Chapter 5: Regius Academy

49 6 2
                                    

Chapter 6

TOPAZ

Ilang minutong reklamo ang inabot ko sa gilid ng eskinita dahil sa mga babaeng ito. Halos mabingi na ako sa sigaw nila lalong-lalo na itong si Pearl. Nakakarindi. That's why I'm thankful that we have Amethyst, the peace-maker.

After torturing my eardrums, they finally stopped and decided to eat. Ang kaso ay wala kaming pera kaya ang nangyari ay namingwit nalang sila ng isang uto-utong lalaki para magpalibre. I laughed so hard when they got a horde of men tailing them and treating them to the nearest restaurant Take note, only Ruby and Pearl did the work. Kahit na ganyan na ang mukha nila pano pa kaya kung wala yung spell?

"Royal servants"

Kung ganun ay hindi lang pala ako ang nakapansin. Even Sapphire noticed the Royal servants from Aurelius Kingdom. Hindi nakawala sa paningin ko ang mayordoma ng palasyo na pumasok sa isang bar. Kahit nakacloak ito ay kilalang kilala ko ang tindig niya. No decent servant would enter a bar still wearing their uniforms and considering her age? No way.

"What do you think is their agenda?" tanong ko sa kanya.

She just stared at me with that cold look on her face.

"I know you already know the answer. Don't fool me."

I smirked inwardly. She knows me. She knows me very well.

Napabaling ang atensyon namin kila Ruby na nag-aya ng pumasok sa restaurant. Habang kumakain ay banas na banas ako sa tanawing nakikita ko at pati na rin sa lalaking katabi ko. Kung hindi lang dahil sa panlilibre nila ay kanina pa gumulong ang ulo nitong lalaking to sa sahig. This motherfucker keeps on touching my body while whispering to my ears.

"Hindi niyo na kailangang bayaran ang mga yan. Painitin mo lang ang gabi ko ay ayos na," nakakapanindig balahibo sa diri ang bulong nito sakin.

At dahil hindi na ako nakapagpigil pa. "Get your filthy hands off me and oh don't worry. Hindi ka na aabutan ng gabi kapag humawak ka pa sakin."

Bago pa siya makapagsalita ay pinindot ko na ang pressure points niya sa katawan para panandalian siyang maparalisado. I didn't kill him though. Kahit kating-kati na ang kamay kong gawin yun.

Tulad ko ay paralisado narin ang mga lalaking katabi ng mga kapatid ko. Maliban nga lang sa katabi ni Ruby na walang malay at basag pa ang mukha.

"Get their coins on their pockets." utos ni Sapphire na agad naming ginawa. llang bronze coins ang nakuha ko sa lalaki at ganun din naman sa kanila. Pagkatapos nun ay umalis na kami at iniwan silang luhaan.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ni Pearl na halata pa rin ang pagkabanas dahil sa mukha niya ngayon.

"Let's find an inn and let's stay there for awhile. Dadating si uncle bukas sa Lumina at siguradong mahahanap niya kung saan tayo nags-stay."

"Pano mo nasabi?" gulat na tanong ni Ruby habang nagtataka ring nakatingin sa akin ang iba maliban kay Sapphire at Onyx. Mukhang alam na nila. As expected.

"Gamit ang bibig ko. Try mo rin," pamimilosopo ko sa kanya kaya sinamaan niva ako ng tingin. Pfft pikon.

Hindi nalang nila ako tinanong dahil sinabi ko na sa kanila na mamaya ko na sasabihin kapag nakahanap na kami ng inn. Despite ot the mess we made in our first day here in Aurelia, I can say that we are still lucky that we found a cheap inn dahil kung hindi ay tiyak na sa daan kami matutulog mamaya. Saktong-sakto lang anng dami ng bronze coins namin.

Here in Aurelia, they used bronze, silver and gold coins as their money. A silver coin is equivalent to fifty bronze and a gold is equivalent to fifty silver and one hundred bronze.

Prima RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon