The Fault in our Pasts

30 1 3
                                    

The Faults in our Pasts (One Shot Story)

Romance/Friendship/High School/Past





Tinitigan ko ang imbitasyong natanggap ko sa mail box ko. Hindi ko namamalayan na ilang taon na palang lumipas mula noong nagtapos ako ng high school sa HSAL. Hanggang ngayon ay hindi padin ako sanay na ganoon. Para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang lahat.


Kaya naman ay naghanda na ako. Noon ko pa sinabi sa aking sarili na kapag dumating ang araw na ito ay dapat magpakatatag ako at hindi tatanggihan. Dahil alam ko na kailangan ko rin ito. At namimiss ko na rin ang mga guro namin. Ang iba naming classmates. Ang iba.


Naghanda ako sa biyernes na iyon. Gabi magaganap ang alumni party. Kasama ko si Marie papunta doon. Wala naman kasi akong makasama doon... noon pa.


"Grabe, akala ko disco ball ang nagmamaneho!"


Pumasok ako sa sasakyan ni Marie na kumikinang ang silver na dress. Umirap siya sa akin at tumawa.


"Grabe huh! At least hindi ako mukhang punch!" pang-asar niya.

Tumawa rin ako sa kanya. Nagsimula na itong magmaneho.

"Akala ko magbaback-out ka." Kuna ni Marie habang nakatuon ang atensyon sa harapan.

Umiling ako at ipinahid ang lipstick sa aking labi, "Hindi. Wala naman akong rason upang gawin iyon. Ilang taon na ang lumipas. Bakit ko pa tatanggihan ngayon?"

"Iyan ba ang epekto ng therapy sa'yo?" Ngumiti siya at tumingin sa akin, "Duke, I am so proud of you. You finally moved on."


Ngumiti ako. No, this isn't about love. It is intimacy. At alam niyo, sa lumipas na 15 years mula noong nagtapos ako sa HSAL ay madami akong natutunan tungkol sa aking sarili at sa buhay. Na may mga bagay talagang akala mo ay magtatagal magpakailanman, pero hindi.


"Maybe, Marie. Maybe not." Kunak at ibinaba na ang lipstick. Inilagay ko iyon sa loob ng aking bag.

"Anong maybe not? It seems like you moved on. Don't you miss them?" Kuna niya.


Well, maybe love can also be found in friendship. Dahil hindi naman kami magtatagal kung hindi kami nagkaroon ng pagmamahalan sa isa't-isa. It was our passion of being with each other that made us to a decade.


Nagkibit-balikat ako.


Malapit na kami sa HSAL. Dumadaan palang kami dito sa gilid ng Hypermarket ay kita ko na ang mga ilaw mula doon. Pinasok ni Marie ang sinasakyan namin sa property ng HSAL.


Ngayon ko lang nanaman makita ang harapan nito. Madaming nagbago. Ang mga kulay na iniwan kong kumukupas ay ngayon ay buhay na buhay na. Ang mga butong minsang itinanim namin sa harapan ng gusali ay ngayon tumubo na. Madaming mga tao sa harap nito na hindi ko masyadong namukahan. Si Marie lang kasi ang kinasama ko pagkatapos ng nangyari sa akin dito noon, at wala nang iba.


"You know what, Duke. We can drive home instead kung ayaw mong pumasok-"

Umiling ako, "No, Marie. Kaya ko 'to. We can just go home after the party." Kunak.

Tumango naman ang kinakabahang Marie para sa akin, "I just don't want to trigger your anxiety." Kuna niya.

Umiling ako at nginitian siya, "I am fine. Nagtherapy na nga ako, diba?"

"Pero-"


Bago pa nito ituloy ang sinasabi ay binuksan ko na ang pintuhan. Malamig na hangin ang lumangoy sa akin na nag-ahon sa nakatindig kong buhok. Tinitigan ko ang gusali mula sa harapan. Yup, I am definitely back. Back for tonight only.


The Fault in our PastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon