Prologue

76 5 2
                                    


Maraming pulis ang nakaabang sa labas ng isang botique. Inaabangan ang sasabihin ng nakatataas sa kanila.



"Ang anak ko, tulungan nyo po ang anak ko. Siya ang hostage doon sa loob." umiiyak na sabi nang isang ginang habang kinukulit ang isang pulis.


"Huwag po kayong mag-alala ma'am humahanap lang po kami nang pagkakataon para pasukin ang botique na yan." pagbibigay alam ng pulis sa ginang.



Imbis na maging mahinahon ang ginang ay lalo pa itong nagalit.



"ANO? Paano kung may masamang mangyari sa anak ko? Ayun ba ang sinasabi mong pagkakataon ha? AYUN BA?!" hysterical na sabi ng ginang.



At tuluyang nagsisisigaw ang ginang habang umiiyak.



Sa loob naman ng botique ay may isang dalagita ang nakatali ang mga kamay at paa. Mayroon ding busal ang kanyang bibig.



Wala man lang mababakasan na emosyon sa kanyang mukha kung hindi ang kanyang kainosentehan. Lumapit ang isa sa mga nanghostage at pinagapang ang kanyang magaspang na kamay sa makinis na mukha ng dalagita.



"Hindi ka man lang ba iiyak dyan?" naiinis na sabi ng lalaking lumapit sa dalagita.



Ngunit hindi man lang natinag ang dalagita. Akmang sasaktan na sana ng armadong lalaking iyon ang dalagita ng may naramdaman siyang nakatutok na sa kanyang baril.



"Don't move. You are under arrest." sabi ng isang nakaunipormeng pulis.


"P-paano ka nakapasok d-dito?" nagtatakang tanong nang lalaki.



Pinaluhod naman ng nakaunipormeng pulis ang armadong lalaki atsaka ito pinosasan.



"Ang tagal mo. Akala ko hindi kana lalabas sa lunggang pinagtataguan mo." sabi ng dalagita habang nakaupo sa kanyang upuan habang siya ay nakapandekwatro at nakalagay ang kanyang mga bisig sa ilalim ng kanyang dibdib.


"P-paano natanggal yung tali sa kamay mo?" naguguluhang tanong ng armadong lalaki sa dalagita.


"Magic." nakakalokong ngiti ang ipinakita ng dalagita sa armadong lalaki.



Inalis ng dalaga ang kanyang paningin sa armadong lalaki at tinitigan ang lalaking nakauniporme.



"Nakuha mo ba?" sabi ng dalagita. Tumango naman ang lalaking nakaunipormeng pampulis.


"Tara na. Nag-aalala na si mommy sa labas. Kanina ko pa naririnig si mommy na umiiyak." pagkasabi 'non ng dalagita ay tumayo na siya sa kanyang kinauupuan.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon