CHAPTER 3

187 8 0
                                    

Kumuha ako ng pambayad sa bag ko at inabot yun sakanya at tip na rin. Nanghihinayang pa din ako kasi napunta siya sa pagtataxi pero atleast marangal na gawain. Ang malala lang sobrang proud siya sa sarili niya.

"Thank you." hinawakan ko ulit yung kamay ni Miggy at lumakad.

"Are you still hungry?" tumango naman siya. Ano ba naman yan. Kakaalis lang namin sa restaurant gutom pa din ito. Mukhang mauubos pa ang pera ko dito sa batang ito. Hindi man lang kasi nagbigay ang nanay niya.

I opped walking he stopped also. I squatted infront of him.

"Alam mo kapag kumain ka ng maraming marami pa. You'll grew big, big just like a monster. A giant monster. I'm sure ayaw mo yun..." I stated in my cute tiny voice. st

Nabigla at napangiwi na lang ako nang pumapalakpak siya bigla.

"Miggy like monsters!!!! I want to be a monster!"

Aba't! He's getting into my nerves! Akala ko pa naman matatakot siya sa mga monsters. Gusto pa pala. Mayroon pa naman akong pera pambili nang pagkain ng batang ito but some reason. I don't want to spoil him eating foods, every minutes. Since he's a kid its not good to them to eat too much because they can get hypertension in early age.

"Alam mo bang chubby ka na? Tas kain ka pa ng kain, masama yun. Dapat konti konti lang ang pagkain mo baby boy ha?" I pinched his cheeks.

"Alam ko," simpleng sagot niya na para bang magkasing-edad lang kami. Luh. Ang attitude din pala ng batang ito. Sabagay, nanay niya si Melixa eh.

He pouted and was like about to cry. Lumingon ako kaliwa't kanan, hindi ko alam ang gagawin kapag ito umiyak, ang lakas pa naman niya umiyak. Isang barangay ang makakarinig, mana siguro sa ina, malakas kasi boses nun. Kinarga ko siya kahit mabigat siya dahil tumulo na ang kanyang luha. Pumara ako nang taxi.

"Shh. Kakain na tayo baby boy ni Melixa na konti lang landi sa katawan," sabi ko sakanya.

He sobbed as I said it. Jusko naman! Ba't ba kasi ako nauwi sa pag-aalaga nang bata? Huwag ko lang talaga malaman na gumagawa nang milagro ang mga magulang nang batang ito. Naku!

"P-Pagkain..." nilahad niya ang kanyang palad sa harap ko.

Tumingin ako sa harap at tinignan kung malapit na ba kami.

"Kakain ka na. Malapit na tayo," sabi ko sakanya. His face lit up. Ngumiwi ako.

After few minutes nakarating na kami sa isang food park, actually parang amusement park pero may mga pagkain. Binitaw niya yung kamay ko kaya hinayaan ko na lang siya. Bahala siya sa buhay niya! Wala akong pamalit sa batang iyan pag nawala.

Sumunod ako sakanya dahil pumunta siya sa isang stall nang hotdog pero bumili muna ako nang mineral water.

Ba't ba ang hilig ng mga bata sa hotdog? Kun sabagay kung malalaki naman ang hotdog at mamumula mula sinong hindi mamimihasa sa pagkain nun? Pero ayoko nun, hindi iyon healthy.

"H-Hotdog!" paulit-ulit niyang sigaw sa tindero pero hindi naman siya nito binibigyan. Parang wala lang marinig si Kuyang tindero kahit ang lakas nang sigaw nang batang ito.

"Three hotdogs please," I said. Napakunot na lang ako nang noo nang hindi man lang ako nito nilingon. Nagpatuloy lang siya sa pag-aayos ng kanyang ginagawa na hindi ko alam.

Sa inis ko, kinalampag ko na ang kanyang stall. Sa lakas nun napansin niya na ako. May tinanggal siya sa magkabilang tenga niya at tumingin saakin nang masama.

Aba't ako pa titignan niya ng ganyan? Hinahamon siguro ako nito. Tinignan ko din siya pabalik na may masamang tingin.

"What?!" he raised a brow.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now