Girlfriend
Ilang araw ang lumipas nang lutang ang isip ko. I do hide everytime he's around and the fact that he doesn't make any move to see me, hurts badly. I'm asking myself why am I hoping.
Pero alam na alam ko sa sarili ko ang dahilan.
I hugged my bag as I let myself think. Isa nanaman kasi itong araw kung saan pinayuko nalang kami ng teacher namin sa chem sa sobrang ingay. Dagdagan pa ng inis nya dahil walang sumasagot sa mga tanong nya.
Tinignan ko ang ulap na kitang kita dahil nasa tapat ako ng bintana. Kahit ang kulay non ay ipinapaalala sya sakin. Lalo na ang mga sinabi nya dati.
I never stopped reminding myself not to hope too much. Akala ko'y nakumbinsi kona ang sarili ko pero ngayong nasa harapan kona sya ay napakadami kong tanong. Why did he tell me that he'll wait kung hindi naman pala talaga nya kaya? Why did he stopped in front of me last tuesday to offer me a ride? Hindi man lang ba nya naiisip na magagalit ang girlfriend nya dahil doon?
Humarap ako kay Marielle dahil kinalabit nya ako. Nakita kong yakap yakap din nito ang bag habang nakayuko.
"Nood tayo laro mamaya?" she whispered. Ilang beses nya na akong tinanong nyan at kung ano ano ang dinadahilan ko para lang makaiwas.
And from the nth time, I shooked my head.
"May pupuntahan kami ni Mommy e.." I reasoned out.
"Ano ba, palagi nalang kayong may pinupuntahan! Sige na, last practice na nila oh! Championship na nila sa friday.." asik nya, nananatiling pabulong.
"N-Next time nalang,"
She pouted. "Sige.. ganyan ka naman."
Tumalikod sya sa gawi ko. Matunog akong bumuntong hininga atsaka ako naman ang nangalabit sa kanya.
Lumingon sya sa akin. "Oo na sasama nako. S-Saglit lang tayo ah.."
Nagliwanag ang mukha nya sa sinabi ko.
"Hanggang pagtapos lang ng game!" she giggled.
"Ms. Vista and Ms. Valeria, care to share your topic?" our teacher asked sarcastically. Sabay kaming nag sorry ni Marielle atsaka sinamaan ng tingin si Faye na tumatawa na ngayon. Malayo kasi ang upuan nya sa amin dahil alphabetical order ang ayos.
"The final exam is coming.. wala pang pasok sa biyernes." she continued habang ang hawak na pamaypay ay bahagyang pinupukpok sa kamay. "Yet I think you all learned nothing."
Mas lalong nanahimik ang klase dahil talagang nakakatakot ang boses nya. Nagpalakad lakad sya sa buong klase. Nanlumo kaming lahat nang bumalik sya sa unahan at maglabas ng mga test papers.
"I already explained everything so I'm surprised that no one answered me correctly." ibinaba nya bahagya ang kanyang salamin atsaka kami tinitigan isa isa.
She gave the papers to the aisle as she told us to pass it forward. Nanlulumo naman ang mga kaklase kong tinanggap iyon.
Nagsimula kaming sagutan ang mga papel at ako ang unang natapos. I'm not sure if my answers was all correct pero wala na ako sa sarili para idouble check pa iyon. Halos kainin ng oras ng exam ang oras ng break time namin. Ten minutes nalang ang natitira nang lumabas ang teacher namin sa chem kaya agad na nagmadali ang mga kaklase kong lumabas. While I remained sitting at my chair.
"Uy Addy, tara na.." Faye called me kaya inilipat ko ang paningin ko sa kanya. Nakita kong nakatayo na silang dalawa ni Marielle sa pinto, naghihintay. "Hindi ka sasama?"
I shooked my head. Lumapit naman agad silang dalawa sa akin na busangot ang mukha kaya natawa ako.
"What?" I asked, still laughing.
BINABASA MO ANG
Conscience Of Love
Novela JuvenilMegan Addison Vista, the Manila's most paid supermodel believe's that.. Everything happens for a reason. But how sure are you that those reasons are worth it? Tataya kaba sa laro ng buhay kung ganoon?