"Huaaah!" paghabol ni Pipe sa umiigsing hininga.
Nataranta ang lahat ng nasa silid dahil sa himalang pagbalik ng hininga at muling pagkabuhay ng pasyente.
Itinuloy na ng mga mediko ang naudlot na panggagamot kay Pipe.
Samantala, sa labas ng silid—
"Ano na kayang nangyayari sa loob?" kabadong tanong ni Micah na kanina pa naglalakad ng pabalik-balik dahil sa kakaisip kung anong kalalabasan at magiging resulta.
"Huwag kang mag-alala, Mix! Matatag si Pipe. Matapang 'yon. Kakayanin niya yan!" panggi-ginhawa ni Yna sa sumasabog na dibdib ng kaibigan, "Tyaka...naaalala niyo pa ba yung pangako niya sa atin nung High School pa lang tayo..."
First day of High School (7th Grade)
"Shiaaa!" (Thai reaction) mangha-manghang Keith na nakatitig sa mga gusali sa sentrong bahagi ng Akademya habang umuurong.
"Omooo!" (Korean reaction) naibigan ni Micah ang mga instagramable spots na nasa gilid, kanang banda ng Akademya na talaga namang kaakit-akit kaya nagpatuloy itong humakbang patalikod upang makuha ang magandang anggulo ng lugal.
"Aiyaaa!" (Chinese reaction) mabining pagkamangha ni Yna sa laki ng Academy's Library na nakatayo sa kaliwang panig ng iskuwelahan. Nasiyahan ito sa pagmamasid sa napakagandang pagkatayo ng silid-aklatan ngunit nang napayuko ito, namasdan niya ang papasok na tipaklong sa kaniyang sapatos kaya't kara-karaka itong tumalon-talon at umurong-urong upang mataboy ang insektong pumasok sa kaniyang sapatos.
"Halaaa!" iritang saad ni Pipe sa sarili, "Saan kaya yung C.R dito?" ipit na ipit at nagmamadaling lakad ni Pipe nang sa gayon ay maka-abot sa kubeta.
Palingon-lingon pa ito kaliwa't kanan ng Akademya ngunit wala itong kaide-deya kung saan paparoon dahil katulad ng iba, baguhan pa lamang siya sa paaralang iyon. Kaya tumakbo at dumire-diretso na lang ito at pasimpleng naghahanap ng maiihian.
Nang dahil na din sa kamamadali, hindi na niya namalayang hindi nakasintas ang kaniyang kaliwang sapatos na siyang dahilan upang matapakan niya ito at matalisod.
Hanggang sa—
"What the—!"
"Ouch!"
"Awww!"
"Shiiit!" sabay-sabay na paghiyaw ng apat buhat ng hindi inaasahang bungguan."Motherfather! Who are you?" tinuro si Yna, "You?" matapos ay si Micah, "And you?" at huling itinuro si Pipe nang nakasalungat ang kilay.
Nagkatingingin ang apat sa isa't isa ngunit hindi nalang nagpansinan at bumalik sa kaniya-kaniyang gawain.
"Omooo! My phone!" dinaklot ni Micah ang nahulog na telepono.
"Ahh! Ahhhh!" walang anu-ano ay bigla nalang lumipad ang sapatos ni Yna nang dahil sa kakapalayas sa tipaklong at kakapaspas sa paa.
"Wow!" pagkamangha ni Pipe sa biglaang pag-urong ng ihi at pagkalma ng kaniyang pantog.
"Hyud!" (Thai) nakakagulat na sigaw ni Keith na pumukaw sa atensiyon ng tatlo.
"Ano daw?" naguguluhang tanong ni Pipe sa dalawang babae.
"Mute?" hula ni Yna.
"Hilot narinig ko." mungkahi ni Pipe.
"Eut!" napalakas na sambit ni Micah.
"Shhh!" pigil ng tatlo sa bunganga ng dilag.
"Stop! Hinto! Tigil! Yan lang sinabi ko, ano-ano nang pinagsasabi niyo!" natatawang banggit ni Keith.
Nagbungis-ngisan ang apat dahil sa kapilyahang sinambit ni Micah.
Sa maigsing oras, sa katunayan wala pang sampung minuto, mabilis nagkapalagayan ng loob ang apat at tila kapwa sila nakaramdam ng iisang hiwatig at yaon ang gaan ng loob.
BINABASA MO ANG
I Need Your I Love You (BL Story)
RomancePipe Barbadensis, a freshy student of GMU who thought that his life would be better and had a certain, implicit and brighter future ahead if he entered this University. Unluckily, how wrong he was. His life was serenely peaceful not until Ibe Galde...