Chapter 28: Surprise

317 61 7
                                    

Claire's POV


AFTER 6 YEARS

"Hoy sis! Sa isang araw na yung birthday ko kaya dapat nandito ka!" nagtatampong sabi ko kay Arianna through video call.

"I'm sorry Claire. I'm not sure pa e. I'm busy kasi e."

"Wow naman! Conyong conyo ka na girl!" singit ni Kylie tsaka siya tumawa.

"Nakakapagtampo ka na Arianna! For Pete's sake! 22 years old na niyan ako pero di ka parin makaka-attend? Tapos malapit na ding ikasal si Kylie, don't tell me na pati yun palalagpasin mo rin?" inis na tanong ko sakanya.

"I'm sorry girls."

"Tsk, ano pa nga ba. Lagi namang ganito yearly e." nakasimangot na sabi ko. "Osige na, may trabaho pa kami bye." then i ended the call.

"Ang harsh mo naman kay Arianna!"

"Nagtatampo lang ako okay? Ilang birthdays na natin yung lumipas pero hindi parin siya umuuwi dito sa Pinas. Tapos hindi pa sure yung pag-uwi niya sa kasal niyo ni Yuan. Sinong di magtatampo?"

"Hindi rin naman tayo nakaka-attend ng birthday niya ah? Kaya quits lang hehe" naka peace sign na sabi niya kaya inirapan ko nalang siya.

"Whatever." sagot ko tsaka na ulit ako magro-rounds.

6 years na yung nakalipas and stay strong parin kaming magbabarkada. Nagkaayos na rin kami nila Cael dahil kinalimutan na namin yung mga nangyari dati. Pare-parehas na kaming may mga trabaho ngayon. Sila Cael, Ethan,Ivan, Yuan, and Felix pare-parehas silang Engineer. See? Pati sa trabaho BEST FRIEND GOALS parin sila HAHAHA. Si Dianne naman Architect na ngayon. And kami ni Kylie parehas kaming nurse. Si Arianna naman dapat magdodoctor siya kaso dahil sa nangyari sa dad niya nagpalit siya ng course. Ang alam ko CEO siya sa kompanya nila. Ganun din si Julian, about business din yung kinuha niya. Kung saan naman si Arianna dun din siya e. Baka magulat nalang kami na sila na pala sa tagal na nilang magkasama HAHAHA.

Cael's POV

Claire's Birthday

Nandito kami ngayon sa bahay nila Claire dahil dito niya ginawa yung birthday niya. 8:00 PM na at konti nalang yung mga bisita kaya sama sama na kaming magbabarkada dito sa dining area ng bahay nila at umiinom na.

"Bakit ang lungkot naman ng baby ko? Birthday mo so smile." tsaka ngumiti ng malapad si Ivan sa harap namin nila Claire.

"Manahimik ka nga! Ang panget mo!" sita sakanya ni Claire kaya tumawa kami.

"Boom! Panget ka pala e!" pang-aasar namin sakanya.

"Baby naman e! Parang hindi mo'ko boyfriend!" pagmamaktol ni Ivan kay Claire kaya lalo kaming natawa.

"Ang weak mo naman pre! Boyfriend ka pa lang pala e! Wala ka pala samin ni Ethan e! IKAKASAL na HAHAHAHAHA." panunukso ni Yuan.

"Tss, ikakasal palang naman. Iba ang kasal sa ikakasal. Bakit? Sure ba kayong magpapakasal yang mga fiance niyo kapag sinabi ko yung mga baho niyo?" nakangising tanong ni Ivan sa dalawa.

"Ano yon?" sabay na tanong nila Dianne and Kylie kaya nakatanggap ng dalawang batok si Ivan kila Yuan and Ethan. Napailing iling nalang ako sakanila.

"Huwag kang maniwala diyan babe, gumagawa nanaman ng kwento yang weak na yan."

"Nakuuu, siguraduhin mo lang Yuan! Kung ako sayo sabihin mo na habang maaga pa!" nagbabantang sabi ni Kylie kaya tumawa agad si Ivan.

"Sabihin mo na habang maaga pa para itigil na natin yung kasalang magaganap. Yan kinompleto ko na yung sentence ni Kylie. Thank me later Yuan." sabay kindat ni Ivan kay Yuan. "Tayo baby kailan tayo papakasal?" tanong ni Ivan kay Claire kaya agad na lumingon si Claire sakanya.

"Ano? Anong tanong mo? Papasakal? Kanino ka papasakal?" tumawa kaming lahat dahil sa sagot ni Claire.

"Sabi ko nga." nakapout na sagot ni Ivan. Parang bakla 'tong lalaking 'to. Minsan nga tinatanong ko sa isip ko kung sino yung babae sakanila e.

"So back to topic tayo. Bakit malungkot ang ating birthday celebrant?" tanong ni Dianne.

"Kasi wala si Arianna. Di nanaman tayo kompleto." nawala yung mga ngiti sa labi ko pagkatapos kong marinig yung sagot niya. "Every year nalang pinapaasa ko yung sarili ko na baka gumagawa lang siya ng excuse na hindi siya makakapunta pero yung totoo isusurprise niya ako na charaannn i'm here! Pero in the end ako lang yung masasaktan kasi umasa lang ako." tsaka siya ngumiti ng pilit at ininom yung alak na nasa baso niya at ganun din yung ginawa ko.

"What if sabihin kong andito ako? Surprise! I'm here?!" naistatwa ako sa kinauupuan ko ngayon. F*ck! Lasing na ba ako? Naririnig ko nanaman yung boses niya! Kagaya ng sinabi ni Claire pinapaasa ko nanaman yung sarili ko.

"Oh my gosh! Lasing na ba ako?" gulat na tanong ni Kylie.

"T-totoo ba'to?.. Arianna?" tumayo agad si Claire tsaka tumakbo papunta sa may likod ko. "Omy! You're here!" tsaka ko na narinig yung pag iyak ni Claire. So totoo nga yung narinig ko? She's here! Pero natatakot akong lumingon, di pa'ko ready na makita ulit siya.

"Happy birthday!" rinig ko ulit na sabi niya. After 6 years, sawakas narinig ko ulit yung boses niya.

Nung tumayo sila Kylie and Dianne sumunod na din yung iba papunta kay Arianna kaya tumayo na din ako. Pagtingin ko sakanya feeling ko nahirapan akong huminga. Hindi ko alam kung lalo siyang gumanda or dahil lang matagal kaming hindi nagkita. Nagyakapan silang mga girls dun habang umiiyak, habang kami naman pinagmamasdan sila. Girls are girls.

Pagkatapos nilang magyakapan agad na bumeso si Arianna kay Ethan. "Long time no see." bati ni Ethan kaya tumango naman si Arianna at bumeso na kila Yuan and Felix.

"Lalo kang gumanda ah! Alagang alaga ni JULIAN!" di ko alam pero parang gusto kong upakan bigla si Ivan dahil alam kong sakin niya pinaparinig yon, idagdag mo pa yung nakakaasar na tawa niya.

"Wala kang pinagbago Ivan! Corny mo parin." umiiling iling na sagot ni Arianna. Tsaka siya pumunta sa harap ko tsaka ako bineso. Nagulat ako nung naramdaman ko yung pisngi niya sa pisngi ko. Feeling ko bigla akong nakuryente. Kahit na wala na siya sa harap ko di parin ako makaget-over.

"HOY!" nabigla ako dahil ginulat ako ni Ivan kaya tinignan ko siya ng masama. "Yown! Sawakas gumalaw ren! Akala ko naestatwa ka na e, parang tutulo pa laway mo pre!HAHAHAHA" pakipaalala sakin mamaya yung isang suntok ni Ivan ha? Isa lang promise. "Arianna tara na umupo na tayo dun, baka mamaya iuwi ka pa ng isa diyan este baka umuwi ka na niyan hehe."

Pakasaya ka lang Ivan, sige lang.



***

;)

Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon