18 years of existence but I never have the courage to smile since then, when they left me. They left me behind without any single words because of that man-everything became a mess. Everything in me had vanished. My family, friends, and my soul.
Sa hindi inaasahang panahon, araw at pagkakataon gusto kung bumangon ulit sa aking mahimbing na pagkakahimlay. Linimut ko na ang masamang bangungut nang nakaraan, ang nakaraang ayaw ko nang balikan ngunit sa t'wing ako'y nabubuhay ay hindi ko maiwaglit ang nakaraan, lahat nang nakaraan na sumira sa'akin. Gustuhin ko mang tapusin ang aking sarili ngunit hindi ko kaya dahil sa t'wing gagawin ko ito'y tadhana na mismo ang pumipigil sa'kin, pagod na ako pagod na pagod.
Napaluha na lamang ako sa aking mga naalala, kung hindi sana ako naging tanga hindi sana mangyayari 'yon, yung kinakatakutan ko ngunit kahit anong gawin kung pagpigil sa aking mga nagbabadyang luha ay patuloy pa rin ito sa pag-agos. I'm in vain after all.
Habang kinukusot ko ang aking mga mata upang matigil ang pag-agos nang aking luha ay naaninag ko na naman ang aking repleksyon sa salamin, hindi rin matanggal ang aking atensyon sa pagtitig nang aking mga mata. Those dead pair of kaleidoscope eyes, sayang ang napakagandang kulay nito dahil hindi man lang 'to nakaranas nang saya puro kalungkutan at kabighatian lamang. Sabi nila ang swerte ko raw dahil sa may mata akong kulay nito kaya lang hindi 'yon totoo, having these won't suits me nababagay ito sa mga masayahing tao at hindi ako 'yon.
"Keira dalian mo d'yan at baka ma late ka pa sayang 'yong trabaho! Wala akong pera para sa sugal ko kung hindi ka kikita kaya lumabas kana d'yang malas ka!" Malakas na sigaw nang tita ko, ang kaisa-isang taong umampon sa'kin ngunit kahit anong gawin ko upang matanggap niya ako ay siya naman mismo ng tumatakwil sa'kin dahil ang turing niya sakin ay isang basura, basura na kahit kailan ay hindi niya pupulutin dahil sa wala itong pakinabang.
"Opo lalabas na po" mahinang usal ko bilang tugon sa kanya alam ko namang inampon niya lang ako para may makain siya at may maipangsusugal siya ngunit kahit masakit sa'kin ay hindi ko siya kayang iwan, mahal ko si tita kahit ayaw niya sa'kin kaya kahit anong pang masakit na salita ang ibato niya sa'kin ay hindi ko nalamang ito pinapansin dahil nirerespito ko siya.
"Bilisan mo r'yan dahil ipag-iigib mo pa ako nang tubig! Bilisan mo dahil nangangamoy na ako!" Kaya dali-dali akong inyos ang aking sarili at pinahid ang maliliit na butil nang luha na nais kumawala sa aking mga mata, mabilisan akong kumilos upang hindi na ulit makapag salita si tita nang masakit sa'kin.
Kumuha ako nang dalawang balde upang pag-igiban nang tubig isa para sa'kin at 'yong isa ay para kay tita. Pumunta ako kung saan p'wede akong kumuha nang tubig marami pa namang tao ang nakapila upang mag-igib paniguradong matatagalan ako nito.
"Nandito na naman ang babaeng madumi" usal nang kung sino man rito, alam kung ako ang tinutukoy nila sino pa ba, simula n'ong nangyari ang trahedyang 'yon madumi na ang tingin nila sa'kin, wala naman akong ginawang masama.
"Ewan ko d'yan sa babaeng 'yan at nakayanan niya 'yong gawin, kababaeng tao ang landi" ngayon ay kitang-kita ko na talaga silang nag-uusap, wala silang pakialam kung marinig ko man sila harap-harapan na talaga nila akong pinapahiya.
"Alam mo Keira sayang na 'yang buhay mo, sana nag bigti ka nalang wala naman kasing magmamahal sa'yo sarili mo ngang pamilya ay tinalikuran ka dahil sa kalandian mo mahiya ka naman" sapol hindi ko na talaga makaya, hinarap na talaga ako aba'y ayos din. Hindi ko naman kasalanan kung ganyan ang tingin nila sa'kin, wala naman silang alam.
"Mga kapitbahay itago niyo 'yang mga asawa ninyo baka may pumulupot" sigaw ni aling Martha na siyang nakakuha nang atensyon sa buong madla rito sa'min, pinipigilan ko lamang ang aking luha sa pag-agos dahil ayokong sabihan na naman nila akong mahina. Gaya nang dati.
BINABASA MO ANG
Melancholy
RomanceKeira Monteverde a beatiful lady with well mannered attitude. She's begging for love, care and support which no one can give it to her. When she's 13, she encountered the most heartbreaking incindents that leads her to have this shity life of hers...