11 (SPG)

4K 150 21
                                    

11 (SPG)

Pawis na pawis at nanunuyo na ang lalamunan ni Fumi pero kailangan niyang kumilos dahil baka abutin na sila ng gabi sa dapat puntahan.

"Baby, are you okay?" Gamit ang panyo ay pinunasan ni Ivan ang namuong pawis sa sentido at noo ni Fumi. "I'm sorry. Just a little bit more, okay?"

"I'm okay. Phew!" Nginitian niya si Ivan. "This is like hiking. I cannot believe that the people need to go through this just so they could arrive at the city proper."

"Yeah. This is really a remote area that needs attention. Kaya isa ang Langiden sa napili kong place for my research."

Tumango-tango naman si Fumi, "Tara?"

Hinawakan siya sa kamay ni Ivan atsaka muling tinahak ang matarik at madulas na kabundukan. Nasa Abra na sila ngayon at kasalukuyang nasa kabundukan para mapuntahan ang maliit na village na nasa liblib na lugar.

May iba pa silang kasama, sila ay mga tauhan sa isang health center na tumutulong sa mga ethnic groups na hindi maabutan ng tulong medikal dahil sa pahirapan sa transportasyon at problemang pinansyal.

Labis ang kaba ni Fumi nang malamang may sasama sa kanila. Nang itigil ni Ivan ang kanyang Ram Rebel sa tapat nang maliit na health center ay tila ayaw na niyang bumaba kanina.

"Naimbag nga malem!" Bati ni Ivan nang pumasok na sila sa isang maliit na health center.

Tumayo kaagad ang iilang tauhang naroon, "Naimbag nga malem. Kayo po ba si Dr. Marco?" Tanong ng babae sa kanila.

"Oho. Ako po iyong doktor sa Foillan-Griffin." Tumayo na rin sa harapan nila ang ilang nasa health center. Apat silang naroroon.

"Ako naman po si Judy, nurse Judy o Ma'am Judy po ang tawag nila sa akin." Pakilala ng ginang.

Napalingon naman sila kay Fumi, doon siya kinabahan dahil matagal ang kanilang titig. Naramdaman niyang inakbayan siya ni Ivan, "Siya po si Fumiko Marco. She's my wife."

Nanlaki ang mga mata ni Fumi at akmang magsasalita na pero nagsalita ang babaeng sumalubong sa kanila, "Napintas ka." Nakangiting saad ng babae.

"P-Po?" Hindi niya kasi maintindihan ang sinabi ng babae.

"Ang sabi po ni Nanay, maganda raw po kayo." Paliwanag naman ng dalagang katabi ng ginang na sumalubong sa kanila.

"M-Maraming salamat po."

Nawala na ang kaba ni Fumi dahil sa hindi talaga siya nakikilala ng mga ito, gaya ng sabi ni Ivan ay malayo sa kabihasnan ang kanilang pupuntahan.

"Maganda 'ho ang asawa ninyo, doktor. Ang puti po at kinis, purong Pilipino ho ba siya?" Tanong ni Ma'am Judy.

Umiling si Ivan, "Half-Japanese siya, Ma'am Judy."

Namamanghang tumango-tango ang apat na taong nasa harapan nila. "Kaya po pala. Ako po pala si Judy Sagaysay." Tinuro naman niya ang isang dalagita sa tabi niya, "Siya 'ho ay anak ko, si Lyka Sagaysay. Tapos ito ho si Jerry Abinsay tapos ang kapatid naman niya si Noel Abinsay. Sila 'ho ang tumatao sa health center dito. Ako po ay isang nurse at ang anak ko naman po ay isang social health worker. Ang magkapatid na Abinsay naman po ang liaison officers namin ngayon." Mahabang pagpapaliwanag ni Ma'am Judy.

Nakipagkamay naman sila isa-isa sa mga taong naroon hanggang sa tumuloy na sila sa kanilang mahaba-habang lakaran patungo sa isang village na hindi raw naaabutan ng tulong medikal.

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon