Irrah's PoV
Porkchop! Ang sakit ng ulo ko.. at amoy porkchop. Nagugutom tuloy ako, saan galing 'yon?
Dinilat ko ang aking mata at nagulat sa nakita. Anong lugar 'to? Canteen self, kita mo naman 'di ba? Pashnea, nababaliw na ata ako. Pero hindi ko alam kung bakit andito ako o kung saan man 'to. Sigurado akong hindi pa 'ko napaparito buong buhay.. ko.. eh?
Buong buhay ko? Sino ba 'ko?
...
MAY AMNESIA 'KO?!
Ewan ko kung ilang minuto akong nakatitig sa kawalan bago ako nahimatay.
What the actual f*ck is happening??
—
"So.. Irrah, what happened?" A beautiful fairy fluttered in front of me— este, nurse. Student? What?
"Uhh.. ako po?" Parang nagulat siya at napatigil ang paggalaw ng kamay niya sa pagaayos ng mga medisina. Nabahala ako para sa leeg niya nang mabilis siyang lumingon sa'kin.
"Irrah? What do you mean? Of course it's you I'm talking to, I call nobody else by their first name." Taray, English. I'm noseblooding. Charot. Mukhang may pumasok sa isip niya at biglang nawala ang tensyon sa katawan at mukha niya. "Is this a prank again? Okay, you got me there, don't do that again okay?"
Prank? "Apologies miss..?" Kumunot ang noo niya at sinimangutan ako. "Stop it Irrah, I'm not buying it anymore."
"But—" Nag buntong hininga siya at inirapan ako. "Stop it, I'm not that stupid babe." Aba't— nabubwisit na ako ah!
"SANDALI!" Nabigla nanaman siya at tinignan ako nang parang naninibago sa'kin. "Hindi ko talaga alam kung sino ka o sino si Irrah—" Lie. Obvious naman na ako yon pero— "Kung asan tayo at kung ano ginagawa ko dito. Please just tell me!"
"Chill Irrah!" Natataranta niyang sabi. "What do you mean?"
I took a deep breath before starting. Shet nahahawa na 'ko sa kaka English niya. "I don't remember anything. Bigla nalang ako nagising sa cafeteria at wala na akong alam na iba pa." Napatigil ako. "At porkchop."
"Porkchop?" Mas lalong naging weird ang tingin niya sakin. "Yes, porkchop."
...
"Porkchop."
...
..
"Porkchop."
—-
"Teka, sino kayo?" Tanong ko dun sa apat na lalaking nakapaligid sa akin.
"Jowa mo 'ko!" Okay, medyo nagulat ako nung sumigaw yung lalaking 'to.
"Asawa mo, love." Ngisi naman nung isa.
"Nililigawan mo 'ko hehe." Wth?
"Kabit mo." ..Ang harot mo Irrah.
At pinagbabatukan nung nurse yung apat. "Pfft." 'Di sadyang napa tawa ako sa nakita. Pero porkchop, ang tatalim agad ng tingin sa'kin! Chill mga par. Tumawa lang eh.
"Wag ka maniniwala sa mga kulugong 'to Irrah." In fairness, first time magtagalog ni ate mo nurse. "Pasyente mo sila."
"Huh? Pano?" Eh 'di ba, estudyante ako dito? Pano ako nagkaroon ng mga pasyente na mukhang kasing edad ko lang halos? Nag buntong hininga yung nurse na hanggang ngayon ay 'di ko padin alam ang pangalan. "This is Apollo University. A med school in which the boards believe that students should practice their chosen course by throwing them at literal patients." Tapos may binulong siya sa gilid.
"Anyway, tapos na ang shift ko babe. Since gising ka naman na.. Adios!" Teka! Hindi ko pa alam pangalan mo at ano ginagawa ko dito! Liningon niya 'ko na para bang narinig niya yung iniisip ko. "You are a psychology major student. These four are your patients. You are 18 years old and I think you can find out about other infos about yourself. Ciao!"
...Hindi ko padin alam kung ano pangalan mo 'babe'.
Dahan dahan ako lumingon sa apat na lalaki na nakapaligid sa kama ko.
Psychology student ako.. sila ang pasyente ko.. may mental issues sila?..
Porkchop, ano gagawin ko?!
-End-
Porkchop Count: 9 porkchops
BINABASA MO ANG
That Girl Named Irrah
RomanceSo, okay- I.. am Irrah. I live in the Philippines. I am 18 years old. I am female. I.. at least I think so. Gumising nalang aka bigla sa isang eskwelahan na hindi pamilyar sa aking paningin. Sino ako? Saan ito? Ano ginagawa ko dito? ..Amnesia? Ang m...