Prologue
Kio Zexus. Isang ulilang binata na nakatira sa baryo ng Alimbang,doon ito namuhay ng mapayapa.Kahit sila lang dalawa ng kanyang kaibigang si Alice ang nakatira doon ay masaya naman sila.
Pariho sila ni Alice na ulila,si Alice ay kaibigan ni Kio,anak si Alice ng isang kasapi ng Zexus clan.
Matagal na panahon na rin kasi simula nung mahiwalay silang dalawa sa Zexus Clan dahil narin sa pagsakop ng mga maharlika sa kanilang baryo,ang baryong Zexus,ang baryo ng clan nila.
Sinakop ito ng mga maharlika lalo pat sila ay isang mangangaso lamang.Dahil ayaw ng pinuno ng Zexus Clan na ipasakop nalang basta-basta ang baryo nila ay nakipagka-sunduan ang mga pinuno ng Zexus Clan na si Pinunong Kiro,ang ama ni Kio at si Pinunong Alon,ang ama naman ni Alice.
Nakipagsundo ang magkapatid na Alon at Kiro sa mga maharlika na idaan sa labanan ang pagkuha ng baryo nila. Nakipagkasundo naman ang mga maharlika dito sa magkapatid na pinuno.
Pero...dahil iba ang ikot ng isip ng mga maharlika ay hindi alam ng magkapatid na pinuno ng Zexus Clan na sa gitna pala ng kanilang paghahanda sa labanan ay pinalibutan na pala ito ng grupo ng mga maharlika.
Hanggang sa isang gabi ay habang ang ibang kasapi ng Zexus Clan ay natutulog ay hindi nila namalayang nilusob na pala sila ng mga maharlika.
Isa si Kio at Alice sa mga kasapi ng Zexus Clan na natutulog pa lamang sa kani-kanilang tahanan ng salakayin ng mga maharlika ang baryo nila.
Hanggang sa pariho silang nagising dalawa sa ingay ng mga baril at sigawan ng mga tao sa labas ng kani-kanilang mga tirahan.
Si Kio ay labing apat palang ng maganap ang madugong digmaan nung gabing iyon.Si Alice naman ay nasa labing isa palang nung mangyari iyon.
Flashback
Kio Zexus pov,
Tumakbo ako sa harap ng pintuan nang marinig ko ang ingay sa labas na para bang may nagputukan at nagsigawan. Binalingan ko ang kama kung nasaan katabi ko sina ina at ama kanina natutulog,pero wala ito dito kaya naman lumabas ako sa tahanan namin...ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang duguang mga taong nakahandusay sa lupa at wala ng buhay.
Bumaling naman ako sa iba pang bahagi sa harap ng tahanan namin at nangilid naman ang luha kong makitang duguan ang aking tiyo Alon habang nakikipaglaban sa mga hindi ko maaninag na mukhang mga tao.
Lahat ng kalaban ng Clan namin ay nakasu'ot ng magagarang damit na animoy mga ninja,at ang Clan naman namin ay naka itim lang na kalsones at walang mga tsinelas na suot.
Napatingin naman ako sa likod ni tiyo Alon ng makita kong animoy may pinoprotektahan itong tao o ano man sa likuran nito. Ganoon nalang kabilis tumulo ang luha kong makita si Alice na umiiyak at may sugat ito sa mukha at halatang nadaplisan ito ng kung anong matulis na bagay.
Tinignan ko ang bawat sulok ng bahay kung meron ba akong makukuhang kung anong bagay na pwede kong gamiting panglaban kung sakaling may susugod sa akin.
Napatingin naman ako sa isang malaking kahon na nakatago sa ilalim ng kama. Dali-dali ko itong binuksan at bumungad naman sa akin ang maraming itak na matutulis at halatang bagong gawa pa ito.
Hindi ako nag dalawang isip na kunin ang isang bistida ni ina na nakasampay sa labas ng bahay,ginawa ko itong lagyanan ng mga itak na iyon. Tinali ko ang ibabang bahagi ng bistida ni nanay na may butas at sa ibabaw naman ng bistidang iyon na may butas rin ay doon ko ipinasok ang mga itak kasama narin ang kutsilyong bigay ni ama sa akin nung magsimula akong mag-aral kung paano mangaso at kung paano makipaglaban.
Dali-dali akong lumabas at ganoon nalang kabilis ang tibok ng puso ko ng makita si tiyo Alon na naka handusay na sa lupa...napatingin naman ako kay Alice na ngayon ay umiiyak habang tinutukan pa ng baril nung isa pang parang ninja..hindi ko mawari kung ito ba ay ang nakalaban ni tiyo Alon kanina.
Agad akong kumuha ng itak at walang pakialam sa mga naglalaban sa dinaanan ko at ibinato ang itak na iyon sa tumutok kay Alice,sapul naman ito kaya madali akong nakalapit kay Alice na ngayon ay iyak parin ng iyak. Agad kong hinila si Alice patakbo sa isang malaking puno at mabilisang pinauna sya ng akyat doon..tinignan ko pa ang paligid bago ako sumunod sa kanya sa pag-akyat sa malaki at mahabang punong iyon.
Pinaupo ko si Alice sa isang sanga na mataas sa sanga kung saan ako na ka upo para masiguradong hindi kami makikita at lalo na sya.
“K-Kuya K-Kio.” napatingin naman ako kay Alice ng bigla itong tumahan sa pag-iyak at sinambit pa ang pangalan ko.
Napatingala naman ako sa kanya na ngayon ay nakatingala sa buwan habang pinupunasan ang mga luha nito sa pisngi.
“P-Pasensya K-Kuya...hindi k-ko n-naligtas s-si Pinuno Kiro....at..si..Tatay...at si..Nanay...at..si...T-Tiya Cora...” gumagaral na boses na sabi nito na animoy pinipigilang maiyak.
Agad namang nagsipagunahan sa pagbaba ang mga luha ko ng marinig ko ang pangalan nila ama at ina...wala na sila...alam kong wala na sila...
“Iniligtas ko naman si tiya...t-tiya Cora kanina eh...p-pero h-hindi ko alam n-na natama--natamaan na pala sya....i-iniligtas naman rin n-ni t-tatay si...s-si tiyo..p-pero...m-matigas kasi si tiyo eh..k-kaya naman...nawala rin sya...kasabay n-ng pag-ka-kawa-wala n-ni n-anay....a-at p-panghuli...s-si tatay..” mahinang sabi nito na humagulhol pa. Nakatingin parin ako sa kanya habang sya naman ay nakatingin parin sa buwan.
Nagbaba ako ng tingin at doon nakita ko kung paano inubos ng lahat ng mga mamatay taong iyon ang mga kasapi ng Zexus Clan.
Nangilid naman ang luha ko kasabay ng pagkuyom ko sa aking kamao. Hindi ko mawari kung bakit nila ginawa ang ganito kasaklap na pangyayari. Wala silang awang ubusin ang mga taong kasapi ng Zexus Clan...walang pili silang pumaslang...mabata man o matanda ay pinaslang nila...may muwang man o wala pinaslang nila...bakit nila ginawa ang bagay na ito?ano ba ang kasalanan ng clan namin sa kanila?ano ba??....
“Kuya...may ibinigay si tatay na sulat bago sya nawala...” napatingala ulit ako dito. Bumuntong hininga naman ito bago inalis ang tingin sa buwan bago tumingin sa akin.
“Sasabihin...ko lang sayo kapag...okay na lahat...kapag kaya ko ng sabihin...” bumuntong hininga naman ako bago tumango.Alam ko na hindi gaano ka dali sa kanyang bigkasin ang pangalan ng magulang nya...kahit ako nasasaktan rin naman ako pero...
“Kuya....gusto ko pang matutu lumaban...gusto kong damihan ang kaalaman ko sa pakikipaglaban...dahil...” napatingin naman ako sa kanya ng seryuso....nakita ko ang galit sa mata nito sabay kuyom nito sa kamao nito...
“Dahil??.”
“Dahil...ipaghihiganti ko sila tiyo,nanay,tiya at tatay...lahat ng kasapi ng Clan natin...ipaghihiganti ko...” nagulat naman ako sa sinabi nito. Gusto kong magsalita pero nakita ko ang galit sa mata nito kaya bumuntong hininga nalang ako.
Gusto ko rin namang ipaghiganti sila...pero...hindi pa sa ngayon..aalamin ko palang kung sino ang mga taong iyon...
**+**
Hello:) please vote and comment:)
Hope you'll enjoy reading^_^