ENTRY 25

77 1 0
                                    

ABIGAIL'S POV

HINDI ko maintindihan ang mga nangyari kanina. Ang daming tanong sa isip ko pero wala akong masagot kahit isa sa mga iyon.

Bakit? Paano? Saan?

Napatingin ako sa Senyor na nakatingin sa labas ng bintana ng kuwarto. Nakauwi na kami. Kanina nu'ng umalis sila Kuya at Papa ay naki-usap sa akin ang Senyor na ipagpaliban muna ang pamamasyal namin. Naiintindihan ko naman siya kaya pumayag ako. Hindi naman ganoon kahalaga ang gagawin namin sa pamamasyal. At saka, mabuti na din 'to para makapag-isip-isip ako. Mas makakapag-isip ako dito sa mansiyon.

Gusto kong tanungin ang Senyor kung ano ang kinalaman niya kay Papa pero wala akong lakas ng loob. Naisip ko na, sino ba ako para magtanong? Isa lang naman akong estrangherong tinaggap niya sa pamamahay niya, at wala na akong ibang karapatan pa para makialam sa personal na buhay niya. Kung si Papa naman ay natatakot ako sa kaniya dahil mayroon pa din akong trauma sa nangyari noong pag-iwan niya sa akin sa gubat. Si Kuya naman ay hindi ko mapag-tanungan dahil wala naman siya dito.

Napalingon agad kami ng Senyor sa pintuan nang may pumasok na katulong. Hapong-hapo ito na tila tinakbo ang papunta sa kuwartong ito. "Senyor! May pamilyang nambubulabog sa baba ng mansiyon!"

Sabay na nanlaki ang mga mata namin ng Senyor.

Dali-dali lumabas ang Senyor kaya sumunod ako sa kaniya. Sila kaya iyon? Pero imposible! Paano nila nalaman kung nasaan ako? Ano ba talagang mayroon sa kanila?

"ABIGAIL!" Sigaw nila Kuya, Ate, Mama at Papa sa baba ng mansiyon. Nangilid ang mga luha sa mata ko dahil nasasabik na akong makita sila.

Namalayan ko nalang na nasa harapan ko na silang lahat at akap-akap ko na. "Sorry." Ang tanging lumabas na salita sa kanila.

Nang kumalas kami nang yakap ay napatingin ako kina Mama at Papa na nakangiti na sa akin. Hindi ko alam pero ang lahat ng dinala ko simula nang isilang ako ay napawi nalang basta nang makita ko silang nakangiti sa akin.

"Ferdinand." Madiin na sabi ng Senyor kaya napatingin kami sa kaniya. Papalapit siya sa amin habang nakapukol ang paningin kay Papa.

"Philip. Kailangan nang malaman ni Abigail ang totoo."

Bumuntong-hininga ang Senyor. "Sa tingin ko nga ay dapat nang malaman ni Abigail ang lahat." Nakatanga lang ako habang nakikinig sa kanila dahil wala akong kaide-ideya sa mga sinasabi nila.

"At sino kayo?" Napalingon naman kami sa likuran ng Senyor at doon tumambad ang imahe ni Senyora Adelaida. Hindi tulad dati na nakangiti siya, ngayon ay taas na taas ang kilay niya at sumisigaw ng awtoridad ang postura niya. Napalingon siya sa akin, at bigla nalang nawala ang taas ng kilay niya. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa akin at sa pamilya ko.

"Well, we met again. It is nice to see you here again, Ramos family."

Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon