S.O.R.R.Y

7 0 0
                                    

Salitang Ingles,
Limang letra, Isang salita.

Salitang ka'y daling sabihin, Ngunit paano ko paniniwalaan?


Pa ulit-ulit kong naririnig, Pilit ko parin uunawain.

Kahit yata aking tanggapin, Kasalanan muli ay gagawin.


Humingi ng tawad akala ba'y madaling tanggapin?

Pa ulit-ulit na pagtawad,
pasensya ay ubos na.

Ano pa ang sadya ng pakiusap?
Kung sawa na ako sa matatamis na salita.

Paano kaya kung aking baliktarin?
Ako naman ang patawarin,
Dahil isa lamang ang sagot sa hinihiling.

''Sorry'' na ibig sabihin

Tama na, ito'y atin nang tapusin.

A Poem of My FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon