CHAPTER 4

79 5 0
                                    

Hindi pumasok si Cassey sa trabaho niya dahil nangako sa kanya si Leo na aalis sila. Ilang minuto na rin siyang naghihintay sa meeting place nila pero hindi pa rin ito dumadating.

She started to feel worried because of Leo's being late. Nalelate naman ito pero limang minuto lang, hindi tulad ngayon na trenta minuto na siyang naghihintay.

"Leo..." Pagbigkas niya habang sinusubukan pa ring i-dial ang number nito na tanging operator lang ang sumasagot.

The subscriber cannot be reach...

Panay ang paglakad niya ng pabalik-balik dahil kinakabahan na talaga siya.

Paano kung may nangyaring masama? Paano kung nagkatotoo ang panaginip ko? Mabilis na umiling-iling si Cassey at pinilit na mag-isip ng positibo.

"Baka natraffic lang..." Pagkumbinsi niya sa sarili niya.

Everyone was looking at her like she's crazy. Sanay naman na siya sa gano'n kaya hindi niya nalang pinapansin.

Sinubukan niya ulit tawagan si Leo ng may magsalita sa likuran niya.

"Cassey."

She turn her back just to see Trix. Tumingin siya sa likod nito, nagbabakasaling nakasunod si Leo rito.

"Wala si Leo. May inaasikaso" ani Trix sa walang emosyon na boses.

Biglang bumagsak ang balikat niya. Hindi na matutuloy ang napag-usapan naming plano.

She force to smile. "Sige. Uuwi nalang ako---"

"Sumunod ka sa 'kin" pagputol ni Trix sa sinasabi niya.

Tumalikod na ito matapos magsalita kaya naman sumunod nalang siya rito.

"Uhm. Sa'n tayo pupunta, Trix?" Tanong niya, nagbabakasakaling makakuha siya ng sagot, pero nakalimutan niyang si Trix pala ang kaharap niya.

She just keep on following Trix until they reach a not so big door. Binuksan iyon ni Trix at pinauna siya.

Bumungad sa kanya ang malaking space ng lugar, para itong event hall sa mall na ginagamit kapag may event na ginaganap.

"Trix, ano bang---"

Natigil siya sa pagsasalita dahil wala na si Trix sa likod niya at nakasarado na rin ang pintong pinasukan niya.

She gulped just seeing the big place being empty and she's just alone inside.

Handa na sana siyang tumalikod nang biglang mamatay ang ilaw.

"Ayyy!" Tili niya ng mamatay ang mga ilaw at tanging dilim nalang ang nakita niya.

Handa na sana siyang sumigaw ng biglang bumukas ang spotlight at tumapat iyon sa dulong kanan ng kinatatayuan niya.

Napakurap-kurap pa siya para siguraduhin na si Jollibee talaga ang nakikita niyang nakatayo.

She's a fan of Jollibee mascot. Sa lahat ng mascot ay si Jollibee talaga ang pinakagusto niya.

Tears Of Pain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon