Chapter 18

7.4K 158 7
                                    

Five days had passed and hopefully sa loob ng limang araw na nagdaan ay walang bakas ng isang Tyler ang nagparamdam.

"Bruha bilis!" nagmamadaling hiyaw ni Lily mula sa labas.

"Oo na sandali lang,"

Hindi pa kasi maayos ang pagkakasintas ng sapatos ko, atat na atat siyang lumarga gayong maaga pa naman.

Papunta kasi kami sa baguio ngayon, plano naming mamasyal do’n tutal nandito na rin naman kami ay mailibot na rin ang tatlo. Wala naman kasi silang ginagawa sa loob ng condo.

"Done, tara na." Lumapit ako sa kanila nang matapos ayusin ang sintas.

"Stop na, masakit na!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si lily.

Hindi pa man ako nakakarating sa kinaroonan nila ay sinalubong na niya ako habang buhat buhat si Y.

"Oh, anyare sa ’yo?" taka kong tanong, para kasi siyang iiyak sa itsura niya.

"Lagi na lang siya nakatingin kay Trina, paano naman ako?" nakanguso niyang atungal.

Hindi ko na napigilan at napahagalpak ng tawa kasama rin kasi namin si Trina, iniwan siya ni Traisy dahil may aasikasuhin daw, sana naman magkaayos na sila ni Kev.

"Sige tawa! I hate you!" Inirapan niya pa ako bago nagmamadaling lumabas.

"Hoy, ‘yong anak ko akin na." Umiling iling siya at mas niyakap si Y na walang pakialam sa mga nangyayari.

Yakap yakap niya pa rin si Y hanggang sa makarating kami sa mga kotse. Ipinasok ko na sa loob ng backseat si X at Z.

"Hoy akin na si Y," tumatawang hingi ko sa kaniya pero ang gaga ayaw ibigay.

"No! Sa akin lang siya mamaya agawin pa siya ng Trina-ng ‘yan!"

Wala na akong nagawa ng isama na niya si Y at itabi sa kanya sa front seat.

"Hays halika na nga Trina." Binuhat ko na rin si Trina at pumasok sa backseat, kinalong ko na lang siya para magkasya kami.

Nagsimula ang byahe ng sobrang ingay ni Z, pansin ko namang tahimik si Trina na ipinagtaka ko, hindi naman kasi siya ganito katahimik sa katunayan nga ay pareho silang madaldal ni Z kaya naman nakakapagtaka.

"Trina, what's wrong?" namumula kasi ang mga mata niya na parang maiiyak.

"That witch, why is she glaring at me?" Humihikbi niyang sabi inangat ko ang tingin at nakita si Lily-ng kanina pa nakatingin nang masama kay trina.

"Stop it lily, you're scaring her!" Saway ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako.

"Shh stop crying okay?" Hinimas himas ko ang ulo nya para aluhin.

Ligtas naman ang naging byahe namin.
Sumalubong sa’kin ang lamig ng baguio na mas lumamig pa dahil nga malapit ng magpasko, hindi na ito ang unang beses na nakapunta ako rito kaya naman pamilyar na sa akin ang lugar.

"Wow, mom it's beautiful in here!" tuwang tuwa na komento ni Z maski si X ay hindi naitago ang pagkamangha.

May mga stalls din kasi dito sa mga gilid ng street saktong pahapon na kaya naglatag kami ng carpet para panoorin ang sunset.

Nagtaka ako nang mailatag ko ang iyon ay saktong tumunog ang cellphone ko.

"Lily, I'll just take this call," imporma ko sa kaniya.

"Yeah," walang tingin tinging sagot niya.

I immediately take the call, nang makitang si Riza ang tumatawag.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon