EXO UNIVERSITY (never been a fangirl)

8 1 0
                                    

Proluge************

What is EXO for Exo stans?  Simple, ang pinapangarap nating mahawakan, mahalikan, mapakasalan.  Kahit na ang lalayo natin sa kanila? Kahit na hindi natin maintindihan ang language nila? Kahit na hindi naman tayo sikat na katulad nila? Ang lakas ng loob nating ipangalandakan na 'akin yan'!

Our treasure, dream husband, future love  ̶  katulad ko pinapangarap mo din sila. Dahil tayo wala naman tayong ibang magawa e, kundi ang mangarap na sana, isang araw mahawakan ko ang kamay niya, na ngumiti siya sa akin at ipakita niyang mahal niya rin ako, na isang araw haranahin niya ako, kasi kahit malayo yung taong mahal ko hinding hindi ako mauubusan ng pag-asa, hindi ko siya isusuko dahil pagdating sa kanya natututo akong lumaban.

Yung fini-feeling syota mo, yung pinagseselosan mo kapag may nadidikitan o nakakausap na babae, yung shini-ship mo sa kapwa niya lalake! Yung pinapakilig ka sa mga galaw at kalokohan nila! Yung taong kahit alam mong pinaliligiran ng mas magaganda, mas mayayaman at mas sikat na mga babae... Hindi ka pa rin nauubusan ng pag-asa...

Na one day, sana masabi mo at maipagmalaki mo sa iba na...

"Etong lalaking to? Dati pinagpapantasyahan ko lang yan, ngayon, mundo ko na ang iniikutan niyan!" --habang tinuturo mo siya bilang senyales na natupad mo ang pangarap mo, dahil minahal ka ng mahal mo.

Pero syempre, lahat ng yun pangarap pa lang.

Ano para kay Daney Cass Morales ang EXO?

Malandi, famewhore, bakla, feelingero, assuming, mayabang, sobrang presko! Masarap sampalin, bugbugin, at patayin!

Wala tayong magagawa, hindi niya kailanman pinangarap ang mga pinapangarap natin. Ni-minsan di niya naisip magpakabaliw at mangarap gaya natin.  Wala tayong magagawa kung halos isuka niya ang pangalan ng exo sa tuwing maririnig ito.

Pero mas wala tayong magagawa kung ang mga taong hinahabol-habol natin... Ay hinahabol siya.


SPOILER:

B-O-R-I-N-G at Pang jeje ang format ko sa mga unang chapters, pero okay na sa medyo gitna-gitna, wag niyo kaagad sukuan ha? Kasi kahit ako di ako masyadong nagandahan sa unang chapters, pero umayos narin naman nung may plot na. Enjoy~

****** *****
CHAPTER1. First day , FIRST ENCOUNTER
😊
DANEY POV
dito ako ngayon sa kwarto, nagpe-prepare ng gamit para sa school. Nakakainis, talagang sinuko na nila ako. Di na nila ako matiis. Bakit kasi di na lang ako sumunod?

Wala naman masyadong kakaiba sa lugar na ito. Akala ko nga ibang planeta talaga yung pupuntahan ko eh. Isang malayong lugar lang pala. Isang napakalayong lugar.

Ang kakaiba lang dito eh walang pangit dito, syempre ako maganda ako ano. More like Korea ang appearance ng lugar na 'to.

Ano nga bang lugar 'to?

Sumilip ako sa bintana ng taxi saka nakita yung signboard na..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NEVER BEEN A FANGIRLWhere stories live. Discover now