko ba bakit pa ako pumapasok. Siguro kasi madalas kaming mag kita ni Zarius.
Pungalumbaba ako sa may upuan ko sa gilid ng bintana, mayat maya ang tingin ko sa wrist watch ko kung time na ba. Mamayang hapon pa ang klase ni Zar, pero sinabi nya saking susunduin nya ako dahil hindi na daw nya papasukan. Okay lang naman, nabawi narin naman nya yung grades nya na finail nya last year. Matalino si Zar, kahit ang mga pinsan nya.
Lagi iyong bukambibig ng mga estudyante dito sa St.Jude. May binabanggit pa silang mga kilalang estudyante na di naman pamilyar sakin, maybe Im not interested that's why.
Nang mag tayuan na ang mga kaklase ko ay, tumayo na din ako. Nag uunahan sila marahil ay excited din sila sa pag popost ng DL sa bulletin board.
Marahan lang akong naglalakad sa hallway habang ang iba ay nagtatakbuhan. I just shrugged my shoulders, then get my phone inside my bag to text Zarius.
Ako:
Hey, done with my first class wer r u?After I send that, naglakad na ako ng mabilis. Tama nga ang hinala ko na maraming estudyante. Hindi muna ako nakipagsiksikan at humilig sa gilid para hintayin na mawala ang iba at makasingit ako.
"I knew it! No. 1 na naman si Oriont sa Engineering! Halos lahat ng Juarez ay nandito!" I heard someone from the bulletin board.
Palagi kong naririnig ang last name na Juarez sa campus, tsaka I heard it from Zar eh. Oo tama! Yung nakasalubong namin na green-eyed guy sa convenient store! Sikat pala sya? No wonder guwapo sya eh kaya malamang.
"Trulalu! Sight mo to bakla! No. 1 si Stacy sa tourism tapos sa business ay si Ocean! Puro Juarez ata ang no.1 sa bawat department! Pumapangalawa lamang ang Walterson." Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko.
"Pangalawa si Vino sa engineering, batla taas ng average oh!" Kating kati na talaga ako tingnan pero dami pa kasing tao!
"Hala oh my gosh! Andiyan daw yung Juarez cousins!" Napalinga linga ako nang mag hawian ang mga estudyante. Sikat talaga ang Juarez.
Paglingon ko ay talagang mapapanganga na lang ako! God! They are absolutely perfect! Lima sila, pero grabe ang dating at may kasama silang isang babae, sobrang ganda!
"Kyaaaah! Ang pogi ni Eleven!"
"Bakit ganon? Paisa naman fafa Chase!"
"Bet ko talaga si papi Oriont, cold type!"
Hindi ko maintindihan kung sino ba sa mga ito ang binabanggit nilang mga pangalan.
Nagulat ako nang humawi ang mga estudyante sa may bulletin board! Bakit ang unfair? May ganon ba talaga dito? Pag sikat ka ganto ka irerespeto?
"Give way girls!" I heard one of the Juarez said before he winked, nakita kong kinilig ang mga kababaihan. Yung kasama nilang babae ay napailing sa ginawa nya. Yung babae parang cold aura pero sumisigaw ng kaelegantehan, sobrang ganda at tapang ng bulto. Aakalain mong isang model ng Victoria's Secret dahil sa kasexyhan. At napapansin ko din ang tinginan ng mga kalalakihan sakanya.
BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...