Tayong dalawa lang ang nakakaalam
Sa tagpuang palagi nating pinupuntahan
Alas-kwatro ng hapon, pag tapos na ang klase
Dumidiretso doon para pagmasdan ang dapit-hapon, diba pre?
Ating tambayan, na siyang saksi
Sa mga alaalang binaon ko at nilimot mo
Nang dahil sa lihim na pagtingin ko sayo, na nalaman mo
Nilimot mo na lang nang bigla at nagkajowa
Nilimot mo ako at ang tagpuan nating parang bula
Masakit man pero kakayanin ko
Patak ng luha ko ang siyang huling masisilayan ng tagpuang ito
Lahat ng nararamdaman ko sayo ay kakalimutan ko na
Pero hindi ang mga alaalang kaysaya nating ginawa.
Ngingiti ako kahit alam kong hindi na maibabalik pa
Dahil ang tagpuang tayong dalawa lang ang nakakaalam
Ay naging saksi rin kung paano nagwakas ang ating pagkakaibigan~*~*~
🖋 IAmModernMariaClara
BINABASA MO ANG
Droplets of Sorrow
PoetryA poem is an ocean full of icebergs. Too mysterious. Too deep. But dangerously dramatic and beautiful.