Chapter 39- Aking Iniirog.

618 54 5
                                    

CHAPTER 39

   

"Shaira, magugustuhan ba ito ng Mama mo?" sambit ni Dorothea at inilabas ang mga mamahalin na damit.

“Baka ho, tanggihan ni Mama, hindi po kasi niya hilig ang mga damit.”

“Eh ano ang gusto niya?”

“Mahilig lang po iyon sa pagkain.

Gustong-gusto ng tumayo ni Kean dahil kanina pa siya nabibingi sa kanyang ina at kay Shaira. 

“Mama, hahatid ko na muna si Katrina sa bahay ni Camille,” wika ni Kean.

“Mama Shaira, sama po kayo,” hinawakan ni Katrina ang kamay ni Shaira upang hindi ito tumanggi.

"Shaira sumama ka na, mas maganda kasama ka lagi,” tumaas ang kilay ni Dorothea at sinenyasan si Kean.

“O-okay po. I'll just change my clothes,” tumakbo si Shaira upang mabilis na makaakyat sa kwarto ni Kean.  Napakamot ng ulo ang lalaki at tumingin sa ina.

"Mama naman, lagi mo na lang inuutusan si Shaira napipilitan tuloy!"

"Dapat kasama siya dahil kung ako ang nasa lugar ni Shaira ganyan din ang gagawin ko. Ang ahas kahit tulog mabilis pa rin manuklaw."

Halos malaglag ang panga ni Kean nang makita si Shaira na naka seductive blouse at shorts. Habang si Dorothea na abot langit naman ang ngiti.

“Bakit ganyan ang suot mo?” wika ni Kean habang nagmamaneho.

“Mainit, anong gusto mo mag jacket ako?”

“Ang sungit mo,” sagot ni Kean at tumahimik ito.

Kalaunan, narating nila ang bahay ni Camille. Walang tigil si Katrina sa panay halik sa mukha ni Shaira bago umalis.

“Mama ba-bye!” 

“Sige na hahatid ka na ng papa mo.”

Binuhat ni Kean si Katrina kasama ang bag nito. Habang si Shaira na naiwan sa loob ng sasakyan. Sa sobrang inip niya, nakuha niyang kalkalin ang drawer nito sa loob ng sasakyan, Kung ano-ano ang nakita niya hanggang sa mapansin ang litrato ni Kean at Camille.

“Eh bakit nandito pa ito?” napanguso si Shaira at binalik ang litrato. Tinignan niya ang orasan at natatagalan sa pagbabalik ni Kean. Ilang saglit, nakita niya itong nagmamadaling lumabas.

"Saan mo balak pumunta?"

"I will just buy medicine, may lagnat si Camille." 

Napa-irap na lang si Shaira at minabuting manahimik. 

"Saan mo ba gustong mag libot?" pambasag katahimikan ni Kean

"Wala naman." 

"Okay, wife." 

Makalipas ang ilang minuto, naghihintay na naman si Shaira sa loob ng kotse dahil sa ang tagal bumalik ni Kean. Akala niyang iaabot lamang ang gamot at bakit inabot na ng kinse minutos. Minabuti niyang bumaba para puntahan ito sa loob. Patungo sa bahay ni Camille, nakita niya si Kean at Camille na nasa sala. Hawak ni Kean ang braso nito at minamasahe.

Tila nag init ang ulo ni Shaira at umiling. Hindi na niya nakuhang magsalita at tinalikuran si Kean. Bumalik lamang siya ng sasakyan upang kunin ang wallet at sumakay ng taxi.   

"Kean, thank you," saad ni Camille.

“You take a rest, gusto mo bang iuwi ko ulit si Katrina?"

No, it's okay. Mas okay kung kasama ko sila."    

"Don't forget to drink your meds on time, lalong ikaw matigas ang ulo mo. Hindi ka sumusunod sa tamang oras kaya hindi ka gumagaling agad."

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon