Hospital : CHAPTER NINE
"Starfall?"
Sino nga ba ang lalaking 'yon? Ano ang trip no'n sa buhay? Why does he---know me? Parang kilalang kilala niya ako.
"Starfall? What are you doing here? Are you okay?"
Am I okay? Okay naman ako, 'di ba? Walang galos sa katawan.
"Starfall, hey!"
Naramdaman ko na lang na may tumapik-tapik sa balikat. Gulat akong napatingin kung sino ang may kagagawan no'n.
"What were you doing?"
Umiling-iling ako sa kan'ya. "W-wala naman."
"Ah... Really?"
Tiningnan niya ako sa mga mata. Tumango-tango naman ako bilang sagot.
I don't wanna bother other people. Even if he or she is my cousin.
Bumuntong hininga siya at bahagyang iniling ang ulo.
"I saw you staring at p-pure air kanina... Parang kinakabahan ka. I also noticed that your legs were trembling... And the expression in your face looked so nervous and also... Surprised."
'I saw you staring at p-pure air kanina...'
What the? Ano ang sinasabi ng isang 'to? I was staring at pure air kanina, e, may nagsasalita sa harap ko earlier, I was staring at the man, not in pure air!
Kailan ba siya dumating? Sige, baka nga nakatitig na lang ako sa hangin kanina nang umalis 'yong lalaki at hindi niya nakita.
"Kanina, sa pustora mo, para bang may kumakausap sa iyo..."
What the hell is happening? Someone was really talking to me... Ano ba ang pinagsasabi ng isang 'to?
Kanina, I tried to make my legs stop from trembling. I tried to hide it. The fact that the man looks like he can read my mind---sent shivers to my system.
Are my eyes too obvious everytime? Does it really spill the truth?
Bakit siya lang nakakabasa no'n? Or I am just really so easy to read, kahit sino makakahalata and siya lang ang nakakapagsabi no'n?
"Starfall, again, are you really okay?"
Agad akong lumunok bago unti-unting tumango sa kan'ya. Bakit ba ako kinakausap ng isang 'to? Kamalditahan ko lang ang siyang pinapakita ko rito most of the times... Naiirita lang ako minsan sa kan'ya nang hindi ko naiintindihan ang dahilan.
"You're not okay." Agad akong umirap sa ka'nya.
"I'm okay, okay? I'm really okay! Huwag ka ngang makulit," sigaw ko sa kan'ya na siya namang ikinagulat niya.
Yumuko siya at nakipagtitigan na lang siya sa sahig. Bagsak ang balikat niya. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kaunting guilt.
"Sorry..." usal niya habang unti-unting muling inangat ang ulo at tinitigan niya ako sa mata. Tinignan ko rin ang mga mata niya, mababakas talaga 'yong kalungkutan dito. Nakangiti ang kan'yang labi pero puno kalungkutan ang kan'yang mga mata.
YOU ARE READING
The Place She's Never Been To
FantasyWhy do you have to survive from the pain where you will still face death in the end of life? Why do people choose to suffer, always? Is death really the dead end of life? Or there's something more out there after death where we still, didn't know...