A/N: thanks for reading and voting and sa mga comments! malaking bagay po yun. haha. xoxo <3
Kenz' Pov
Kinabukasan, puro chismisan ulit ang narinig ko pag pasok ko palang sa SQU.
"OMG! As in for real? I can't believe it. How come they became lovers? Like, they're almost make a scene few days ago, then ngayon sila na?" Chismosa #1
"Yeah! And it's so degrading for the guy. Akala ko matalino sya, pero pumatol sya sa babaeng yun. Like, eww!" Chismosa #2
"I kinda like pa naman yung guy! Di bale, I'm sure they're going to break up kasi masama ugali nung girl. He deserves better." Chismosa #3
Di ko alam kung praning lang ba ako o talagang pinagitinginan ako ng mga tao. Kaliwa't kanan ang tsismis tungkol sa mysterious lovers na ito, na di ko kilala at wala akong ideya.
Dumiretso ako sa SSC office para ayusin ang mga naiwan kong trabaho bago ako pumunta sa klase ko. 7:30 am ang pasok namin at may 45 minutes pa ako para gawin ang trabaho ko.
Nagbukas muna ako ng Facebook ko para tignan ang mga activities at post ni Ecka. Stalker mode on!
Ni-like ko lahat ng status na at di na nag-comment pa, di ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko. Mamaya mag muka pa akong attention seeker. Turn off yun dre!
Madami rin syang post na picture, kaya naman ang ginawa ko ay sini-save ko yun sa phone ko, at least sa picture nakaka-usap ko sya ng di nauutal.
Wala ka nang pag-asa, Kenz! You're so pathetic. Mamamaay ka ng torpe!
I keep on browsing until one of her post caught my attention.
Sa picture ay naka-itim syang sando na hapit sa kanyang balinkinitang katawan, nasa kanang balikat ay ang kanyang buhok habang nakatingin sa kabilang direksyon. Naka-upo sya sa ilalim ng puno. Maaliwalas ang kanyang mukha at may matamis na ngiti sa kanyang labi.
"It feel so good being in love."
Few minutes later, at matatapos ko na ang ginagawa ko ng biglang bumalandra pabukas ang pinto. Ano bang meron sa mga tao dito at ang hiilig ibagsak ang pinto? Baka matangal yan!
Pumasok ang mga barkada ko at pinalibutan ako. They all have this stupid wierd reaction on their faces. Sabog ba tong mga 'to? Aga pa ah.
"How can you do this to us! Akala ko ba kaibigan mo kami?" Madramang sabi ni Aaron, sabay palo sa lamesa ko.
"Grabe! Bakit mo inilihim samin? Ang damot mo naman!" Sabi pa ni Joel na kunwari ay nagpupunas ng pa ng luha. Baygon ata tinira nitong ugok na 'to. Lakas tama eh!
"Baka takot maagaw? Sabagay kung ako yun di ko rin ipapaalam sa inyo. Haha" tawang tawang sabi ni Jimmy.
"Yes naman! Binata na sya, blow-out mo naman kami." Calvin
"Mukha ka talagang pagkain! Basta ako kahit pizza lang, Solb na ako." Jay-Ar
"Naks, pakipot pa eh, pa-chicks? haha!" Asar ni Bryan kay Jay-Ar kaya sinapak sya ng huli sa braso.
"Naka-shabu ba kayo? Kahit mga kaibigan ko kayo, di ko kayo kukunsintihin. Bawal yan dito sa skul!" Di ko na sila pinansin at tinuloy lang ang ginagawa ko. Malamang puro kalokohan lang yan at pinagtri-tripan lang nila ako. Ewan ko ba sa kanila at ako lagi ang pinagkakatuwaan.
Madalas nila akong asarin at pagtripan. Minsan nakakabadtrip pero kinalaunan ay nasanay na ako. Wala naman akong choice, sila lang naman ang kaibigan ko mula pagkabata, ngayon ko pa ba sila di pagpapasensyahan? Although, I'm tempted.
"Aysus! Denial King. Alam na namin kaya di mo na kailangan itago." Sabat pa ni Paul.
"Ha? Di ko gets?" Ano ba talaga yun? Di na lang sabihin agad eh, puro pasa-kalye!
"Alam na namin na may girlfriend ka na! Yes, lalaki ka na pre! Congrats." Jimmy
"Ako? May girlfriend? Sino?" Sino bang tinutukoy nila? Si Ecka ba? Di man lang ako na-informed kami na pala?! Ni hindi ko man lang naligawan ng maayos!
"Sino pa? Edi si Lorry Estrada." Sabi ni Calvin. Ilang segundo pa bago mag-sink in sakin ang sinabi nya.
Nang ma-absorb na ng utak ko ang sinabi nya, ang unang salitang nasabi ko ay...
"What the hell?!"
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is A She Devil
Teen FictionKennon Jones Guzman, an achiever. President ng Student Council. Mabait, matalino, at Torpe! Matagal na nyang gusto si Ericka Matins, cheerleader and an It girl. His dream girl. Bukod sa maganda ay sobrang bait pa! Pero ang babaeng pangarap nya ay na...