"Inday Sophia! Kakabasa ko lang nung last update mo, parang ang bongga naman nung banggaan scene! Kaso buti na lang hindi sila nagkatitigan. Ang baduy na noon kung sakali! Commonly used! Tapos may slow motion pa? Yuck!"
Listening to Ryan's frank remarks never gets boring and is quite refreshing. These last few days ay hindi namin nakausap nang matino ang gagang 'to kaya kahit laitin niya ang plot ko, edi go. Busy kasi. I don't know if she's taking her course too seriously o may iba 'tong inaatupag. You know, love life.
Napangiwi kunwari si Jian. "Ang arte nito, oh! Ikaw kaya dyan ang magsulat! Pa-shoutout ka na lang kay Sof para makakuha ka kaagad ng readers. Daming fans nito, eh. Partida, 'di pa 'yan nagfe-face reveal, ha!"
"Hindi naman ganoon karami, Jian. You're thinking too highly of me."
Pat made face and rolled her eyes. "Yeah, right. 'Di pa siya contented sa two million followers niya."
"They just like my works, that's why they follow me. Hindi nila ako gusto as a person since hindi naman nila ako kilala."
Earl clicked his tongue. "Hay nako, mamsh hayaan mo na ang Sophia dahil humble talaga ang lola niyo!" he exclaimed. "Mabalik tayo, ano bang bet mong scene Ry? Gusto mo 'yung nagkabanggaan lang tas chugchug-an na, ganern?"
Halo maibuga naming lahat ang iniinom naming milktea dahil sa sinabi ni Earl. Binato pa siya ni Pat ng crumpled tissue. "What the shit, Earl! Ang ingay mo, please. Susungalngalin kita dyan, eh!"
"Oh yes bet ko yarn! Choke me na rin, please."
I sighed. "Medyo mababatukan na kita dyan, Earlina, ha! 'Wag dito, sister. Public place. Baka masita pa tayo. Ayoko ng dirty fame."
"Sus, ang aarte! Akala niyo naman mga inosente, green-minded din kayo, mga chaka! Stressed na ang bangs ko, hay nako!" pabulong-bulong pang sambit ni Earl.
Binatukan ko siya nang mahina. "Heard you, bitch."
Sandali pa kaming halos magkapikunan doon sa milktea shop. Medyo maingay kami but the good thing is may sari-sariling mini room dito for privacy. Though walang soundproof walls, okay na rin. Curtains lang naman kasi ang entrance.
"Maiba tayo! Nabalitaan niyo na ba 'yung kay Nate? 'Yung natanggap daw siya sa auditions?" tanong ni Pat. She was consecutively putting fries on her mouth.
We all nodded to answer. "Ay weh, talaga? Alam niyo na?" tanong niya ulit.
"Paulit-ulit ka, girl?" pang-aasar ni Jian.
I swallowed the fries in my mouth before raising my hand. "Ako, alam ko na nung sleep over pa rin natin. Remember when you girls were teasing the shit out of me sa kwarto? 'Yon. Kaya ako sumisigaw kasi sinabi niya sa akin."
Ryan nodded. Of course, she was the next one to know. That time when we're supposed to eat together. Monday. Then these guys, Jian, Ryan and Earl probably heard about it when I called them while I was on Starbucks. This week lang 'yon. Chris probably knew it before Ryan pala.
"Ha? Hindi mo man lang sinabi sa amin noong pumasok ka sa kwarto?" tila nagtatampong tanong Jian. Pat and Earl were also pouting.
I crossed my arms and smiled sweetly. "Sa sofa ko kayo pinatulog, remember?"
"May mga bet ba kayo doon? Hm, aminin na mga bakla, may tinatagong harot din kayo!" pag-iiba sa usapan ni Earl.
Jian grimaced. "Nah. Ayaw ko ng sikat na jowabels, hate lang ang aabutin ko sa mga fans noon. You know naman na sikat na sikat ang mga ganyang grupo sa Pilipinas ngayon."
"Basta ako, wala akong interest sa mga lalaki ngayon. Pass ako dyan. Support ko na lang si Nate as a friend."
I raised a brow. "Pucha, anyare na sa 'basta-gwapo-crush-ko-agad' Ryan na nakilala ko? For the first time in forever!"
YOU ARE READING
Into the Spotlight
Fiksi RemajaINTO THE SPOTLIGHT Puro habulan, puro tayaan. Walang hangganan, walang kapaguran. Magkakaabutan na, pero may mag-iiba ng landas. Nagkasabay na, kaso may nagpahingang isa. Ploy and Nate are both exhausted to even walk. In their game of chasing, wi...