NOON.
Nung bata pa ako sadyang lumaki na ako sa kalsada at pilit inaalam ang mga bagay na hindi ko pa alam, at sige lang ng sige sa anumang bagay bagay na nandiyan. Tulad na lang ng paglalaro ng pog,holen,yu gi oh card,computer,mataya taya, at bente uno. Ang mga bagay na to napakasarap nung ako'y bata pa talagang tatatak sa ulo mo yung nilaro mo noon at hanggang ngayon.
1. meron naman batang umiiyak ng dahil di nasunod ang pinapabili nila. Mag kanda ugaga ang magulang mo para humagilap ng pera para ito'y bilhin para sayo.
2. Meron din bata na kung anong meron sila sobrang masayang masaya na sila.
3. May bata naman na maarte. Kahit na binilhan ka na ng laruan pilit mo pang ibato ito at humiling pa sa kanila ng isang bagay na gusto mong laruan.
Kung tutuusin sobrang masarap mamuhay noon kesa ngayon. kasi noon paglalaro lang talaga ang libangan mo o mga larong kalye na tulad ng, b 1 two 3, tagu-taguan at bente uno ang mga larong ito napakasaya para sakin alam mo yung tipong lahat kayong manlalaro ay masaya at nag kakaisa minsan sa larong tong dito minsan nag kakaroon ng away bata kung tawagin. Talagang pinagdadaanan lang talaga ito.
NGAYON.
1. Ang mga bata ngayon. madalang kana lang makakita ng mga batang nag lalaro ng bente uno, b 1 two 3 at tagu-taguan ang mga libangan na ng mga bata ngayon ay teknolohiya at pag aabuso sa sarili.
Ang teknolohiya sa tingin ko di naman to masama sa buhay ng tao. pero nga lang may taong mapangabuso at di kaya kontrolin ang pag gamit nito. Kadalasan pa ang teknolohiya ngayon ay ginagamit sa krimen ngayon at pang aabuso sa mga batang kababaihan at ginagamit ito sa panloloko sa kapwa tao. Masakit man isipin sa karamihan talagang ang buhay ay ganto.
Sabi ng iba kung pwede lang ibalik ang pag kabata o ang nakaraan, sabi ng iba oo maganda bumalik sa nakaraan dun ka makakahinga ng maayos at makakapag laro ng maayos at makagagala ka pa noon, at walang masyadong krimen na nagaganap sa kapaligiran.
NAG KA-EDAD.
Kadalasan kasi kapag nag kakaedad ka lahat ng gusto mong gawin gagawin mo, parang feeling mo alam mo na lahat. Minsan kasi kapag may bagay na pinapaintindi sayo pilit mong itinatakwil ang sinasabi nila, tapos kapag nagsasabi sila sayo na payo ikaw pa ang nanggagalaiti sa galit kung baga ayaw mo marinig yung sasabihin nila.
Minsan may taong nasa edad na hindi kayang unuwaan ang mga bagay na pinapaintindi sa kanila, naaasar ako sa taong di marunong umintindi at intindihin ang mga bagay bagay na pinapaintindi sakanya.
May tao namang, sa palagay na natin na nasa tamang edad na pero may mga bagay sila na hindi tama ang ginagawa tulad na lang sa pag sali ng fraternity,pang aabuso sa alak, pang aabuso sa kapwa,.
Fraternity.
Minsan sa ibang tao ang fraternity sa kanila ay biro may masabi lang sila sa ibang tao na may frat sila, at karamihan nasumasali dito ay yabangan lang, pormahan,pasikatan, at feeling nila malakas na sila.
Ang tao nga naman talaga di mo malalaman sa kanila ang totoo