Audrey's POV
It's been a month and half since nag start ang bakasyon namin, and yet wala pa akong napipiling kurso hanggang ngayon, dapat ko bang piliin ang gusto ko or ang gusto ng mga magulang ko?
"hoy liezel bilisan mo naman mag ayos kanina pa tayo hinihintay ng mga ugok na yun sa labas oh, mauubos na yung mga chocolate na binili ko dun!!" sigaw ko sa kaibigan kong halos isang oras nang nakaharap sa salamin.
"okay lang yan, hayaan mo sila nag eenjoy pa maglaro mga yon!" at patuloy parin siya sa paglalagay nya ng eyeliner nya
"hoy ano ba?! lakas ng tama mo ah" sigaw nya ng sadyain kong tabigin siya dahilan para mawala sa linya ang eyeliner nya
"bahala ka dyan napakabagal mong kumilos, bilisan mo baba lang ako" di niya ako pinansin dahil busy na sya sa pagbubura ng eyeliner nyang wala sa ayos. dumiretso ako sa sala at tinignan ang boys na naglalaro sa sala kasama ang kapatid kong nasa limang taong gulang na.
"hoy! wag nyo naman ubusin yung chocolates ko!! binili ko yan para may makain ako sa gabi pag kailangan ko magreview!"
"kumain ka nalang din" sabay salpak sa bunganga ko ng toblerone na tatlong piraso, ayan si Jaydee ang partner in crime ko sa lahat ng bagay, ang gago sa aming mag babarkada kabaliktaran nya ang kapatid nyang si Andrew na saksakan naman ng sungit, pero syempre sa aming magkakaibigan mabait yan at matured na kung mag isip. Magkaiba sila ng nanay pero magkapareho sila ng edad, nagloko ang tatay nila noong pinagbubuntis pa lamang si Andrew ng nanay nya, at sa sama ng loob ni Nanay ni Andrew hindi niya pinangalan si Andrew sa tatay nya kaya magkaiba sila ng apilyido.
Tawanan ang barkada ng makita kaming maghabulan ni Jaydee papuntang kusina.
"wait wait! pagod na ko, sorry na!" saka siya lumapit sa ref at kumuha ng malamig na tubig at agad itong tinungga. binatukan ko ito ng malakas habang umiinom pa siya
"sira ulo ka ba? pitsel yan hindi baso!! kadiri ka ha, hindi mo pamamahay to!" agad naman nyang binaba ang pitsel at tumakbo pabalik ng sala, at ang gago nagiwan pa ng kalat na tubig sa lapag. Baliw talaga!
Aalis nga pala kami ngayon, pupunta kami sa La Union kasama ang mga magulang ko, birthday ng nakababata kong kapatid na si Toby at syempre wala pa naman syang masyadong kaibigan kaya ang barkada ko nalang ang sasama, but oh well ma bobored din naman ako kung wala sila.
Habang bakasyon pa ay sinusulit nanamin dahil magiging College students na kami sa pasukan, at gaya nga ng sabi ko wala pa akong napipiling kurso na balak kong kunin sa pasukan.
"tara na! anong oras na! nalagay nyo naman na mga gamit nyo sa van diba?" sigaw ni papa sa mga kaibigan kong naghaharutan sa sala
"opo tito" sagot ni Andrew ang pinaka may kwenta at matino mag isip sa lahat.
"sumakay na kayo sa van" saktong paalis na ang boys sa sala nakita ko naman na pababa ng hagdan si Liezel na akala mo dadalo ng kasalanan dahil sa make up nya.
"ohhh ayos na ayos ah, kala mo may date pero wala namang jowa! hahahaha" pang aasar ni Ryan kay Liezel at nagapiran pa sila ni Jaydee, mga loko loko talaga.
"at least ako marunong mag ayos eh kayo? forever dugyot nalang ba kayo?" pang aasar pabalik ni Liezel. sumakay na nga sila sa van kahit na patuloy parin ang asaran.
Nasa harapan si Papa dahil siya ang driver at katabi naman niya si Mama
at dahil seven kaming magkakaibigan mejo masikip dahil madami kaming gamit at sakop nito ang dalawang upuan sa likod, ako ang nasa bintana habang katabi ko naman si Adrian na kandong kandong ang bata kong kapatid na si Toby at sa tabi naman niya ay si Andrew. Sa likod namin nagsisiksikan naman si Jaydee, Liezel, Ryan at Allen.
Habang nasa byahe kami hindi napagod sa pag aasaran ang barakada, at dahil mahaba haba ang byahe hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakasandal sa balikat ni Adrian.
"Dreey..." narinig ko ang mahinang boses ni Adrian habang tinutulak tulak ako, pero pag mulat ko ng mata ko nakita ko mga kaibigan kong may mga hawak na kandila, napaupo ako ng maayos sa sobrang gulat habang sila naman sobrang lalakas ng mga tawa mga gago talaga.
"Dreey may laaay kapa!!" Sabay turo ni liezel at bigay ng wipes walangya dapat sya ang tumutulong sakin isa din siya sa malakas ang tawa.
Bumaba kaming lahat ng van at pumasok na sa private resort na nirentahan nila Mama, ang ganda dito may maliit na infinity pool at sa harap naman ay dagat. Kitang kita din ang buong view sa loob ng bahay. Nag start nakong magayos ng gamit at inilagay sa cabinet na maliit since mag sstay kami dito for 4 days.
"Mga anak kain na tayo bumaba na kayo dyan" kasabay kong bumaba si liezel ng kwarto at dumiretso na kami sa kusina, ang mga boys naman ay tahimik na kumakain mukhang nagutom sa byahe.
"Dreeey surf tayo mamaya, diba na try mo na dati?" Yaya ni Jaydee na sinang ayunan naman nila adrian at liezel.
"Ma di kayo kakain?" Tanong ko nang makita ko siyang kumuha ng tubig sa ref
"Maya na kami anak pagod papa mo sa pag drive pahinga muna kami sa room, kain lang kayo at mag enjoy okay? Yung kapatid mo tulog din eh"
Tumango ako sakanya at umakyat na rin siya sa taas"Alam nyo namang di marunong lumangoy si audrey niyaya nyo pa" nakangising asar ni Andrew ng di man lang tumitingin samin.
"Ay oo nga pala nalunod ka before, pero di naman super lunod ah! Tsaka dun ka talaga matuto no!" Bawi naman ni Allen
"Andun naman kami drey di ka namin papabayaan" pagsuporta rin ni Ryan
"Sige" ngumiti nalang ako pero medyo kabado din ako dahil nga nalunod na ako dati, pero since mapagkakatiwalaan ko naman mga kaibigan ko at marunong naman silang lumangoy nag go na ako.
Pagkatapos kumain ay umakyat na kami sa kwarto upang magbihis at naghugas naman plato si Allen at Ryan, sila talaga ang pinaka masipag sa lahat
"Tara na?" Yaya sakin ni Liezel na naka two piece na. Ang suot ko naman ay sando na black at high waist na shorts, wala akong lakas ng loob mag suot ng two piece napagod na rin siguro si liez na pilitun ako sa pag sosoot nito.
Ng ready na ang lahat pumunto kami sa part kung saan mas malakas ang mga alon nagumpisa nang mag surf si liezel kasama si andrew na inaalayan siya. Ako naman diko alam pano ang mag uumpisa.
"Drey? Tara? Wag kang mag alala babantayan kita" anyaya sakin ni Ryan kaya sumama na din ako.
Nag stay lang naman kami sa maliit na alon baka na bobored na din si Ryan dahil magaling na siyang mag surf pero andito siya binabantayan ako
"Ry okay nako dito mababaw din namang part dito pumunta ka na muna sakanila kaya ko na to" tinignan nya ako at nginitian
"Ano kaba nag sasawa na din naman ako mag surf no, tsaka baka may mang yari pa sayo nag eenjoy na din ako dito, and also may gusto sana akong ishare sayo" biglang seryoso siya, di masyadong madaldal si Ry kaya gusto ko talagang makinig kapag may ioopen up sya
"Ano kasi eh, uhm wala na kami ni Kate" napatigil ako sa pag sway ng kamay ko nung marinig ko yun
"Ha bakit? 3 years na kayo ah, anong nangyari?"
"We've been friends for 10 years na drey diko kayo kayang iwan" napanganga ako nung sinabi niya yon, it means ayaw ni kate samin.
"Pinakilala ko naman siya sainyo, sinabi ko ding kainigan ko lang kayo ni liezel, i tried my best din na ipakitang di tayo masyadong nag uusap pero pinagseselosan nya parin kayo"
"Kaya pala halos di ka na rin sumasama samin pag umaalis or kung pupunta man sila sa bahay" tumango tango siya
"Naiintihan ka namin Ry, pero paano naman kayo ni kate?"
"I don't know, kung di ko daw ititigil pagsama ko sainyo mas mabuti daw na wag na din kaming mag kita or magusap" maluha luha na siya nung pinagpatuloy nya ang kwento nya kaya niyaya ko muna siyang umalis sa dagat at umupo sa mga puno.
"Gusto mo bang kausapin ko siya? Hindi ako mangengeelam pero gusto ko lang ipaintindi rin na kung kaibigan, kaibigan lang"
Tumango sya at napaiyak na ng tuluyan, nakita ko kasi kung gaano nya kamahal si kate, wala na syang parents kaya ang naging pamilya nya ay kami at mas lalo siyang nakumpleto ng dumating sa buhay nya si kate.