~•~
Umaga, same routine. Ang kaibahan nga lang, parang akong binagsakan ng isang libong kilong bakal sa bigat ng dibdib ko.
Mas na-prove ko kasi kahapong totoo ung mga panaginip ko dahil sa mga litratong pinakita ni Mama sakin. Mga larawan namin ni Josh na magkasama noong bata pa kami.
Kasalanan ko kung bakit ganun ang nangyari. Hindi kasi ako marunong magtanong kay Mama. Alam pala niya all this time na may pinagsamahan kami ni Josh kaso hindi kasi ako nagtatanong sa kanya kaya ngayon ko lang nalaman.
Napatingin naman ako sa picture na hawak ko ngayon. Naka-costume kaming dalawa. Ako bilang Wendy at siya si Peter Pan.
Napangiti ako ng malungkot.
Ngunit kaagad napalitan ng gulat ang hindi maipintang mukha ko ng bigla na lang akong hinatak ni Alexa.
"Uy teka!" sigaw ko sa kanya.
"Walang teka-teka! May kailangan tayong i-confirm!" sigaw rin niya sakin habang tumatakbo kami.
"Ano?"
"Sabi kasi sa twitter, aalis na raw si Josh. Dun na daw sa Singapore maninirahan!" sabi niya ng patigil-tigil.
Ako naman, bilang si Josh ang pinag-uusapan, mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo.
To the point na naunahan ko na siya.
~•~
Pagdating namin sa classroom, hinanap kaagad ng mata ko si Josh pero wala siya dun. Ung mga kaibigan pa lang niya ang nandoon kaya tumakbo ako patungo sa pwesto nila.
"Paul...totoo bang...ngayon...ang alis ni Josh...papuntang...Singapore?" tanong ko kay Paul habang hinahabol ung hininga ko.
"Ikaw pala. Sorry pala kung masyadong kaming makulit sa'yo pagdating sa feelings ni Josh sa'yo. Hindi naman namin alam na ganun na pala ung dating sayo at tsaka, tinutulungan namin ung torpe naming kaibigan. Sorry talaga. Sana maintindihan mo." sincere na sabi ni Paul sakin.
"Tsaka na yung sorry na yan. Sagutin mo muna ung tanong ko!" desperate na sabi ko sa kanya.
"Ha? Eh, ano nga ulit yung tanong mo?" tanong niya sakin.
Nagulat naman ako sa sumunod na nangyari. Lumanding yung kamay ni Alexa sa batok niya. Something…fishy?
"Umayos ka nga. Anong oras aalis si Josh papuntang Singapore? Sagot agad!" ma-awtoridad na demand ni Alexa.
"Ano…four o'clock yung alis ng airplane, edi mga three o'clock nandun na yun at naghihintay ng flight. Teka bak---"
Di na natapos pa ni Paul yung sasabihin niya kasi hinatak ko na si Alexa palabas ng campus.
Kaso ang epic ni Manong Guard, ayaw kaming palabasin. Kailangan daw, tapusin muna namin ung practice.
"Best, kalma ka lang," pagpapahinahon ni Alexa sakin, "four o'clock pa raw. Two o'clock pa ang dismissal natin, kaya pa yun okay?"
Napatango naman ako habang pinupunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.
Mahahabol ko pa siya. Tama, mahahabol ko pa siya. Tiwala lang.
~•~
Umalis kami kanina sa campus, mga 2:30 pm pa nun, pero ngayon? 3:00 na. Bwisit kasi na traffic 'to. Hindi marunong makisama, kaya ito-umiiyak ako sa magkahalong kaba at hinayang. Sabayan pa ng masakit na tiyan. Bwisit kasi na taxi 'to, anlamig. Kinabagan na ata ako. Kaasar lang.
"Yan! Kasi! Kung sinabi mo pa noon na mahal mo talaga si Josh, edi hindi sana tayo makikipaghabulan sa taong paalis na." pangasar ni Paul sakin pero kaagad din siyang tumigil dahil pareho namin siyang tiningnan ng masama ni Alexa.
Hinatak na rin namin siya dito sa loob ng taxi paglabas dahil hindi namin alam kung saang airport yun.
"What? Just saying." sabay shrug ng shoulders niya. What-whatin ko mukha nito eh.
Nagmasid-masid ako sa paligid. Kainis, masyadong heavy ung traffic. Hindi na kasi nagalaw ung mga sasakyan. Nag-antay pa ko ng ilang minuto pero wala talaga eh. Napaka-impatient kong tao.
"Manong, wala na bang ibang short cut dito?" nate-tense na tanong ni best sa taxi driver.
"Kung talagang nagmamadali na kayo, takbuhin niyo na lang. Ayon na rin oh," sabay turo sa airport na parang mga meters away na lang. Edi sana sinabi niyo agad manong nang hindi kami nate-tense diba? Langya, anong oras na ba? Pagkatingin ko sa relo ko…
Pakinengshet, 3:49 na! Hinila ko na lang basta si Alexa sabay labas ng taxi.
"Tara na! Baka di na natin abutan."
"Paano ung bayad?"
"Pabayaan mong si Paul ang magbayad. Utangin na lang muna natin."
~•~
Hinihingal pa kami ni best ng makarating sa labas ng departure area ng airport na akala mo eh tumakas ang hangin sa kawalan. At dahil hindi na kaya ni best, pinilit ko na lang ang sarili kong pumunta sa loob ng airport.
Nung una, ayaw pa nila akong papasukin pero nakiusap ako ng nakiusap hanggang sa lumuhod na ko sa harapan nila. Siguro nakulitan na sila sakin kaya pumayag sila pero may kasama akong gwardya.
Dumiretso kami sa information at kahit nauutal ako sa sobrang kaba, nagawa ko pa rin ang magtanong.
"Miss, ung flight ng Manila to Singapore, ung sa alas kwatro, anong progress?"
"Kanina pa po nakalipad ma'am."
Pagtingin ko sa wrist watch ko saka ko nakumpirma na totoo nga. 4:10 na. Late na ko.
~•~
©Makibaka
Maki Rosedale ♥
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Na
Teen FictionAno ang gagawin mo kung lahat na sila alam na mahal ka ng taong mahal mo, ikaw na lang hindi? Aantayin mo pa ba na siya ang magsabi o ikaw na ang magsasabi sa kanya?