Chapter 28

13 2 1
                                    

Alexis

Ilang segundo akong hindi nakagalaw sa ibabaw ni Akihiro. Nakatulog na ito at amoy na amoy ang alak nito.

Hontoni a-arigato...daisuki desu.

Marahan akong umalis sa ibabaw nito at tinitigan ito. Napawi lahat ng pagod, inis at sama ng loob ko dahil sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala na magsasalita ito ng ganon.

Kinuha ko ang kumot nito at binalot ito sa katawan niya, inayos ko rin ang paa nitong nahuhulog na sa kama. Matapos nito ay bumalik na ako kwarto ko para maghanda ng damit panligo.

Paano kung nasabi lang n'ya 'yon dahil lasing s'ya?  Napatitig ako sa harap ng salamin dito sa banyo. Marahil nga'y lasing lang s'ya kaya ganoon lang ang nasasabi n'ya. 'Pag pinaalala ko 'to sa kanya ay baka itanggi n'ya pa ito sa akin. Mas mabuting 'wag ko nalang ipaalala at 'wag seryosohin.

"Ohayo!" ngumiti ako nang batiin ako ni Ayumi habang ito naman ay abala sa pag-nguya ng tinapay.

"Ohayo." sagot ko rito habang umuupo. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-chat kay Mama dahil magpaladala ako bukas.

Ikatlong linggo na ng Disyembre, saktong December 15 ngayon at linggo, pay day namin ngayon sa McDonald's. Kada kinsenas ay pinapadala ko ang halos buong sahod ko kay Mama. Hindi naman ganoon kalaki ang sahod sa McDonald's pero sapat na iyon para kay Mama dahil siya lang naman ang mag-isa sa bahay.

"Papasok ka na ate?" nilingon ko si Ayumi habang abala sa pagsusuot ng sapatos sa pinto.

"Hmm." sagot ko rito. "May ipapabili ka ba?" tanong ko gamit ang lengwahe nila. Minsan ay nagpapabili ito sa akin ng paborito n'yang Burger kaya pag tinatawag ako nito ay alam ko ng may ipapabili ito ulit.

"Wala naman po. Gusto ko lang po sanang humingi ng favor, kung ayos lang naman po."

Kinuha ko ang bag na nakapatong sa sapatusan at hinarap itong muli. "Sure. Ano ba iyon?"

"A-ah, birthday kasi ni Kuya Aki sa 27, gusto ko sana siyang i-surprise pero hindi ko alam kung paano." tanging tango lang ang naisagot ko rito saka ngumiti. So, December 27 pala ang birthday ni Akihiro.

"Sige, day off ko sa Saturday. Mag-iisip tayo ng plano para sa birthday ni Oni-chan mo ah?" masigla itong tumango sa akin, nahawa naman ako at agad rin na natawa. (Translation: Brother)

"Hontoni arigato!" sambit nito sabay kaway. "Jaa ne!" kinawayan ko rin ito at tinalikuran na ito para umalis na. (Translation: Thank you / See you!)

Habang naglalakad papasok ay kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang kalendaryo. December 27 ka pala ah. Para akong tanga na biglang napangiti habang minamarkahan ang December 27 sa kalendaryo. Akihiro's birthday!

Hindi ko alam kung bakit parang ako ang magbi-birthday sa 27 at ako pa ang mas excited. At kahit isipin ko na malabong magustuhan ako ni Akihiro pero parang mas nangingibabaw ang huling sinabi nito kagabi at nagdudulot ito sa akin ng pagkabaliw. Daisuki.

"Buti naman at kumpleto na ang sahod ko hahaha!" sabay kaming natawa ni Yuko dahil sa sinabi n'ya. Hindi nakukumpleto ang sahod nito dahil laging may hang-over kada pay day. Hindi na rin naman ako umulit pa mula nang malasing rin ako.

"Samahan mo ako sa Mall." pakiusap ko kay Yuko. Agad naman itong tumango. "Arigato." sagot ko at inakbayan ito.

"Anong gagawin natin dito?" takang tanong nito. Mag a alas onse na at kakaunti nalang ang tao pero mas magand ito para makapili kami ng maayos.

"Basta. May kailangan lang akong bilhin." sagot ko nang hindi lumilingon rito.

Kailangan kong bumili ng regalo para kay Akihiro. Sasabihin ko nalang kay Mama na binawasan ko ito ng kakaunti para ipang-regalo. Ang kailangan ko lang isipin ay kung ano ang pwede kong maibigay kay Akihiro na magugustuhan niyang sigurado.

"Kanina pa tayo paikot-ikot dito sa buong Mall, ano ba talagang bibilhin mo? Puro ka basta e." napakamot ako at nahihiyang tinignan si Yuko. Pagod na rin ito, at may pasok pa kami kinabukasan.

"A-ah, tingin tayo dito sa Daiso!" hinila ko ito papasok nang masaktong mabungaran ito sa harapan namin.

Ano ba ang dapat kong bilhin? ngumuso ako nang hindi na alam kung ano ang bibilhin. Lahat naman kaya nilang bilhin e, kaya nga nila akong paaralin psh.

"Sarap siguro nito sa pakiramdam." nilingon ko si Yuko na abala sa pagtitingin ng head massager. Nilapitan ko ito at tinignan ito.

This head massager can remove your stress. napaawang ang bibig ko dahil sa nabasang quotation sa cover ng head massager.

"Ito yung bibilhin ko, Yuko!" dali-dali kong kinuha ang isang head massager at nilagay agad sa counter. Sakto ring may nakalagay na magagandang brown bag sa tabi ng counter na may design na bear kaya agad ko rin itong kinuha at binili para maging lagayan ng head massager.

"Anong oras na ah?" halos mawalan ako ng balanse nang bungaran ako ni Akihiro sa pinto.

"Ano ba?! Nanggugulat ka ba?" irita kong bulyaw dito habang nakahawak sa dibdib.

"Ha? Hindi ah! I-inaabangan lang t-talaga kita." sagot nito. Napatikom naman ako saka pumasok at nagpalit ng tsinelas. "Kumain ka nalang d-d'yan, nagluto na ako ng hotdog." pagsabi'y umalis na ito at tinalikuran ako.

Sinundan ko naman ito ng tingin at pumasok na sa kusina. Pagbuklat ko ng takip ay para akong baliw na napangiti sa limang hotdog na nakahain sa harap ko. Nilutuan na naman n'ya ako. nakangiting pinagtiklop ko ang bibig ko dahil sa hindi mapigilang kilig.

Hindi lang naman ako isang beses nilutuan ng hotdog ni Akihiro pero iba yung pakiramdam ngayon na alam ko na sa sarili kong gusto ko na talaga s'ya. Kung yung dati ay lito pa ako sa nararamdaman ko pero ngayon sigurado na talaga ako. Kahit napakababaw ng sinabi niya, iba epekto nun sa akin, Akihiro.

Kumuha ako ng tinidor at pinapak ang limang hotdog na niluto nito. Medyo malamig na ito at nangulubot na, hudyat na kanina pa ito naluto.

Ano ba naman 'yan, Aki! Pinapakilig mo naman ako hahaha! tatawa-tawa kong sambit sa isip habang ngumunguya ng hotdog.

"Hay salamat." hinayaan ko ang katawan ko na bumagsak sa kama at tumulala sa kisame. Mama, Tita, Tito, Ayumi, Lord, patawarin n'yo ho ako. Patawarin n'yo ho ako dahil sigurado na po ako sa nararamdaman ko kay Akihiro.

"Tara na." hinang-hina akong tumayo sa sofa at sumunod kay Akihiro. Hindi ako nakatulog ng maayos kaiisip ng kung anu-ano tungkol kay Akihiro. Inulit ulit ko lang naman sa isip ko ang sinabi n'ya nung nalasing siya. Daisuki.

Gusto rin kaya n'ya ako? tanong na bumagabag sa akin magdamag.

"Ayos ka lang ba?" nanginig ako sa gulat nang magtanong si Akihiro na katabi ko lang.

"A-ah, giniginaw lang ako. Alam mo naman December hehe."

"Gusto mo bang pahiramin kita ng jacket?" bulong nito.

Umiling-iling naman ako bago sumagot. "H-hindi na, naka-jacket naman ako na makapal na e, hindi pa rin lang talaga ako sanay sa klima dito." binalik ko na ang paningin ko sa harapan at sunod sunod na lumunok.

"Pero ipapaalala ko rin lang sa'yo na sanay na rin ako sa klima dito." muling bulong nito.

Nilingon ko ito at pilit na ngumiti. "Huwag na, salamat." mabuti na lamang at kailangan na naming lumabas kaya natigil na ang diskusyon namin. Nauna akong maglakad at hindi na ito sinabayan.

"Bahala ka nga sa buhay mo." napahinto ako nang pumantay ito sa akin at sabihin iyon. Nauna na itong maglakad samantalang ako ay nabigla sa pagbabago ng emosyon nito.

Bipolar, psh. napanguso ako at hinayaan nalang ito na mauna. Dapat talaga ay sanay na ako sa mood swing ni Akihiro dahil ilang buwan na rin naman kaming magkasama. Dapat ay sanay na rin akong mabait at sweet siya ngayon, tapos biglang seryoso at galit na siya ngayon.

----------------------------------------------------------------------------------

Don't forget to Vote, Like and Comment!

Follow me on my Social Media Accounts:
Facebook: https://www.facebook.com/louielyn.portugueza
Instagram: @_laleng
Twitter: @llprtgza

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon