Stanza 18
Melissa's POV
KYAAAAAAAAAAH! Monday na ulit! Andito na ako sa dining table kasama si Kuya Nat.. naliligo pa si ate... ginigising pa ni manang si Kuya Seth.
"Steph!" Tawag niya.
"Oh?" Tiningnan ko siya at uminom ng gatas.
"Engaged na ako." amuntikan k nang naibuga yung gatas ko. Napaubo ako kaya naman hinaplos ni kuya ang likod ko at inabutan ako ng table napkin.
"Ano? Pinilit ka na naman ba ni mommy at daddy? Naku yang mga taong yan walang alam sa love. Puro lang kasal kasal kasal para dumami ang pera. Eh ano namang magagawa ng pera mo kung--" di ko na natapos yung isisigaw ko pa sana dahil tinakpan niya yung bunganga ko.
"SSSSSHHHHH!" sabi niya.
"Kuya. Why so early naman? Pinilit ka ba nila mama at papa? Ha? Ano sasagot na ba--impff" naputol ulit yung sinasabi ko dahil pinaslakan niya ng loaf bread yung bunganga ko.
"Wag ka muna magsalita okay? Si kuya muna." sabi niya tapos nagnod ako.
"At first pinilit ako ni mama, si papa laging go with the flow diba?" I nodded. Nagpatuloy siya. "Mom let me meet the girl. Well, maganda siya. Actually magkasundo kayo kung magkataon. Matalino, matangkad, maputi at isip bata. At first naiinis ako sa kanya dahil antaray niya sa akin. Sa akin nga lang eh. Naiinis rin siya sa akin dahil ayaw daw niya magka fiance ng masungit." he ate his pancake. "Pero alam mo, di ko alam na nahulog na ang loob ko sa kanya. Kaya I proposed to her akala ko irereject ako tapos un pala siya rin nahulog." my kuya smiled.
Bumuntong hininga ako at napangalumbaba.
"Hey. Don't do that. Nasa hapag ka." Suway ni kuya.
"I'm just awed. Nakahanap ka na ng reyna mo, kuya. Hindi ka na prinsipe. Hari ka na rin." Sabi ko. Ginulo niya ang bangs ko at tumayo na. Kinuha yung coat niya na nakasabit sa chair niya.
"Kuya. For what ang coat mo?" tanong ko.
"Business meeting ni daddy. Ako ang pinapunta niya." wow. I have a very cool kuya! 21 years old pa lang siya eh busy person na. Nagpout ako.
"Oh. Bakit ka nakapout?" tanong nya.
"Eh kasi. Mastress ka kuya. Baka mawawala kagwapuhan mo." Bahagyang natawa siya at hinawakan ako sa ulo.
"Hay naku. Baby... Steph.. 21 years old na ako. Capable of working." he said while smiling. "I'll go ahead." he kissed my forehead.
"Bye oppa!" At ako? Hinihintay ko si ate. Antagal nga niya eh. Sige na nga lang. Maaga pa naman.
***
"Bye ate." i wave to my ate as we part ways in the campus.
"STEEEEEEEPH! OMG! Kailangan mo tong makita!" Tumatalon at nakangiting sabi ni Melisse sa akin. Hinila niya ako papuntang main bulletin board. May nagkukumpulan doon kaya di ako makasingit agad.
"Omo. Answeet naman niya!" sabi ni ewan ko. girl.
"Answerte ng girl." sabi ni di ko alam. girl.
"Wow. First time tong ginawa ni $%&^ sa isang girl." sabi ni malay ko. girl. Tsk. Sino daw yun? Di ko naintindihan yung pangalan eeh.
"Anong meron?" tanong ko then tiningnan ko si Meliss na ngayon ay nakasparkling eyes habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
A Song For You[ASFY]
Novela Juvenil[UNDER EDITING] A typical love story of a typical boy and a not-typical girl who fell in love with each other since who-knows-when.