Chapter 22 (Part 1)

7K 350 63
                                    

NAGISING NA LAMANG si Shanelle nang maramdaman ang panlalamig ng likod niya. Kaagad niyang iminulat ang mga mata at kisame ang kaagad niyang nakita. Gagad siyang umupo saka pinakatitigan ang kapaligiran. Nasa kusina pa rin siya at dahil yata sa tindi nang paghagulhol niya, nakatulog na siya ng wala sa oras.

Kahit na inaantok, kaagad siyang tumayo at uminom ng isang basong tubig bago lumabas ng kusina at tinungo ang kuwarto ng mga magulang niya. Nang hawiin niya ang kurtina, nakita niya ang mama niyang mahimbing na natutulog habang yakap-yakap ang litrato ng asawa nito— ng papa niya.

Iyon na yata ang ibinigay na pagkakataon sa kaniya parang lapitan niya ang kaniyang mama. Kinakabahan siyang lumapit dito at umupo sa sahig saka hinawakan ang kamay nito at marahang hinimas-himas habang nakatingin sa maamo nitong mukha.

"Ma," aniya sa malumbay na tono. Muli, unti-unti na namang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. "Ma, gusto ko lang pong sabihin na mahal na mahal ko po kayo. Hindi po ako magsasabi ng ganoong kasakit na mga salita. Hindi po ako magsasabi ng mga ganoon dahil sobra ko po kayong mahal. Opo, alam ko pong nagkamali ako. Hindi ako nakapagpaalam sa inyo at hindi nagsabi kung saan ako patungo dahil ayaw ko pong malaman niyo ang gagawin ko kaya pasensya na po sa hindi pag-uwi." Mahina siyang suminghot dahil baka magising ito. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay nito, marahang pinipisil-pisil. "Gusto ko rin pong sabihin na pasensya na at nang dahil sa sulat na iyon ay nawala si papa. Mamatay man po, wala po akong sinusulat, ginagawa, o ipinapadalang liham sa inyo kaya imposible pong ako po ang nagsulat noon. Alam ko pong nagkamali ako at alam ko ring mahirap lang tayo kaya hindi ko isisisi sa inyo kung bakit ganito ang buhay natin. Kinakalihan ko na po ito kaya tanggap ko na. Mahal na mahal ko kayo ni papa, mama kaya sana'y paniwalaan niyo ako. Isinakripisyo ko ang sarili ko para kay papa. Ipinagbenta ko ang pagkabirhen ko para ma-operahan si papa kahit na sabi ng doctor ay maaaring hulog-hulugan ang bayad pero nag-aalala ako sa bills kaya wala na akong choice kundi ang tanggapin ang trabahong iyon. Sana po'y mapatawad niyo po ako. Na-aawa po ako kay papa. Akala ko'y maayos na siya pero... malalaman kong wala na siya. Ang sakit din po, mama dahil maski ako, nawalan din! Sana'y bumalik ang panahon na masaya pa tayo pero hindi ko alam kung kailan mangyayari. Sa ngayon, hahayaan ko na po muna kayong mag-isa. Hindi po talaga ako nagsulat noon, iyon po ang tama at alam iyan ng Diyos..." mahabang lintaya niya saka umuklo at hinalikan ang noo ng mama niya.

Pagkatapos noon ay tumayo na siya. Pinakatitigan niya pa ang mama niyang mahimbing na natutulog bago lumabas. Pagkalabas na pagkalabas pa lamang niya'y napahagulhol na muli siya. Ang sakit nang  naiisip niya. Hahayaan niya munang mag-isa ang mama niya at aalis na muna siya para walang mangyaring masama.

Sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin sa bibig saka dali-daling tinungo ang munti niyang kuwarto. Nang makarating, kaagad siyang kumuha ng bag at naglagay doon ng mga damit. Ilan lang ang dinala niya dahil babalik naman siya pagkalipas ng ilang araw.

Nang matapos sa pag-iimpake, inilapag niya ang kaniyang bag sa papag niya. Umupo siya roon saka kinuha ang bag na puno ng pera. Nang buksan niya iyon, kumuha siya ng ilang libo. Hindi niya sosolohin ang perang ibinigay ni Elvin sa kaniya dahil may puso naman siya, hahatian at iiwanan niya ng pera ang mama niya para panggastos nito.

Inilagay na niya ang maliit na bag sa kaniyang back pack kung nasaan ang mga damit niya saka isinakbit iyon sa likod at dali-daling lumabas ng kuwarto niya saka bumalik sa kuwarto ng mama niya. Tahimik siyang lumapit dito at ipinatong ang mga perang hawak sa tabi nito. Bago umalis, muli niyang inalayan ito ng halik sa noo bago lumabas.

"Mahal na mahal kita, mama. Alam kong magiging maayos tayo sa susunod pero hindi sa ngayon. Mag-ingat ka po," bulong niya at lumabas na ng bahay nila.

Habang naglalakad sa kalsada, ang isip niya'y umiikot sa liham na nabasa niya. Sino naman kaya ang gagawa noon? Talagang napakasakit at nakakadurog ng puso iyon kaya nang mabasa niya, napahagulhol na lang siya. Iyong sulat, ibang-iba sa sulat niya kaya ang tanong niya sa sarili niya ay, bakit hindi nalaman nina papa at mama ang sulat ko? Hindi na bali, nangyari na ang lahat at hindi na maibabalik pa ang panahong iyon. Bahala na ang Diyos magparusa kung sino man ang gumawa noong liham na iyon.

Sold Her Virginity (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon