accident

5 0 0
                                    

ash

"ash mababangga ka!"- hindi ko pinansin ang pagsigaw ng kung sinong tao na kilala ako, tumakbo lang ako ng tumakbo para kunin yung laruan ko. BAta pa ako non kaya sobrqng mahalaga sakin ang laruan lalo na kung regalo ito ng mga ninong at ninang ko.

Dahil hindi ko nakita ang paparating na sasakyan ay napataklob nalang ako sa mukha ko na akala ko ay makakaya kong iligtas ang sarili ko pero nagkamali ako, pagkagising ko ay nasa isang puting lugar ako na sigurado akong nasa hospital na ako.

Pagbukas ng pintuan ay isang ginang ang pumasok at nag aalalang lumapit sakin. "ash, kamusta nang pakiramdam mo?"- kilala niya ako? sino ba siya para ganon nalang kung mag alala sakin? alam kong wala ako sa tamang pag iisip para tanungin ito pero hindi ko talaga siya kilala.

"ok lang naman po ako, pero... Sino po kayo?"- bakit ganon nalang kung mag alala siya saki gayong hindi ko naman siya kilala? Bakit wala akong maalala tungkol sa kanya? Sino ba ako? Anong pangalan ko? Bakit wala akong maalala tungkol sa nakaran ko? At anong nangyari sakin at nandito ako sa hospital?

Nagulat siya dahil sa sinabi ko, agad siyang lumuha at hinawakan ang aking kanang kamay. "Anak, ako ito. AKo ang mommy mo... HIndi mo ba ako maalala?"- naluluhang sabi niya sakin. SIya ang mommy ko? Kaya pala parang magkamukha kami, pero bakit wala akong maalala?

"Kung kayo po talaga ang mommy ko, bakit wala po akong maalala? Maski pangalan ko po ay hindi ko alam. BAkit po ganon?"- may tinawagan siya sa labas, maya-maya ay may kasama na siya. Hindi ko kilala ang lalaki pero magkaedad sila.

"Anak, hindi mo ba kami nakikilala ng mommy mo? A-ako ito, ang daddy mo. Please anak, pilitin mong alalahanin ang lahat."- Sandali akong nag-isip, pero maya-maya ay dumakit lang ang ulo ko na parang may pumupukpok na martilyo sa loob. Agad nila akong niyakap nang mapadaing ako sa sobrang sakit.

"Anak, are you ok? May masakit ba sayo?"- nag aalala nilang tanong sakin kaya wala akong nagawa kundi umiyak at yumakap sa kanila. Hindi ko sila matandaan pero kung sila ang mga magulang ko, sasama ako sa kanila dahil ramdam kong mahal nila ako ng sobra.

2 Years later...

Maaga akong bumangon para makapaghanda sa pagpasok ko sa school, alam ko kasing sa mga oras na ito ay nasa kusina na si mommy at nagluluto ng aking paboritong ulam which are egg sandwich, milk, noodles, and toasted beef, nag try rin akong kumain this morning ng rice.

Pagbaba ko ng hagdan pagkatapos kong maligo at magbihis ay tumungo na ako sa kusina pra umupo, naabutan ko ang mga katulong namin na sila ng naghahain sa mesa ng mga pagkain, habang si mommy naman ay nasa kusina pa rin at abalang nagluluto.

"Good morning po, sabayan niyo na po akong kumain. Pakitawagan na rin po si mommy."- nagulat sila sa sinabi ko, agad nilang tinawag si mommy mula sa kusina pero hindi sila umupo, nanatili lang silang nakatayo.

"Mommy, bakit pa po sila nakatayo jan? Bakit hindi po sila umupo dito para sabay sabay na tayong kumain? Teka, nasaan na po si daddy? Kakain na po tayo diba?"- ganito na ako kapag nakaharap na ako dito sa hapag kainan, gusto ko kasing marami akong kasabay kumain.

"Anak, ang mga kasambahay natin ay hindi pwedeng makisalo satin dahil mga amo nila tayo. At ang daddy mo naman ay mamaya pa ang pasok niya kaya hayaan mo na muna siyang matulog ng mahimbing."- hindi ko nagustuhan yung sinabi ni mommy na hindi pwedeng makisalo ang mga kasambahay namin.

"Mommy, kahit naman po kasambahay sila ay hindi dapat po natin sila patayuin nalang diyan. Ang sarap kumain ng sabay sabay, upo na po kayo mga ate."- ipinaghila ko sila ng mga upuan, nagdalawang isip pa sila pero nang tanguan sila ni mommy ay nagsiupo na silang lahat.

"Ayan! May tao na ring umupo sa mga upuan na yan! Kain na po tayo!"- sabi ko kaya nagsikuha na sila ng mga pagkain nila, may plato naman na nakaharap sa kanila dahil ako na ang kumuha non para sa kanila at para hindi sila pabalik balik sa kusina.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng bahay, naghihintay na sakin ang aming driver para ihatid ako sa school. Ako si Asherline Joy Pelaez, ang may ari ng school na papasukan ko ngayon dahil ngayon lang ako papasok pagkatapos ng dalawang taon kong pagpapahinga sa bahay.

Sabi nila mommy't daddy ay school ko daw yon. Pero natakot ako kaya gagamitin ko muna pamsamantala ang middle name ko para hindi nila malaman na isa akong Pelaez, pagtapak ko sa malawak na gate entrance ng school ay huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Habang naglalakad ako ay may isang babae ang tumawag sa pangalan ko, paglingon ko sa likod ay isang babaeng tumatakbo para maabutan ako. "Sino ka? Bakit mo ako kilala?"- sino ba naman kasing matutuwa na tinatawag ang pangalan mo ng isang babaeng hindi mo naman kilala.

"Grabe ka naman, girl! Dalawang taon ka lang nawala, hindi mo na ako kilala? Baka naman nakalimutan mo na ako nung nagpunta ka sa states ha!- oo, para ipagamot ako ni daddt sa sarili niyang hospital sa states ay doon niya ako pinagamot.

"Seryoso po ako, miss. Hindi talaga kita kilala. Sige, maiwan na kita."- habang naglalakad ako ay hindi ko alam na sinundan pala niya ako kaya nagulat nalang ako nang bigla siyang nanggulat, nasa harapan ko na siya at hinarangan ako sa daan.

"Hindi mo ba talaga ako kilala? Ano bang nangyari sayo at parang ang bait bait mo sakin ngayon?"- mabait naman ako sa kahit na sino, kahit pangit na ang pinapakita niyang gali sakin ng taong kaharap ko mabuting tao pa rin ako kahit na anong mangyari.

"Diko alam, hindi naman kasi ako masamang tao. Kahit ganito lang ako, hindi ako nagtatanim ng sama ng galit."- agad ko na siyang nilagpasan, hahaba lang ang araw ko kapag makikipag usap ako sa kanya ng matagal.

my wife is a vampireWhere stories live. Discover now