CHAPTER 35Akay-akay ni Kean si Shaira na sumakay ng kotse. Pilit niyang tinatanong kung anong nangyari rito.
"Tell me who hurt you?"
"Wala, halika na."
"Shaira bakit ayaw mong sabihin. I'm your boyfriend."
"Kean huwag na muna tayong mag usap kahit ngayon lang."
"Mahal mo ba ako?"
"I love you," aniya ni Shaira at humalik sa labi ng nobyo.
"Bakit ayaw mong sabihin sa akin kung ano 'yung nararamdaman mo? Bakit ka umiiyak?"
"Si Camille nagka-engkwentro kami. Buong akala kong nasa California siya?"
"Damn that woman! Napaka sinungaling talaga niya, nilalaro niya ako! Sinaktan ka ba niya?”
"I slapped her, hindi na ako nakapagpigil. Kaya ayaw kong sabihin sa'yo dahil alam kong magagalit ka sa kanya. Ina pa rin siya ni Katrina."
"I'm mad! Ni hindi kita na ipaglaban. Niloloko na naman niya ako."
“Don’t get mad, basta isipin mo ang mga bata. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.”
“Go home with me.”
“Kay Sam ako uuwi.”
“Please? Sa bahay ka na, para bumuti ang mood ko,” aniya ni Kean kaya natawa na lang si Shaira.
Habang tinatahak nila ang kalsada, muling liningon ni Kean si Shaira.
“Kumusta? Nakapagpasa ka ba ng requirements mo?”
“Oh, yeah. Si Arthur ang nag asikaso. Sigurado sa Human Resource rin niya ako dadalhin.”
“Arthur? The guy before?”
“Yup. Hindi siya natuloy sa company mo dahil mas malaki ang offer ng isang insurance company sa kanya.”
“Maglipat ka, ayokong kasama mo siya sa trabaho.”
Nang marating nila ang bahay, hindi na siya pinansin ni Kean. Kahit anong tawag ni Shaira, nakuha pa siyang pagbagsakan ng pinto ni Kean.
“Bahala ka nga!” sigaw ni Shaira at akmang lalabas ng kwarto. Dali-dali naman lumabas ng banyo si Kean upang buhatin si Shaira.
“Ano ba?! May topak ka ba? Pinagbabagsakan mo ako ng pinto, tapos ngayon lalambingin mo ako!”
“I’m sorry, huwag ka na kasing magtrabaho kasama ang Arthur na ‘yon.”
“He’s my friend ano ka ba?”
“Okay, basta araw-araw kang hatid sundo sa akin.”
“May pamasahe naman ako.”
“Fine, huwag ka nang sumabay. May panasahe ka pala!” inilapag siya ni Kean at napanguso si Shaira sa topak ni Kean.
“Gusto ko na rin magka-baby,” aniya ni Shaira.
Hindi pa rin siya pinansin ni Kean at basta itong pumasok sa banyo, sumunod si Shaira sa kanya upang kulitin si Kean.
“Pansinin mo naman ako.”
"Ewan ko sa’yo, kamukha kasi ni Manuel 'yang si Arthur kaya gusto mong kasama,” mga salitang tumatakbo sa isip ni Kean at hindi niya masabi kay Shaira.
"Kean gusto ko nang baby after annulment."
"Let's make a baby now,” tinigil ni Kean ang pagligo at binuhat si Shaira upang ilapag sa kama.
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romantizm"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...