Chandria's P.O.V
Matapos e advertise sa akin ni beki Marlon ang tungkol sa inoffer niyang Ampalaya Club,dumiretso na ako sa canteen para bumili ng paborito kong ham and cheese sandwich at soda drink. Binayaran ko iyon at umupo sa bakanteng upuan malapit sa C.R.
Habang kumakain ako,hindi mawala sa isipan ko tungkol sa inalok sa akin ni Beki Marlon. Sasali ba ako sa ampalaya Club na iyon? Sigyuro hindi naman masama kung susubukan kong sumali doon diba? At isa pa, ang sabi naman sa akin ni beki marlon,hindi naman daw puro ka bitter-ran lang ang aatupagin namin sa club na iyon.
Ang main goal daw kasi ng ampalaya club ay ang tulungan ang kapwa naming sawi sa pag-ibig,nang sa ganoon ay makabangon sila mula sa pagkadapa at nang maliwanagan sila sa kanilang isipan na hindi na nila kailangan ang mga taong nanakit sa kanila upang maging masaya at magpatuloy sa paghinga.
Sa AMPALAYA club daw, bibigyan ka ng choice kung gusto mong gumanti o kalimutan at ipagsawalang bahala na lang ang mga ginawa ng taong dumurog at sumaksak sa inosente mong puso. Kahit ano man daw ang piliin mo sa mga choices na iyon,handang tumulong ang kapwa mo BITTERS. Sa ampalaya club,tuturuan din nila ng leksyon ang mga taong manloloko pero wala sa VOCCABULARY namin ang sumira ng isang relasyong alam namin na totoo ang pagmamahalan sa isa't-isa.
"Nichole,ako na ang magdadala ng libro mo,sige na mag banyo ka muna "napatigil ako sa iniisip ko ng bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses.. Kilalang kilala ko ang may nagmamay-ari nun.
"Sige hintayin mo ko ahh tsaka pakibili na din ng chocolates. Thanks " masayang utos ng isang babaeng impakta sa lintik kong ex tapos humalik pa sa pisngi nito.Tama,as in si EX talaga! Syeeeeettteeeeee!! Masyado silang PDA!
Hindi ko alam kung bakit koo bigla bigla na lang tinakpan ang mukha ko sa librong dala ko. Bakit ba ako nahihiya sa kanila? Diba dapat sila ang mahiya sa akin dahil sa kalandian nila?? P*ste talaga!!
"Excuse me miss, would you mind if I'll sit beside you? " P*ste talaga, napaka traydor ng tanga kung puso !! Ang tanga lang, inutusan ba naman ang utak ko na tumango !! Hindi siya pwdeng tumabi sa akin, masyado akong allergic sa manloloko!!!
"Are you okkay miss? Mukang namumula ka ata.. Are you sick ? " mas lumapit siya sa akin, umisog naman ako kaya hindi ko namalayang nasa edge na pala ako ng seat. Muntikan na tuloy akong nahulog, mabuti na lang at magaling ako magbalance.. Kukunin ko sana yung libro ko na nahulog sa tapat ko kaso sakto din na may kinuha si EX, yung panyo niya ata nahulog din... Arghhh!! Nagwawala na naman ang puso ko,hindi pwde to!! Bakit ba kasi ang lagkit niya makatitig!!
"Chandria? " gulat niyang sabi. Kinalma ko muna sandali yung sarili ko at tsaka tumayo with confidence. Tama,as in with a high confidence talaga, winave ko pa nga yung hair ko at nag heads up ako bago ibaling ang atensyon ko sa kanya.
"Excuse me? Do you I know you? "taas kilay ko siyang tinanong pabalik. Tumayo din naman siya mula sa pagkakaupo niya at lalapit sana sa akin kaso pinigilan ko siya. Hinawakan ko ulit yung buhok ko at itinaboy ng bonggang bongga habang siya ay nakapamulsang nakatingin sa akin . Nakasuot siya ngayon ng violet blue t shirt ata? I'm not sure about the color,basta yung pants niya color orange.. Tsskk.
(See the picture------->>>>)
"Hey don't move! Don't come near to me"
"Chandria,please talk to me.. " nagsisimula na naman siyang humakbang papunta sa akin kaso pinigilan ko siya ulit.
" I said don;t come near to me! Allergic ako sa taong manloloko! " napalakas ata ang pagkakasabi ko nun kaya napatingin ang ibang tao sa canteen sa direksyon namin.. Shemmmayyyyy,nakakahiya!

BINABASA MO ANG
Chandria's Ampalaya Club
Teen Fiction" HE/SHE met you,liked you,made you fall,made you believe in FOREVER,got bored ,then left. Nasaan ang HUSTISYA? " Naranasan mo din ba yun? Bitter ka na din ba ngayon kagaya ni CHANDRIA? Kung oo,sumali ka na lang sa AMPALAYA CLUB niya , ang club kun...