The Twist of the Story

135 1 0
                                    

Chapter One

12:30PM

Laking gulat ng mga estudyante sa loob ng campus nang biglang sinuntok ni Jason si Michael o tawagin na nating Mike sa mukha.

Dumaloy ang dugo sa ilong niya nang hinawakan at pinahid niya ito. Saglit ang nakalipas at binawian ng malakas na suntok ni Mike si Jason sa mukha dagdag pa ang sipa niya sa tiyan.

Napahandusay si Jason sa lakas ng suntok at sipa ngunit bumangon siya sa pagkakahiga upang bumawi ng ganti.

"Wala kang karapatan para landiin ang girlfriend ko." Galit na wika ni Jason habang papalapit kay Mike upang ipatikim ang kamao niyang puno ng galit.

"I'm not flirtin' yer girlfriend," sambit naman ni Mike.

Parami nang parami ang tao sa lugar na kung saan nagaganap ang away. (Wow ha, parang festival lang.)

Habang ang kasalukuyang nanonuod ay nagsisigawan ng 'sige pa', 'away pa' at iba-ibang hiyawan meron namang sari-saring reaksyon ang naririnig sa mga estudyanteng saksi sa gulo. Ang iba ay nasisiyahan ngunit ang iba ay natatakot at naaawa sa mga mukhang unti-unting nababahiran ng dugo.

Sa lahat ng naroon ay agaw pansin ang iyak ni Kath, girlfriend ni Jason, habang pinapanuod ang suntukan ni Jason at Mike. "Tama na! Walang kasalanan si Mike," sigaw niya habang nakatingin sa mukha ni Jason na walang ibang emosyon ang nasa kundi galit at selos.

Tumingin si Jason kay Kath at hinahabol ang hininga. Siguro ay napagod siya pagkatapos ng mga malalakas na binitawang suntok. "At sino ang dapat sisihin dito," tanong ni Jason kay Kath na ngayon ay medyo humuhupa na ang galit. Marahil ay naaawa na sa gf niyang kanina pa umiiyak.

"Ako! Ako ang nag-umpisa ng lahat. Tinawag ko si Migs upang turuan ako sa assignment ko." Napahinto siya dahil na rin sa lakas ng hikbi niya. "I told him to go in the library. Wala siyang kasalanan kaya tama na!" Pasigaw na paliwanag ni Kath habang ang luha ay patuloy parin na dumadaloy sa kanyang mukha.

Nakatayo si Jason sa harap ni Mike na ngayon ay nakahandusay sa lupa. Nagulat na rin nang binanggit niya ang pangalan ng kambal ni Mike. "Hindi pa pala sapat sa'yo ang isa, pati kambal pinatulan mo?"

Walang reaksyon si Kath sa huling sinabi ni Jason.

Maya-maya pa ay may narinig silang sumisigaw at tumatakbo, si Miguel. Siya ang kambal ni Mike. Halos magkamukha sila at pawang maputi at gwapo. May lahi kasi silang British dahil sa tatay nila. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa kung kaya laking gulat narin ng karamihan nang wala siya habang nangyayari ang kaguluhan.

"Jason!" Napalingon ang lahat sa blonde na lalaking palapit kay Jason upang gumanti ng suntok. "Take this, d*ck!"

Bumagsak si Jason sa lupa. Lumapit si Migs (Miguel) kay Mike upang tanungin kung ano ang kalagayan niya. Duguan na si Mike at halos hindi narin makakilos. Hindi kasi sanay sa gulo si Mike pati na rin si Migs. "Hey dude. Are ya ok?"

Dahil sa England sila lumaki, hindi masyado marunong magsalita ng Tagalog ang kambal. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit wala silang kasama at makausap sa Princeton High. Bukod sa sanay sila magsalita ng English ay meron pa silang accent.

Tumayo si Jason at lumapit kay Migs upang gumanti. "Wag mo kong inglesin! Nasa Pinas ka!"

Nasaktan si Migs sa lakas ng suntok na binigay ni Jason. Ito narin ang dahilan kung kaya parehas na sila ni Mike na nasa lupa.

Lumapit si Kath kay Jason upang pigilan si Jason sa balak na sipang ibabato kay Mike. Ngunit sa lakas ni Jason ay wala siyang nagawa kundi matumba sa tabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Twin Brother's MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon