Disclaimer: This is work of fiction, names, character, events and incidents are either the products of Author's imagination or used in fictionations manners. Any recemblance to the actual persons, living or dead or actual event is purely coincidencial. I'm sorry if you encounter typos and grammatical errors along the way. Thank you❤
[Prologue]
"Farrah, do you take Stanly to be your husband? Do you promise to love, honor, cherish, and protect him, forsaking all others and holding only unto him forevermore?" tanong ng Father habang nakatingin sa 'kin. Tinignan ko si Stanly na walang emosyon ang mukha
Napayuko ako "I-I do Father"
"Stanly, do you take Farrah to be your Wife? Do you promise to love, honor, cherish, and protect her, forsaking all others and holding only unto her forevermore?" tanong ulit ng Pare habang na 'kay Stanly ang tingin. Parang may milyon-milyong karayom ang tumutusok sa puso ko habang walang buhay itong naka tingin lang sa 'kin
"Stanly?" alanganing tikhim ng Pare
"I do Father" walang emosyong tugon nito. Pakiramdam ko anumang oras tutulo na ang luha ko
"Farrah and Stanly will now exchage rings as a symbol of love and commitment to each other. Rings are a precious metal. They are also made precious by you wearing them. Your wedding rings are special, they enhance who you are. They mark the beginning of your long journey together. Your wedding ring is a circle-a symbol of love never ending. It is the seal of the vows you have just taken to love each other without end" ani ng Pare
Dahan-dahan at may pag aalinlangan nitong isinuot sa daliri ko ang singsing na hawak. Mas lalong nanakit ang lalamunan ko sa pag pipigil ng luha. Sabi nila ang kasal ang pinaka mahalaga at masayang pangyayari sa buhay ng isang tao. Napangiti ako ng mapait. Sa sitwasyon ko ngayon. Kabaliktaran ang nangyari
Hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod na mag susuot ng singsing. Inabot ko ang kamay niya at walang pag aalinlangang sinuot duon ang singsing
"By the power of your love and commitment, and the power vested in me. I now pronounce you husband and wife! You may kiss each other!" masayang anunsyo ng Father, kasabay ng masigabong palakpakan ng mga tao sa loob ng simbahan
Walang bakas ng kasiyahan ang mukha ni Stanly bago ilapit ang labi sa pisngi ko. Nasasaktan. Yun ang nararamdaman ko ngayon, hindi kasiyahan. Masama bang pakasalan ko ang taong mahal ko? Ang hirap pala magmahal ng taong may mahal ng iba. Kung alam ko lang na napilitan lang siyang pakasalan ako dahil sa kumpanya. Sana hindi nalang ako pumayag. Alam ko namang hindi ako ang laman ng puso niya. Pakiramdam ko nanira ako ng relasyon ng iba
NATAPOS ANG KASAL ng wala kaming imikan. Walang nagtatangkang magsalita sa 'ming dalawa. Nandito na ako ngayon sa Veranda ng condo niya. Malungkot na nagmamasid sa mga bituwin. Umalis si Stanly kanina ng wala man lang paalam
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob at dumiretso sa kusina. Kumuha muna ako ng tubig sa ref at uminom. Nang magawi ang tingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding nakita kong ala-siyete na ng gabi pero hindi pa kami nag di-dinner, kumakalam na din ang sikmura ko dahil hindi naman ako masyadong kumain kanina. Na 'kay Stanly kasi ang attention ko buong maghapon
Tinungo ko ulit ang ref at nagtingin ng mailuluto. And thanks God may nakita akong karne at ibat-ibang klase ng gulay. Kaya naman naisipan kong mag tinola nalang. Para pag dating ni Stanly may dinner na
Inabala ko ang sarili ko sa pagluluto at pag sesearch sa internet kung paano ba lutuin yun. Hindi ko na din namalayan ang oras. Natapos ako ng saktong alas otso-trenta. Napangiti ako ng matikman ang nilutong tinola, sakto lang ang lasa niya. Pero ng tikman ko ang papaya napangiwi ako dahil matigas pa samantalang lamog-lamog na yung karne ng manok. Inaamin kong wala talaga akong talent sa pagluluto. Binuksan ko nalang ulit ang kalan para mapakuluan
YOU ARE READING
Forced Merriage
RandomFarrah Marie Padua is head over toe inlove with Stanly Ferrel but sadly, Stanly inlove with someone else. Nang malaman niyang nalulugi na ang kumpanya ng mga Ferrel, she's willing to help them. Until her parents offer them an opportunity. They want...