I woke up with the scorching heat of the sun touching my skin. I forgot to pull down the blinds last night. I had a lot of things in mind before I slept.
I just groaned in annoyance. The feeling of the burning sun that touches my skin, annoys the hell out of me. I opened my eyes slowly and the bright light coming in from the window made my forehead creased. I blinked slowly before coming back to my senses.
Nagising ako sa mabangong aroma na nanggagaling sa labas na mukhang pagkain, amoy bacon, sinangag at itlog kaya naman ay bumangon na ako.
Nakita kong tulog pa si Sebastian at mukhang anghel dahil sa maamo niyang mukha. Halatang masarap pa rin ang tulog hanggang ngayon kaya nama'y sinipa ko siya at nahulog siya sa kama dahil napakabuti kong kaibigan.
Tumawa ako at bigla akong tumalikod nang makita siyang napaupo sa sahig at pupungas-pungas dahil sa lakas ng pagkakasipa ko. Nakita ko na kinukusot niya ang mga mata. Parang bata. Bigla akong nag seryoso at lumapit sa kanya at tuluyang nagpanggap. Lights, camera, action.
"Ayos ka lang ba? Nananaginip ka ata at nahulog ka pa sa kama." Kunwaring nag aalalang wika ko habang tinutulungan siyang tumayo.
Nakita kong naka tulala siya at nakatingin pap rin sa kawalan at halatang inaantok pa. Kawawa naman, minsan talaga hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin at bigla ko na lang naiisipang mang trip.
He just slightly nodded, telling me that he's okay. I just grinned and chuckled evilly. He looks like a lost baby, curious why I was chuckling.
Niyaya ko na lang siyang lumabas dahil mukhang may almusal na. Malamang ay si Val ang nagluluto dahil siya lang naman ata ang maagang gumigising bukod sa , dahil may mga pagkakataon na late na rin naman ako nagigising.akin.
"Good Morning!" Sigaw na pagbati ni Val sa amin habang naka-apron pa at may dalang pinggan na may mga laman na ulam na pang almusal. I almost rolled my eyes, but I ended up glaring at her because of her loud voice during this time of the day.
"Anong good sa morning kung mukha ni Basti ang una kong nanakikita. Tangina, ang panget!" Wika ko pa habang ngumingiwi at tumingin pa ako kay Basti na hanggang ngayon ay magulo pa rin ang buhok.
Well, it was a lie. Basti never becomes ugly. He is actually hot. He has a pointed nose, fair white skin and he's chinito. He also has a defined jaw that would make your saliva drop and a soft and naturally pink lips.
"Kunwari ka pa, eh kung makalingkis ka sa akin kagabi." Wika niya pa na may tono ng pang aasar. Agad kong inabot ang notebook na nasa tabi ko at hinampas sa braso niya. Sumimangot naman siya at hindi na lang ako pinansin.
Tumayo si Basti mula sa pagkakaupo at pumunta sa kwarto ni Serene. Malamang ay pumunta 'yun doon para mang gising. Iyan ata ang role niya sa amin, siya ang madalas mang gising.
Nauna na akong pumunta sa lamesa at sumandok na ng sinangag. Mayroon pa lang bacon at itlog sa lamesa. Mukhang niluluto pa ang beef omelette pati ang pancakes. Naglabas din ako ng fruit juice sa ref at nag hain na para makakain na lahat. Inuna ko ang mga pinggan at isinunod na ang mga baso pati na rin ang mga kutsara't tinidor.
BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
RomanceSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...