Chapter Nineteen

22 0 0
                                    

Clark POV.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Agad ako napabangon ng mapansin ko wala si Talia sa tabi ko.

"Talia?" Tiningnan ko siya sa Cr pero wala. Lumabas ako ng kwarto.
"Talia?! Talia Nasa'n ka?!" Sigaw ko.

"Dude, bakit mo hinahanap si Talia?" Tanong ni Karl, nandito na pala sila.

"Si Talia, nakita niyo?"

"Wala ba... Wala siya sa kwarto?" Nagtataka tanong ni Geo. Napailing ako.

"Hindi namin nakita si Talia bumaba pagdating namin dito" kinakabahan ako.

"Hindi kaya umalis?" Geo said. Habang kumakain ng cookies, may gana ka pa talaga kumain gago ka.

"Saan naman siya pupunta?" Bakit ba hindi siya nagpapaalam. Alam naman niya dilikado ngayon.

"Bakit kasi bigla bigla nalang mawawala!" Nathan.

"Sinong nawawala?" Napatingin kami Kay Myka na kakadating lang. Lumapit naman si Nathan sa kanya at humalik sa pisngi. Edi kayo na!

"Si Talia kasi nawawala" Karl said.

"Ano? Teka lang" kinuha niya ang cellphone at may pinindot.
"Ito! Nandito siya sa may lumang building, Alam niyo ba Ito?" Pinakita niya sa'min ang location kung saan si Talia ngayon, tumango kami bilang tugon, ito yong nasunog na building last year dahil sa isang empliyado ilang buwan na hindi pina pasweldo, pero nagtataka ako pa'no niya nalaman kung nasaan si Talia.

"Paano mo siya nahanap?"

"Nilagyan ko siya ng tracking device dahil alam ko aalis talaga siya!" Ang galing ng ginawa niya. Ngayon kailangan namin puntahan si Talia dahil nasa panganib siya.

"Ang galing mo babe" sabat ni Nathan. Oo na kayo na mag jowa.

"Tara na!" Tawag ko sa kanila, kailangan ko makausap ang ibang kasama ko para sa paglusob.

"Teka lang, pa'no ako? Gusto ko sumama!" Pigil ni Myka sa'min.

"Babe, Alam mo namang dilikado, ganito nalang gawin mo, kung sakaling hindi pa kami makakabalik sa loob ng dalawang oras, tumawag ka na ng pulis o di kaya tawagan mo ang Daddy ni Clark matutulungan tayo non, naintindihan mo?" Binigay niya ang cellphone niya, agad tumango si Myka. Nagtitigan pa ang dalawa! Nako naman Nathan wala ng oras.
Hinila ko na siya dahil parang wala siya balak umalis.

Agad kami nag tungo sa sinabing lugar ni Myka pagkatapos ko makausap ang ibang ka grupo, magkasama kami ngayon, dalawang Van ang gamit namin papunta don. Kalahating oras bago kami nakarating sa mismong lugar. Naka park Ang sasakyan namin sa di kalayuan sa building.
Agad kami bumaba at naghiwahiwalay ng pwesto. Sa baba palang ng building marami na nakabantay na mga armadong lalaki.

"Grabi ang dami nila, kaya ba natin to, ang laki pa ng mga katawan." Kahit saan talaga ilagay itong si Geo ang ingay parin.

"Bakit? Bet mo mga katawan nila? Lalaki na pala hilig mo ngayon?" Siraulong Karl, di ko napagilan matawa pero mahina lang naman baka kasi marinig ng mga kalaban.

Pinalo naman ni Geo ang ulo ni Karl.
"Siraulo ka! kung ano ano sinasabi mo, sinabi ko bang bet ko yan!!" mahina niya sigaw. Natatawa nalang ako sa kalukuhan nilang dalawa.

"Tumahimik na kayo nandyan na si Talia kasama ang parents niya" suway ni Nathan at napatingin ako sa harap. Oo nga, kasama pala ang Daddy niya kinuha rin. Teka lang, si jaguar yon ah. Saan niya dadalhin sila Talia.

"Ngayon na ang tamang oras, Tara na!" Sigaw ko at sinugod ang mga kalaban habang may hawak na bakal.
Nataranta naman sila dahil sa bilaang paglusob namin pati si jaguar nagulat.

My Mr. Playboy Secret (Complete)Where stories live. Discover now