"TANGA!" Yan yung unang salita na sinabi sakin ni Ate Jasmine nung nakwento ko sa kanya yung nangyari the next morning.
"Alam ko na may sakit si Grey. But pwede mo naman ata siyang pagpahingahin dito sa bahay? You don't have to shoo him away!" Irita niyang sabi.
"I know. Sorry. Kasalanan ko." Kalmado kong sabi.
"At talagang di ka man lang nag-atubili na sundan siya? May payong naman dito!" Sabi niya.
"Oo na Ate Jasmine! Kasalanan ko! Wag mo nang ipamukha pa sakin!" Sabi ko naman.
"And? Ano na gagawin mo?" Tanong niya.
"Gagawin?" Nagtataka kong tanong.
Napahawak sa ulo niya si Ate Jasmine.
"Tanga! Ano na gagawin mo? Ayaw mo bang makasundo si Grey?" Sabi niya na nagpipigil ng inis.
Sinandal ko yung ulo ko sa mesa.
"Well, I'll- I'll try to talk to him, baka pumasok siya sa- sa school ngayon," sabi ko.
"May sakit na. Naulanan pa pag uwi. Do you think makakapasok yun?" Tanong ni Ate Jasmine.
"Okay! I got it! Pupunta ako sa bahay nila after classes! I'll apologize to him!" Sabi ko sabay wagayway sa kamay ko.
Tinitigan ako ni Ate Jasmine.
"Call me rude or whatever you like pero ikaw lang naman ang iniisip ko Athea. Look, gusto ka pasayahin ni Grey, gusto ko na sumaya ka, gusto ng parents mo na sumaya ka, pero may point si Grey, lahat ng tao na gusto magpasaya sa'yo tinataboy mo. Pa'no ka sasaya kung yung gustong tumulong sa'yo di mo naman pinapansin?" Kalmadong sabi ni Ate Jasmine.
Kagabi ko lang natanggap yung unang sampal sakin ni Grey. Dahil kagabi niya sakin pinamukha yung ginagawa ko within these past two years. At saka ko lang din na-realize na tama nga siya. Panay reklamo ako na walang nagmamahal sakin na in fact, nasa paligid ko lang yung mga taong gusto sakin magpadama na mahal nila ako. Masyado akong nalunod sa galit at hinanakit kaya naman tinaboy ko sila palayo.
"Aaminin ko Athea na harsh ako sa'yo minsan, pero ginagawa ko yun para naman ipaalam sayo ang isang bagay na dapat mong malaman. Kung hindi kasi sinasampal sa mukha mo yung totoo, eh hindi mo naman nage-gets. Tingnan mo't si Grey lang naman pala makakapag-paalis ng hang over ng ka-bitteran mo," sabi niya.
"Alam ko na nagpaka-manhid ako. Oo bulag ako. Oo tanga na rin ako. Lahat lahat na. But I chose not to trust anymore. Sasaktan lang nila ako sa huli," sabi ko.
"Yan ang pinakang problema mo Athea. Natatakot ka. Pa'no ka sasaya if you're not taking the risks? Hindi easy easy ang buhay, kung gusto mo makuha ang isang bagay paghirapan mo rin yun. Kailangan mo ring magtake risk sometimes Athea. Okay?"
"Okay. Thanks Ate Jasmine," sabi ko naman.
"And sana magkasundo kayo ni Grey. Mukhang naubos na ata pasensya niya sayo but I wish you goodluck bunso. Isa si Grey sa mga taong gusto ka mapasaya kaya pahalagahan mo siya and appreciate his efforts. Now, ayusin mo na sarili mo at papasok ka pa. Have a good day and be a good girl Theang!" Sabi niya sabay hatid sakin sa gate.
Huminga ako ng malalim. Hayy.. Two years din ako na nagpakatanga.. Di niyo naman ako masisisi.. Alam niyo naman ata ang naging sitwasyon ko.. Naka-ilang chapters na kayo kaya I expect na kilalang kilala niyo na ako..
Sana naman pumasok ngayon si Grey.. Sana di siya nagkasakit.. Yan yung patuloy kong iniisip habang naglalakad ako papunta ng school..
Pagkarating ko eh agad kong napansin ang bakanteng table ni Grey. Alam ko na absent siya kasi kung hindi man kami sabay pumasok sa school, parati siyang nauuna sakin na pumasok..
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...