"GOOD afternoon, Mr. La Croix." ini-ready ni Autumn ang pinakamaganda niyang ngiti sa lalaki nang lumingon ito sa kanya.
Sa halos araw-araw na pang-i-stalk niya sa lalaki simula nang mag-aral siya sa LCU, napag alaman niya na pumupunta ito doon sa butterfly garden ng LCU once in a week. Halos araw-araw nga siyang pumupunta doon para lang abangan ang lalaki, ngayon lang siya sinuwerte na maabutan ito doon. Hindi naman kasi ito pare-pareho ng araw pumupunta doon.
Salubong ang kilay na itiniklop ng lalaki ang libro nitong hawak, hinubad rin nito ang suot na eyeglasses. "If I'm not mistaken, this place is off-limits for students. It's even written on your handbook."
Imbes na mainis, mas lalo lang siyang napangiti. Para siyang nasa alapaap sa sobrang saya.
Kinausap siya nito!
Nakangiting inilapag ni Autumn ang glass jar na may heart shaped chocolates na siya pa mismo ang gumawa sa espasyo ng bench kung saan ito nakaupo.
"Ahm, I just want to say thank you about po last time, sa pagsalo niyo po sa akin sa corridor noong mabangga ko po kayo." She's wondering, naaalala pa kaya nito yung naging pagkikita nila sa loob ng men's room sa The Lux?
"That was nothing, you may go. Take this chocolates with you." anang lalaki sabay tulak ng glass jar palayo dito.
Parang may sumaksak na patalim sa puso ni Autumn dahil sa sinabi ng lalaki pero hindi niya iyon pinahalata.
"Ah, kasi Sir, sana po tanggapin niyo iyan parang token of appreciation na lang po sana..." she insisted. Nanatiling lang seryoso ang tingin ng lalaki sa kanya.
"I'm not a fan of sweet foods, especially chocolates."
Halos pagsakluban si Autumn ng langit at lupa sa sinabi ng lalaki. Nalungkot tuloy siya. She sighed, cheered-up herself, di bale may next time pa naman. Normal naman ma-reject ng crush pero di pa rin siya susuko.
"A-ano po, I actually made it for you but if you don't like them ibibigay ko—" akmang kukunin na niya ang glass jar nang unahan siya ng lalaki sa pagkuha non. Inilapit nito ang glass jar sa gilid nito na malayo sa kanya at hindi niya maaabot.
"Leave." supladong saad nito bago muling binuklat ang librong hawak. Pinigilan niya ang sariling mapangiti. Tinanggap nito ang chocolates niya!
"Sana tikman mo pa rin Sir, masarap yan promise! See you next time!" kumaway pa siya sa lalaki bago siya umalis.
Hindi tuloy maalis ang ngiti ni Autumn habang papunta siya sa locker niya para kunin ang mga gamit niya. Dumiretso siya sa dance club, sa room ng ballet class. Ganado tuloy siya sa session nila nang araw na iyon.
"Naks naman, ang ganda ng ngiti mo ngayon ah." bati sa kanya ni France nang magkita sila sa dressing room. Mukhang kakatapos lang rin ng practice nito sa cheerleading squad.
"Hulaan ko, nakita mo na naman yung sinisinta mo." bulong pa nito sa kanya. Katulong niya kasi ito pati si Dani sa pag-i-stalk kay Pollux. Humagikgik siya at tumango sa babae.
"Yes. And guess what? He accepted the chocolates that I made for him last night!" kinikilig siya. Nanlalaki ang mga matang natutop ni France ang bibig, saka siya kinikilig na kinurot sa tagiliran niya.
BINABASA MO ANG
Singularity
عاطفيةLa Croix Brothers' Series #3 Pollux La Croix R18 (Mature-Content)