STOP, LOOK, and LISTEN

72 0 0
                                    

            Sabi nila, ang love daw, hindi hinahanap. Kusa daw ‘yung dumadating, sa tamang oras, sa tamang lugar. Pero paano kung may dumating na? Pa’no mo malalaman kung ‘yun na nga ang tamang pagkakataon? Would you take the risk? Or would you just forget about it dahil takot kang masaktan?

            Ako nga pala si Meg. Joyce Meagan Medel ang tunay kong pangalan. Old freshman ako sa Unibersidad ng Pilipinas – Los Baños, currently taking up Bachelor of Science in Development Communication. Hindi ako maganda at hindi rin ako mahilig magpaganda. Simple lang. A normal girl. Bago ako pumasok sa UP, madalas kong naririnig na sa CDC (College of Development Communication) daw, karaniwang magaganda at fashionista ang mga babae. Pero sabi nga ng marami, there are always exceptions. At isa akong exception sa perception na ‘yun. Naka-isang sem na ako pero ganito pa rin ako. At masaya ako sa kung sino ako.

            “Miss Medel, I’m asking you, what do you think are the qualities that a good media writer should possess?” Nagulat naman ako sa tanong ni Ma’am Kyla. Nasa DEVC11 lecture class kasi ako, at eto, nag-daydream.

            “Ahm . . . Ma’am, ah, I think, a media writer, ah, a good media writer, should, ah, should be curious, and, ah, patient. She, ah, she should also be flexible enough.”

            “Okay. Thank you.”

            Yeah! Mabuti naman at nasagot ko ang tanong ni Ma’am. Ewan ko nga ba sa prof na ‘to. Large class pero nagtatawag. Wala namang masama du’n. Ang masaklap lang, sya ang adviser ko. Kaya naman kilala nya ako.

            After ng DEVC11 class, nilapitan ako ni Geann. Okay. Meet Geann. Siya ang super classmate (classmate sa lahat ng subjects) ko last sem. At syempre, kaibigan ko pa rin sya ngayon.

            “Hey, Meg! Lunch tayo!”

            “Uy, Geann! Sure. Tara, Ellen’s tayo?”

            “Leggo!”

            Naglalakad na kami ni Geann palabas ng CAS Annex 2 nang maramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko, eto ang nakita ko: UP. CAS_KYEL calling. Uhm. Sino si Kyel? Classmate ko sya sa NASC3 (Physics in Everyday Life) last sem. ayaw ko talaga sa lalaking ‘to dati. E kasi naman . . .

*flashback*

            First meeting nu’n sa NASC3, recit class ‘yun kaya naman kokonti lang kami.

            “Okay, everyone, group yourselves into four para mas maging madali ang introduction. ‘Yan na din ang magiging permanent group nyo for the whole semester.”

            Oh my gosh! Anong gagawin ko? Wala akong kakilala dito. Bakit kasi ako ang nag-iisang DevCom dito? Huhuhu. Pa’no ako makakahanap ng ka-group? :’(

            May babae namang lumapit sa akin at sinabing, “Hi! Kulang pa kami ng isa sa group. Gusto mo, sa’min ka na lang sumama.”

            “Ha? Sure.”

            Lumapit na kami sa dalawang ka-group namin.

            “Pakilala muna tayo. Ako nga pala si Joyce. VetMed ang course ko.”, sabi nung isang girl.

            Joyce din sya? Wow. Ayan tuloy, umandar na naman ang kadaldalan ko. “Wow! Joyce ka din? Joyce Meagan ang pangalan ko. But just call me Meg, DevCom.”

            “Nice! Coincidence ah.”

            “Haha. Oo nga.”

            Nagsalita naman ‘yung girl na lumapit sa’kin kanina. “Ako naman si Julie. Roommates kami ni Joyce. Econ ang course ko.”

STOP, LOOK, and LISTENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon