Snatcher
After that swimming session we just had lunch and hung out for the rest of the day. Tati and I decided we wanted to sleep early since swimming was taxing.
The next morning, maaga kaming nagising kesa sa usual na halos magtanghali. It was just a little around 5 kaya we had a little time to make chika na napuna sa yayaan na magswim.
Pagbaba namin nagulat kami at abalang abala ang mga kasambahay. They were all over the place. Medyo nahiya tuloy kami kasi magswiswimming kami samantalang busy sila sa pagaayos.
Nung binaba ni Tati ang gamit niya sa table sa veranda, may dumaang house help. Hinarang ko para tanungin kung anong meron. Hindi ko maiwasang mapaisip dahil we also have helpers at home pero usually they're this busy only when we will be celebrating an occasion or if we have visitors coming over.
"Biglaan daw po kasing nagsabi ang tatlong apo ni Ma'am Corazon na byahe na daw po sila pauwi dito."
Hindi ko na naituloy ang panguusisa dahil bago pa man ako makapagpasalamat sana sa pagsagot niya ay umalis na din siya. Sino kayang magkakapatid?
"You know what? I've been noticing how the helpers and even our driver yesterday address Lola as Ma'am. Usually people this rich are dubbed Donya or Senora right?"
"Well Tatiana, as you can see Lola can be a little over the top when it comes to her grandchildren but overall she's pretty much lowkey and simple."
"If I were Lola, dang, I'd probably be so extra."
"Obviously."
Nagswimming na ako agad at nakailang lapse na, samantalang si Tati ay hinihintay na tumaas pa ng kaunti ang araw para makapag picture muna siya bago mabasa ang suot. Nandoon siya sa isang sun lounger.
Habang naglalangoy ako ay nalunod naman ako sa napakaraming isiping pilit kong tinatakasan netong nakaraang mga araw.
Kahapon, tumambay lang kaming magkakasama sa entertainment room nila. Syempre they had their own conversation at meron din kami ni Tati pero hindi maiiwasang mag overlap kapag naooverhear yung topic ng isa't isa.
Nagagalit na din kasi talaga ako sa sarili ko kasi hirap na hirap talaga akong gumalaw at magsalita kapag alam kong nasa paligid lang siya. Hindi ko maintindihan kung bakit pero wala akong magawa.
Napansin din siguro nina kuya na halos hindi ako nagsasalita kaya bago kami pumunta sa kaniya kaniyang kwarto kahapon ay tinanong nila ako kung may sakit ako or may problema. Kapag pinatagal ko ito baka marealize nila yung connection ng indifference ko sa presence ni Ross.
Buti nga at matapos nang naging comment ni Tati about him being brave because this is his territory ay biglang nanlamig din ang pakikitungo niya sa akin. Halos hindi na din niya ako tingnan kaya napakadaming pagkakataong libre akong nakakanakaw ng sulyap sa kaniya na hindi niya nakikita o napapansin. Nabawasan tuloy ang nerbyos ko.
Ang bilis lang din talagang magbago ng mood niya. Nung una naming paguusap mapangasar pa siya. Bago naman kami tumuloy pa Batangas ang seryoso niya tapos kahapon kung makatingin siya aakalain mong may gusto siya sa akin. Pero biglang ang lamig na ulit ng pakikitungo niya.
Sa pagkakataong ito na nakakasama ko siya ng wala akong takas dahil ngayon, ako naman ang bisita sa pamamahay nila, masasabi kong madami akong nalalamatng bago tungkol sa kaniya.
Ang lambing niya sa lola niya at hindi niya iyon kinakahiya. Napaisip tuloy ako kung ganoon din siya sa nanay niya. Sa pakikitungo naman sa mga kasambahay, ayaw niyang magpasilbi. Kapag may kailangan siyang kaya naman niyang siya ang gumawa, hindi niya iniuutos kahit pa halos minuminuto ay may pumupunta sa kung nasaan kami para maghintay ng utos. Sa kaibigan, dati ko pang napapansing ang flexible niya makitungo. Nakaka adjust siya sa trip ni kuya Alas at nasasabayan niya rin ang mga gustong mangyari ni kuya Enzo kahit na sobrang layo ng diperensya sa pagitan ng trip ng dalawa. Kaya niyang sabayan ang kulit at energy ni Enzo pero kapag si kuya Alas ang kasama niya kala mo sila ang magkapatid. Tamang tama ang pagkamoody niya sa friendship nilang tatlo.