CHAPTER 30
Halos hindi na ako makahinga sa kakatawa nang tumigil ang train. Bumaba kami roon at naupo sa mga upuan kung saan kaharap namin ang roller skater. Kung saan malapit sa amin sina Belle.
Lumapit sa amin si Jaeden. "Kain tayo. Libre daw ni Cassandra," aniya habang hawak ang kamay nung batang babae na sa tingin ko ay kapatid niya.
"Mommy, Kuya is calling you 'Cassandra'!"
"You, shut the fu—freak up," sabi ni Jaeden at tinakpan ang bibig ng kapatid. Natawa kami nang lumayo sila at lumapit sa parents niya.
Is it really a thing now to call your parents by their names? He reminds me of Kuya.
"Gwapo rin ni Jaeden 'no?" Zoe asked.
"Ngayon mo lang narealize?" Kunot noong tanong ni Denise. She seemed serious pero parang may narinig akong bahid ng asar sa tono niya.
Zoe rolled her eyes. "Seryoso kasi! Mukha siyang Koreano!"
"Si CL nanay niyan, eh," Andrew said. "The baddest bitch," he said before dramatically singing CL's part from a song of 2ne1.
Akala ko ay nagloloko lang si Andrew ng sabihin niyang si CL ang mommy ni Jaeden. Like, Chaelin. Like literally CL from 2ne1. Pero saka ko lang nalaman na Jaeden's Mother's nickname is literally CL.
His parents looked so... Happy.
Sana all?
I smiled before sipping on my expensive drink. What do i expect? Nasa EK ako. Mahal talaga dito, kahit bottled water lang.
Plano naming mag ghostbusters, pero naubusan na kami ng pera sa kakakain namin.
Nag Rio Grande rin kami that made us freaking wet. Nagcivillian na lang kami kasi basang basa talaga 'yung PE. Hindi naman siguro kami mababasa ng ganinto kung hindi nagloloko ang kambal! Hindi sana kung hindi nila inaalog 'yun sinasakyan namin!
I wore a high waist jeans and a white round neck shirt na may print na waves and a pink moon and blue background.
Pumunta kami sa Brooklyn Place and took some pictures. But it was mostly Jaeden acting like a model. You know... Standing straight while his hands were on his pocket, poker face, kunot noo, tapos tatawa, side view, and such.
"Change DP lahat ng taga AU mamaya. Tapos parepareho ng background na nakaupo sa Brooklyn Apartment," sabi ni Andrew habang pinipicturan ang kakambal.
I looked at his shots. And I must say... Maganda. As in pang IG talaga.
"Picturan niyo nga si Ab. Bagay siya rito," sabi ni Zoe at inagaw 'yung cellphone ni Jaeden sa kamay ni Andrew. Nanlaki ang mata ko at umiling. She pulled me somewhere that has a good background.
"Sa cellphone ko nanaman?!" Jaeden said.
"Siyempre, iPhone. Ganda cam," sabi ni Denise at lumapit sa akin.
After taking pictures Zoe looked at it. "Kainis, ang ganda!"
Namula ako.
Tumawa ako at tinignan 'yung mga kuha niya. I felt confident. Ang ganda ko nga...
It was getting dark but we still have two hours here. Naupo na lang kami somewhere habang dumadami na ang mga tao galing iba't ibang schools.
I took out my phone.
May messages from Jaeden. He sent me my pictures.
May messages from our group chats. Nag sendan sila ng mga pictures namin. Pictures and videos during rides. And picture ni Andrew habang nasa chuchu train kami na nakanganga at umiiyak.
BINABASA MO ANG
What Makes Life Divine│Valiente #1
Teen Fiction(Valiente #1) There's nothing more important to Abreu than staying on the list of honorable mentions. Not until she met Gael, a senior high school student. She then, figured that she's starting to like him. Some girls at fifteen already had experien...