3.

375 19 0
                                    

May quiz kami mamayang hapon kaya naman subsob ako sa pagbabasa ng libro. Nasa science garden ako, kasi hindi sila umalis ng room ng mga kaibigan niya.

Si Marianne nasa cafeteria para bumili ng pagkain, sasama sana ako pero sabi niya siya na lang daw at bantayan ko ang pwesto namin dito sa science garden.

Nakailang pages na ako ng notes ko, nakapag rewrite na rin ako ng ilan at nakapag highlights na ako ng mga importanteng detalye sa lessons.

"Ang tagal naman non" I checked my wristwatch and its been 15 minutes already.

I gathered all our things and made my way to the cafeteria. Napakunot noo ako sa ingay na narinig ko mula sa bungad pa lang ng cafeteria.

Nag sumiksik ako at napanganga nang makita si Marianne na nakaluhod sa harap ng Dominators. May nagkalat na sea food marinara sa sahig at namantsahan na ang uniform ni Onyx, the red sauce was all over his white polo, tie, pants and even his shoes.

Iyon ang order kong pagkain, shit!

"I'm sorry, King. Di ko sinasadya, may pumatid kasi sa'kin--

"Ang sabihin mo tatanga tanga ka lang" sabat ni Carmilla na ngayon ay nasa tabi na ni Onyx. This bitch!

He's looking angrily at my friend, tinulak ko ang nasa harap ko nang akmang sasampalin niya ito, sinalag ko ang kamay niya at tinulak siya pero hindi man lang siya natinag.

"Ano ba? Pati babae pinapatulan mo?" I shot him an angry glare, he scowled at me back.

"Marianne, tayo na" hinila ko siya sa braso pero umiling lang siya.

"Bakit?" I asked.

"He asked me to kneel" what the fuck? Nilingon ko si Onyx and I met his angry gaze.

"Bakit mo susundin 'yan e hindi naman hari yan, he's not a king. He's a coward" his right eye twitched, a playful smile formed on his lips.

"Ang kapal ng mukha--

"Don't worry mas makapal pa rin ang make up mo, di kita kinakausap sabatera ka diyan" Carmilla presses her lips together in annoyance.

"Ano, Onyx? Hari ka na niyan?" pinilig ko ang ulo ko at sinalubong ang tingin niya, challenging his gaze.

"If this is how you reign, then you're a whack, you're no king. You're a bully!" there's a hint of disappointment in my tone.

"She has to pay"

"Narinig mo naman di ba? Hindi niya sinasadya, bakit kailangan niyang pagbayaran sa ganitong paraan ang nagawa niya? You can ask her to wash your clothes and have them delivered by tomorrow. Pero sa ganitong paraan talaga? Para ano? Para ipakita sa mga minions mo na makapangyarihan ka?"

"Then pay on her behalf" kunot noo ko siyang tinignan.

"Lick the dirt off my shoes" nag pantig ang tenga ko sa narinig. "Sumama ka sa'kin after and take my clothes off for me" mas lalo akong nag puyos sa galit.

I bit my lip to contain my rage, I grabbed the sandwich from Marianne, tumayo ako at malakas na sinampal iyon kay Onyx, I heard gasps from the crowd.

"Oh shit" sabi ni Louie.

Vaughn started recording everything.

"Gago" saway sa kanya ni Kervi but there's a hint of amusement in his eyes.

"Sorry to break it to you but, you're not my king and I'm not one of your subjects. I won't bow down and follow your command. You're nothing but a bully, and a bully is a coward" tinulak ko siya bago tinayo si Marianne at hinila papalabas ng cafeteria.

King's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon