Chapter 15

76 26 0
                                    

Reward

I went inside the bathroom and turned on the shower. I let myself rest in our bathtub. Nahiga ako doon tsaka ko hinilot ang sentido ko. Pakiramdam ko'y masyado ang pagod ko para sa araw na 'to. The warmth given by the water relaxes me.

Hindi ko naabutan si Mommy pag uwi. Tanging ang mga tahimik na maids lang. Wala din si yaya Joy dahil umuwi daw sa anak nyang may sakit.

It's already 9pm but I'm still awake. Tuwing walang shoot ay tulog na ako sa ganitong oras pero ngayon ay hindi. I can't sleep.

Bumaba ako sa hagdan namin ng tanging roba lang ang suot. Gumawa din ako ng tsa tsaka muling umakyat. Sumilip ako sa malaking bintana habang sumisimsim sa aking tsa. Muli akong binalot ng lungkot. Kung bakit kasi umasa pa ako ay hindi ko alam.

He has a girlfriend. I need to keep that in mind. I need to avoid him because I was not raised to wreck a relationship. Pero bakit kahit pagtaboy nalang sa kanya ay hindi kopa magawa? Tuwing nasa harapan kona sya'y natutulala ako sa mga ekspresyong ipinapakita nya.

I feel like I'm possed. Ugh!

I was about to walk to my room when I heard a motor parked in front of our house. Muli kong binaba ang tingin sa aming malaking salamin at mula doon ay nakita ko ang isang pamilyar na imahe.

My hands went cold and I'm now sweating bullets. I put the tea on a table as I calm myself down. I'm sure it's him, suot nya padin ang jersey kaya sigurado akong sya yon. Hinawakan ko ang dibdib kong walang kasing lakas ang tibok tsaka ako muling sumilip sa bintana.

And from here, I saw him looking at his wrist watch. Pagkatapos noon ay titingala sya sa aming malaking bintana at muling yuyuko. Hindi nya ako kita dahil madilim na at nasa sulok pa ako ng bintana. Nakasandal sya sa kanyang motor habang hinihilot ang sentido. Sa nanginginig na mga paa ay bumaba ako.

I saw how shocked he is when he saw me. Pasakay na sana sya ng kanyang motor pero muli syang bumaba doon. Niyakap ko ang sarili ko tsaka ako lumapit sa kanya. Iyong tamang lapit lang para mabasa ko ang ekspresyong ipapakita nya.

From looking down, he looked straight at me. I saw tiredness in his mysterious blue as he surveyed me. Ang kanyang jersey ay tila natuyuan na ng pawis dahil mayroon pang mga pawis na galing sa kanyang leeg. Bahagya akong nagtaka. Nilunok ko ang laway ko para kumalma tsaka ako nagsalita.

"What are you doing here?" I asked him coldly.

He smiled gently at me and I watch myself fall for it. Pero bago pa malaglag ay pinigilan kona. Nang makita nyang hindi nagbago ang ekspresyon ko ay nagsalita na sya.

"Pinag hintay ba kita?" he asked using his lazy voice.. o siguro talagang pagod sya.

"No, sumabay na ako kay Marielle." tanging sagot ko. Not looking down.

Nakitaan ko ng gulat ang pagod nyang mata tsaka sya marahang tumango. Kinuha nya ang susi ng motor tsaka nya nilagay iyon sa bulsa nya. Napangisi ako, may balak pa ba syang magtagal dito?

"I asked you to wait for me.. don't you remember?" he asked gently. Ang boses nya'y tila hinehele ako.

Hindi kona napigilan ang sarili ko. Ayokong lumambot nanaman at magpadala sa mga bitag nya. Binabasag lang ako ng pag asa ko sa huli. Muli kong inipon ang galit pero ang tanging nararamdaman kolang sa puso ko ngayon ay kaba.

"B-Busy ka ata sa girlfriend mo kaya nauna na ako. Ayokong maging hindrance." I chuckled sarcastically.

Lalo akong nainis ng makita ko ang pagtataka sa mga mukha nya. Ang galing mo talagang umarte.

Conscience Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon