Chapter 13

222 6 9
                                    

"Ianne, alam mo namang hindi pwede yun. May girlfriend na ako. Actually, ngayong gabi ko ipapakilala si Mikaella as my official girlfriend kasi hindi kami nakapunta noong welcome party namin."

Actually, kaya iyon ang hiningi ko kay Wess ay dahil tradition na sa amin na ang last dance ay ibinibigay sa mga girlfriend o di kaya naman ay sa mga nililigawan. Kapag ikaw ang last dance ibig sabihin special ka sa kanya.

And since sikat si Wess, kahit na si Mikaella pa ang isinayaw niya ng buong gabi kapag ako ang last dance niya ako pa rin ang kikilalanin as Wess' someone special.

Naiinis ako. Iiyak nanaman ba ako? Lagi na lang akong umiiyak, pero di ko naman mapigil. Ayokong mag-walk-out, kasi si Wess naman ang mapapahiya.

"Please Ianne. I'll give you anything except the last dance. Mapapahiya naman si Mikaella kung ikaw ang last dance ko samantalang sya ang girlfriend ko."

"Pero Wess, yun na yung anything and everything na gusto ko. Please, I really want you to be my last dance."

"Ianne. Anything but that. Anything please. I know you understand."

Mukha syang nahihirapan. Siguro kung naiba iba ang sitwasyon matatawa ako but not now. Ano bang mahirap doon? All he has to do is to say YES. I just want him to be my last dance. Please destiny do something panigan mo naman ako just this once.

"Ianne bakit ba gusto mo akong maging last dance? Last dance should be given to your boyfriend. Last dance is given to your special someone. And I think hindi ako yun"

Wala na humulagpos na ang galit ko. Para sa kanya at maging sa sarili ko.

"Tama ka Wess. Last dance is given to your special someone, to your 'THE ONE'. Ano, hindi mo pa rin ba naiintindihan kum bakit ko ipinipilit ang last dance sayo ha?

Wess, unfortunately remained speechless. So, I continued talking.

"Bakit ba ang manhid manhid mo? Hindi ko alam kung tanga ko o nagtatangatangahan ka lang. Matalino ka naman sabi ng mama at papa mo. Pero bakit pag dating sa akin at sa nararamdaman ko bat' parang am bobo mo?

Dahil nakatayo pa rin kami sa dance floor, malamang naririnig ako ng mga taong malapit sa amin. Siguro nahihiya si Wess so he hugged me and covered my face.

"I don't know what to say Ianne."

"Then don't talk. Kung hindi mo rin lang naman sasabihin na mahal mo rin ako, then, don't talk."

Ayaw ko kasing marinig na tatanggihan niya ako. Masakit na kasi. Natapos ang dalawang kanta na magkayakap lang kami. Nagtataka nga ako kum bakit hindi man lang lumalapit si Mikaella.

"Babe. Ayos lang ba kayo? Everyone's watching. Hindi naman kasi nagsasayaw. Nagyayakapan lang kayo. Is everything ok?"

Ah ayan na pala sya. At talagang ngayon niya lang napansin na hindi kami nagsasayaw ha. She looked concerned but she looks jealous. Ang sakit niyang tumingin.

"Ok lang babe. May problema lang kasi si Ianne. You have nothing to worry about."

"Ok na ako. Salamat sa pakikinig."

Umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya. Kahit papaano ayoko naman na mag-away si Wess at Mikaella. Kahit na nakakainis si Mikaella. Ang gusto ko lang naman ay malaman na ni Wess ang nararamdaman ko para sa kanya.

Umalis na ako sa party. Bakit pa ako magsasayang ng panahon doon? Para ano pa? Para makita ko si Mikaella at si Wess na nagsasayaw ng last dance? O para mainggit sa mga couple doon?

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon