when love exists between us

490 4 1
                                        

    nang makarating na kami sa boarding house ko, Pinagbihis ko muna siya. Natawa talaga ako ng sabihing niyang wala daw siyang damit. Kaya naman pinahiram ko na lang siya. Nung gabing iyon, Di ko hangad o hiling na may mangyayari pala sa aming dalawa. Paggising ko sa umaga, kita ko umiiyak si Kiel. Tinanong ko siya at nilapitan.

" anong problema? " mahinhin na tanong ko.

" huhuhu. May nangyari sa ating dalawa. Baka ma--"

di palang siya natatapos magsalita, hinawakan ko kaagad ang kanyang mga kamay.

" hindi. walang mangyayari sayo. Huwag kang matakot. Makakagraduate ka ng high school. Kasalanan ko nagpadala ako " ang sabi ko sa kanya sabay yakap.

     Makalipas ng 2 buwan, Wala namang balita pero yun ang inaakala ko. May naghihintay palang masamang balita. Alas 4:00 yun ng umaga. Takang-taka ako kung bakit ang napaka aga naman yata tumawag ni Kiel. Nang sinagot ko ang telepono, narinig ko na agad ang kanyang pag-iyak kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko.

" bakit napatawag ka?"

" huhuhu mali tayo. Pumunta ako kahapon sa clinic..Positive!" sagot niya sa akin habang humahagol-gol.

natahimik ako bigla. Wala akong nasabi at para bang biglang huminto ang mundo ko. Pero alam ko na. Sa puso't isipan ko na may posibilidad talaga na mangyayari ito kaya naman may solusyon na kaagad ako. Na pagdesisyon naming dalawa na huwag mo ng sabihin sa kanyang mga magulang pero pananagutan ko ang nasa sinapupunan at pati siya. Kinakailangan kung umuwi sa amin upang ipagtapat sa aking mga magulang kung ano ang nangyari.

" kailan ka aalis?" pagtatampong tanong niya.

"siguro, next week. Please lang huwag ka ng magalit. Para sa atin rin naman ito at para din sa anak natin. Please?"

"natatakot lang kasi ako na baka takasan mo lang ako tapos hindi panagutan ang anak natin", pag-aalala niya.

" hinding-hindi mangyayari yun dahil mahal na mahal kita at lalo na ngayong magiging ama na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2011 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When love exists between usWhere stories live. Discover now