SAMANTHA'S POV
"Sandy, paki-send sa e-mail ko iyong proposal for the upcoming event sana ni Mr.Lucas." tawag ko kay Sandy mula sa intercom.
TING!
Napatunghay ako sa laptop na nasa harap ko at muli kong sinuyod ng tingin sa proposal na ipinasa ni Sandy. Napapabuntong hininga kong inunat ang mga braso sa ere.
"Kailangan kong maging productive ngayong araw." mahinang bulong ko at muling itinuon ang mga mata sa ginagawa. Naagaw ng atensyon ko ang folder ng mga short story na ginawa ko noong kolehiyo pa lamang ako. Pinindot ko ang kanan bahagi at hinanap ang delete button. Napapikit ko namang pinindot ito.
CONFIRM DELETION
Are you sure you want to permanently remove this item?
Okay Cancel
Marahan kong ginalaw ang cursor arrow at itinutok ito sa "Okay" button.
"Samantha!" Rinig kong sigaw ng isang nakaka-asar na boses. Bumaling ako pa-kanan at ganun na lang gulat ko ng saktong paglingon ko ay nakatunghay na rin sa screen si Lucas. Halos maduling ako sa lapit ng mukha nito sa akin. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa laptop at napatitig ako rito kasabay ng paglunok. Heto naman yung pakiramdam na parang may nagpapa-party sa tyan ko. Ramdam ko ang unti-unting pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.
"Bakit mo buburahin yung mga story mo?" tanong nito habang abala sa pagtingin sa laptop ko. Napabalik ako sa reyalidad at napatingin sa laptop.
"W-wala lang." nauutal kong sagot dito.
Napakunot ang noo ni Lucas at napatitig sakin. Napaiwas ako ng tingin rito, muli kong tinutok ang cursor sa "cancel" button at hinarap ito. Prenteng prente itong naupo sa sofa at ipinatong pa ang mga paa sa mesa. Kung umasta naman ito akala mo pag-aari niya ang opisina ko. Napairap naman ako sa kawalan.
"I want to read your story but unfortunately hindi ko mahahawakan ang laptop mo." Nilingon ko siya ng sabihin niya ito. Marahang sumulyap sa akin si Lucas. Nanlaki ang mga mata kong napatitig dito."What? I want to know if you have a story na pwede nating ipasok sa elimination round." muling tanong nito sakin. Napatingin ako dito at dahan dahan itong lumapit sa kinauupuan ko. Sumandal ito sa mesa ko habang magkakrus ang kanyang mga braso na tila hinihintay ang sasabihin ko. Napapalunok akong napatitig dito.
"N-now?" tanong ko rito. Marahan itong tumango. Napalunok ako ng bahagya at tinuon ang mga mata sa screen ng laptop. Sinimulan ko ang pagbabasa ng short story na ginawa ko.
Entitled : Best friend
Tungkol ito sa mag-bestfriend na parehong nangangarap maging sikat na singer. Both of them have a same goals in life, to be a famous singer and songwriter. They lived together in a small apartment in Mandaluyong. One day the Girl received a call from the last audition they attended. They passed the audition and they are both qualified for the final round. The Boy is not with her, so she dialed his number and tried to call him several times. Two days passed by, the Boy is nowhere to be found. The girl keep looking and asking some of Boy's friends but even them, didn't saw him nor talked to him for the last few days.
Huminga ako ng malalim at nilingon si Lucas na nasa ganun pa ring posisyon habang nakapikit. Napapatabingi ko itong tinitigan, napabalikwas ako ng bigla itong dumilat at sumenyas na ituloy ang pagke-kwento ko. Napanguso akong bumalik sa pagbabasa.
The Girl tried to contact his Family in Davao. His mother answered the phone and said while crying on the other line "He's gone". She froze for a second as she heard the news from her friend's mother and she sat in her room crying like a child, blowing her nose and sobbing. Her best friend died without her noticing it. All of sudden the memories she had with her best friend started to play in her mind.
BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (COMPLETED)
FantasySamantha as a Marketing Administrator finally decided to cut ties with her long time boyfriend James who happened to be the owner of Xenon Publishing Company. Lucas as a famous and mysterious writer of a best selling book met an accident and got hi...