Chapter 8: Overnight
Pagkagising ko ay nakatunganga lang ako sa kisame, inoobserbahan ang mag nasa paligid ko. Inaantok pa akooo! Ipipikit ko na sana ang mag mata ko ng pumasok sila Yen at Lia.
"Gising na master!" Paggigising nila sa'kin.
Inis akong nag-taklob ng kumot."Ugh! Ayaw ko pang bumangon!" Ani ko."Anong kailangan n'yo?." Tanong ko.
"Sabado ngayon, uuwi kami ngayon sa bahay, hindi ka ba uuwi?." Tanong ni Lia.
"Nauna ng umuwi si Ara, aalis na rin kami. Ikaw na lang maiiwan dito ngayon." Sabi ni Yen.
Inaantok akong bumangon."Ito na babangon na." Sabi ko.
"Mauna na kami." Paalam ni Lia, tumango na lamang ako at umalis na sila, napahikab ulit ako, inaantok ulit talaga akooo!
Naligo na ako pagkatapos ay nag-bihis ng jogging pants at oversized na t-shirt tapos kinuha ko ang mga gamit ko, kakaunti lang dadalhin ko dahil marami pa akong gamit sa bahay.
At syempre dapat lagi kong kasama sina stitch at ice bear. Lumabas na ako ng dorm, bago ako umalis ay ni-lock ko muna ang pintuan.
May apat kaming susi at 'yung orig ay itinabi namin, puro duplicate ang gamit namin. Pagkatapos kong isarado ay umalis na ako, sabi ni kuya ay hindi n'ya daw ako masusundo.
Maki-sabay na lang daw ako sa kaibigan n'ya 'kuno', pag-punta ko ng parking lot ay biglang may humintong kotse sa harapan ko. Ibinababa nito ang salamin, napakunot ang noo ko ng makitang si Hero 'yun.
"Sabay ka na sa'kin, Aye." Aya n'ya sa'kin."Papunta rin kasi ako sa bahay n'yo."
Tumango na lang ako at sumakay sa shotgun seat, inilagay ko ang bag ko sa likod para hindi masikip."Matulog ka muna, mukhang inaantok ka pa." Sambit n'ya.
Tumango na lamang ako at napahikab, maka-tulog na nga! Ilang saglit pa lamang ay naka-tulog na ako.
"GISING NA, AYE." Napa-dilat ako ng gisingin ako ni Hero.
Napa-hikab ako."Nandito na pala na tayo." Sabi ko at kinuha ang bag ko sa likod."Salamat sa pag-hatid."
Ngumiti s'ya sa'kin na ikinalabas ng dimple n'ya, sana all may dimple."Wala 'yun, mauna ka ng bumaba." Tumango na lang ako at bumaba na ng kotse.
Pag-pasok ko ay binati ako ni kuya at kaway lang ang ganti ko, dumaretso kasi ako kaagad sa itaas para matulog sa kuwarto ko.
Ibinababa ko ang bag ko atsaka humiga sa kama, kapagod! Bakit ba kasi tourism ang pinili kong course? Huhuhuhu.
Biglang tumunog ang selpon ko."Ano ba 'yan! Kung kailan matutulog na saka pa tumawag!" Sinagot ko ito."Oh?."
"Aye! 'Yung projects natin ah, baka maka-limutan mo." Sabi ni Kezharaya.
I groaned."Oo na! Ako na gagawa do'n sa reportings, bahala na kayo d'yan sa mga isusulat."
Tumawa s'ya."Wow! Ang galing mo naman, ikaw leader tapos ako uutusan mo? Ano ako, assistant mo? Ulok ulok!" Usal n'ya.
"Hoy Kezy! For your information, kayo bumoto sa'kin, hindi ko vinolounteer ang sarili ko." Ani ko.
Kapag ka-harap ko ito siguro panay irap ang nakuha ko nito."Ayaw mo no'n? May sumusoporta sa'yo? Atsaka mall daw tayo sabi ni Chrisna." Saad n'ya.
"Oh, akala ko ba 'yung reporting ang sinadya mo?." Taas kilay kong tanong.
Tumawa s'ya."Naniwala ka naman sa'kin, pft! By the way high way, ikaw mang-lilibre ngayon." Sabi n'ya.
BINABASA MO ANG
Caught By Your Arms(EDITING)
RomansaMartinez Siblings Series #1: "I will still choose you even if the destiny against us" -Aella Swayze Bullying is what he does when his bored, always bully whoever he wanted. He's spoiled but he has his own money to pay what he caused, he thought tha...