4th Chase

80 1 0
                                    

Steph's POV

"Steph, okay ka na ba? Sabi kasi nang maid niyo nagkulong kalang daw sa kwarto after nung gig? Umiyak ka na naman ba?" Si mitchie masyadong nagaalala. Nakakaasar pero ang sweet ng chummy ko. Btw nandito kami sa school. Di naman pumasok yung teacher so nasa rooftop kami.

"I'm more than fine mitchie, okay? So stop asking me if i'm fine. And No! Ofcourse I didn't cry. I won't waste my precious tears naman dahil lang na he called me whore." Magaling din akong magsinungaling no. Ayaw ko namang akalain ng chummy ko na baliw na baliw ako dun sa jared na yun. Pero ang totoo, umiyak talaga ako. Buti nga di namugto mga mata ko. Oh no! My precious eyes.

"Don't english me okay? Nakakabobo. Mabuti naman di ka na umiyak at tama lang yan, wag mong sayangin ang mga luha mo ng dahil lang sa isang lalaki. Tandaan mo ha? Madami pang lalaki jan. Dapat hindi ikaw ang naghahabol sa lalaki, dapat ikaw ang hinahabol." tss ayan na naman siya sa mga advice chuchu niya. Masyadong seryoso si chummy.

"First of all, Chummy, as if naman hindi ka naghahabol kay bryan diba? We're the same. Ang pinagkaiba lang your crush is sweet and kind to you while mine is rude and heartless." Sabi ko kay chummy. Totoo naman diba? Sweet sakanya si bryan. Parang may gusto rin sakanya. Tapos si Jared naman masyadong masama ang ugali sakin. Tss. Why he gotta be so rude?

"FYI! Kahit may gusto ako sakanya alam ko ang limitasyon ko. Eh ikaw? Paghanga pa ba yang nararamdaman mo? Crush parin ba yan? Kasi sa nakikita ko mahal mo na siya." nagulat ako sa sinabi ni chummy. Minsan nakakaasar din pagiging pranka niya. Ganun na ba kahalata?

"What? At sino naman nagsabi sayong mahal ko na siya?" hindi ko parin kayang aminin sakanya na mahal ko na si jared kahit na bestfriend ko siya. Pero sasabihin ko naman.

"I'm your bestfriend since elementary days. Kabisado ko na ang lahat ng kilos at salita mo kaya wag mo nang itago dahil di naman ako magagalit. " yup ayaw kong sabihin dahil magagalit siya. Dahil umpisa palang sinabihan niya na akong hindi ako mamahalin pabalik ni jared dahil mahal na mahal nito ang girlfriend niya at paulit ulit lang akong masasaktan. Dahil kahit ipilit ko hindi niya padin ako mamahalin.

"Oo na. I'm fcking inlove with him. At ang sakit sakit dahil alam kong wala akong pagaasa. Pero para saan pang naging si Stephanie ako kung hindi ko susubukan hindi ba? Malay mo mainlove din siya saakin. You know me. Kaya kong makuha lahat ng gusto ko. "

"Steph, Tao si Jared at hindi mo siya basta basta makukuha. Nakita mo ba sa bar kung paano niya ipagtanggol si cassey? Dun palang alam mong mahal na mahal niya yun. At best hindi ako magsasawang sabihin sayo na itigil mo na. Wag mo nang palalain payang nararamdaman mo kasi baka sa huli mas lalo kalang masaktan mas lalo ka lang umiyak. " seryosong seryoso si mitchie. Kahit palabiro si mitchie pagdating sakin seryoso yan. Ayaw na ayaw niya talaga akong nasasaktan.

"Anjan ka naman kung sakaling bumagsak ako diba? Tutulungan mo naman akong bumangon ulit diba? Basta nanjan ka. Alam ko kaya ko." Niyakap lang ako ni Mitchie after kong sabihin yun.

Nang narinig namin ang bell, dumiretso na kami sa classroom. Nakita ko agad si jared na nakaupo sa may pwesto niya at mukhang badtrip.

"Hi jared!" bati ko sakanya

"Shut up, Whore!" nagulat ako sa sinabi niya. Sinabi niya yun saakin ng hindi manlang tumitingin. Tinignan ko ang mga kaklase ko lahat sila tahimik hanggang sa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Whore ka pala e!"

"Wala ka palang panama

kay jared steph"

Naiiyak na ako. Grabe siya bat kailangan niya akong ipahiya. Oo malakas ako. Pero tangina napahiya ako. Pagdating talaga kay jared ang hina hina ko.

"Tumigil nga kayo! Mga tangina niyo!" nagulat ako sa lakas ng sigaw ni mitchie kaya nawala ang atensyon ko kay jared at nalipat kay mitchie na ngayon ay nakalapit na kay jared ng tinignan ko si jared nakatingin siya sakin na parang gulat na gulat. Nagulat kaming lahat sa susunod na ginawa ni Mitchie.

"What the fck!" nasigaw ni jared dahil sinampal siya ni mitchie. Nagulat din lahat ng mga kaklase ko dahil ibang iba si mitchie ngayon sa mitching pinapakita niya araw araw. Masyado siya galit ngayon.

"Hoy gago! Namumuro ka na! Nung una sinabihan mo siya ng whore sa bar tapos ngayon dito sa classroom! Ano para mapahiya siya?" galit na galit si mitchie kitang kita ko sa mga mata niya yung galit.

"What? Hindi naman kasi da--" Hindi ko na pinatapos magsalita si jared. Gago siya. Isa siyang malaking gago.

"Fck you! I hate you! Ano bang ginawa ko sayo para ipahiya mo ko ha? Hindi ka pa nakuntento sa pagpapahiya mo sakin sa bar, ngayon dito naman. May galit ka ba sakin ha? Kasi kung Oo sabihin mo hindi yung basta basta mo nalang ako sinasaktan. Kasi ang sakit sakit. Okay pa kung sa iba galing, pero sayo, sayo pa? Sa taong mahal ko pa?" sabi ko habang umiiyak ewan ko sa lintik na luha ko ayaw tumigil sa pag tulo. Tinignan ko si Jared at nagulat siya sa sinabi ko.

"What the fck steph!" Sigaw na naman ni mitchie. Alam kong galit sakin yun dahil inamin ko sa lalaking to na mahal ko siya.

"Pero hindi porket mahal kita, pwede mo na akong pagsalitaan ng mga masasakit na salita. Oo, mahal kita pero wala kang karapatang saktan ako. Tandaan mo yan" Ang huling sinabi ko bago ako lumabas ng classroom.

Jared's POV

Nakatulala parin ako dahil sa gulat at sa bilis ng mga pangyayari. Sinampal ako ng bestfriend ni steph at umamin si steph na mahal niya ako at nasabihan ko siyang whore. Sht jared! Ang bobo mo talaga.

"Hoy Gago!" napatingin ako sa nagsalita si mitchie pala.

"May pangalan ako at hindi gago yun. " Sabi ko sakanya. Oo naasar na ako sa babaeng to pero wala akong karapatang maasar o magalit sakanya dahil sinaktan ko ang bestfriend niya 

"Wala akong pakielam sa nararamdaman mo. Makita ko lang na umiiyak si steph, ipahanda mo na yang lamay mo dahil di ka na sisikatan ng araw gago." wooah nagulat ako sa mga pinagsasabi niya nagbad finger lang siya sakin tapos bigla ng lumabas ng room hahanapin ata si steph. Bilib din ako sakanilang mag bestfriend talagang pinagtatanggol nila ang isat isa.

Pero ang totoo, hindi naman dapat si steph ang sasabihan ko ng whore. Ito kasing kaklase naming si jhana kanina pa akong ginugulo at sinusundan kahit saan tapos lalandiin lang ako kaya badtrip ako kaya nung may kumausap sakin akala ko talaga si jhana yun pala si steph yun. Kaya hindi ko talaga sinsadya.

At hindi ko maintindihan yung sarili ko. Kanina nung umiiyak sa harapan ko si steph, parang gusto kong punasan yung mga luha niya at yakapin siya para hindi na siya masaktan. Tapos nung sinabi niyang mahal niya ako, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit nangyayari to saakin.

May gusto na kaya ako kay steph? Hindi imposible masyado kong mahal si cassey. Oo tama mahal ko si cassey, yung kanina naawa lang ako sakanya. Yun lang wala ng iba.

-----------------------------------------------------------

Yiiiie! Nagkakagusto narin ba si Jared kay steph?

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon