Untitled Part 1

14 2 1
                                    

Shem pov.

It’s all start like this…

*SLAP!*

Sinampal lang naman ako ng babaeng ipinalit sa akin ng 3 months boyfriend ko!

“What the---” bago pa ako nakapagsalita ay inunahan na ako ng hinayupak kong boyfriend na tumingin lang habang nagdudusa ako sa harap nya.

“Kung nagpapayat ka man lang sana o kaya nag-effort ka man lang magpaganda eh di sana hindi ako nahihiya na ibandera ka sa harapan na mga kaibigan ko!” Shit! All this time na pinagsamahan namin malalaman ko na lang na ikinahihiya nya ako! At Wow ha! Iba na mundo ngayon, sya na nga ang may ginawang mali sya pa ang may ganang magalit!

“WAG MO KONG BALIGTARIN DAHIL IKAW ANG NAHULI KO NA MAY KASAMANG IBA!!!” Nanginginig ako sa galit! Kung puwede lang pagsamahin ko ang mukha nila at imudmud ko sa lupa!

“I’m sorry but we’re through.” TANG*** GANUN NA LANG YUN! WE’RE THROUGH!!!

“Pinagpustahan ka lang naman. Masyado ka kasing feeling close sa lahat. Sipsip ka lang naman kaya ka nagiging top one. Maliban sa mga nakakadiri mong taba at sa panget mong mukha, ang mas nakakainis sayo ay yang nakakasuka mong ugali na akala mo ikaw lang magaling, mabait, che! Now you know kung sinu ngayon ang pinili.” Ang kapal talaga ng butiting babaeng toh! At ako naman si tanga naniwala na totoo ang ipinapakita sa akin ni Eric…shit luha! Mamaya ka na tumulo!

“So naiinggit ka? Sino ngayon ang insecure? Ang cheap mo ha!” Ang babaw lang.

“Shem! Wag mong insultuhin si Maika!” Wow! Nung nilait ako ok lang at ngayong ako ang nagsabi nang totoo kung makareact akala mo sasabog na bulkan! Boyfriend ko yan a few minutes earlier ha!

“Babe, what’s happening here?” nagulat na lang ako ng may biglang mga kamay na pumulupot sa beywang ko mula sa likod.

“Malandi ka rin naman pala eh! Teno-time mo ko?!” napangiwi ako sa ginamit ni Eric na term. Ngayon lang ako nasabihan ng Malandi.

“Fuck! Masyado nang masagwa yang lumalabas sa bibig mo. Dapat siguro manahimik ka na.” and with that bigla na lang sinuntok nung lalaki si Eric! Pareho lang kaming natulala ni Maika. Wala nang malay si Eric bago ako hinawakan nung lalaki sa kamay at hinila kung saan.

___________

Saka ko lang nalaman kung sinu ang lalaking iyon nang ligawan nya ako. Jaydon Henzerbert, loner, senior, rebellious,  anak ng may-ari ng school, kinatatakutan sa school dahil siguro nalaman nyo na kanina kung paano sya umayos ng problema at well super guwapo kung hindi lang natatago dahil sa mahaba nyang bangs na parang sinadya yata.

Hindi ba kayo naniniwala? Promise niligawan talaga ako ni Jaydon! Hindi ako nagbibiro! Niligawan nya talaga ako! Kung alam nyo lang kung paano ako lumutang ng magtapat sya sa akin! Pero shempre nag-emo mode muna ako bago ko sya sinagot kasi naman nadala na ako sa first boyfriend ko. Forget about that jerk. OO ako na dahil sinagot ko na sya after 3 months nyang panliligaw. Oo ulit dahil nagpa-choosy muna ako ng 3 months, hindi nadala lang talaga.

And now officially kami na! hinihintay ko si jaydon sa usual spot namin dito sa canteen ng bigla na lang biglang tumahimik ang nagkakagulong hayop sa paligid ko. Joking aside bigla na lang talaga silang tumahimik. Hay, I don’t care kung anu ang ikinatahimik nila. Nasan na ba si jaydon? Namimiss ko na sya…kanina ko pa kasi hindi nadadapuang palad ang aking iniirog. Kung kailan kami na saka pa nya ako hindi sinundo sa bahay at ngayon naman hindi nya ako sisiputin.

Naiiyak na ako, ang pathetic ko lang para umasa na talagang totoong seryoso sa akin si Jaydon! Hindi na ako natuto. His too good to be true para sa isang mataba at panget na katul---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm chubby and he loves METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon