CHAPTER 1 - ARRIVAL

3 1 0
                                    

Kadarating ko lang ng pilipinas. Lumaki ako sa Canada kasama ang mama ko at ang kanyang bagong asawa. Noong una ayokong sumama dahil hindi ko makasundo ang step brother ko pero wala naman akong choice.

Ako si Victor Liam Torres. 17 years old na ko at Senior High School na sa darating na pasukan. Maganda ang tindig. Medium built ang katawan dahil sa pagwoworkout. May 6 pack abs medyo matambok ang dibdib at pwet. Maputi at makinis ang balat. Medyo chinito ang mata, mapula ang labi, matangos ang ilong at medyo wave yang buhok na bagsak.

“Liam andito na tayo sa Pilipinas.” masayang wika ni Papa Jim ang step dad ko.

“Tol gala tayo bukas ha namiss ko dito eh.” sabay akbay sa akin ni Harris ang step brother ko.

Naging magaan din ang loob ko sa kanila simula noong nagkasakit ako pagdating namin sa Canada. Sila ang nagasikaso sa akin at talaga namang hindi nila ako pinabayaan. Minahal ko na sila na parang kadugo kaya naman hindi na nahirapan si mama na agad na magpakasal kay papa. Hindi ko na sila tinutulan dahil doon naman masaya si mama. Matagal na rin namang wala ang totoong papa dahil pumanaw siya ng maaga. Bata pa lang ako ay ulila na ko sa ama. Sobrang pasalamat ko na lang din na nakilala ko ang pamilya ni Papa Jim.

Mas matanda ako ng isang taon kay Harris. Grade 10 pa lang siya sa darating napasukan. Magkasing tangkad lang kami ni Harris siguro ay nasa lahi nila ang matatangkad kaya agad naman niyang nahabol ang 6ft. kong height. Maputi rin si Harris. Di naman nagkakalayo ang katawan namin dahil sa paglalaro niya ng volleyball. Minsan sumasabay din siya sa paggygym ko. Bilugan ang kanyang mata, matangos ang ilong, makapal ang kilay at nakasemikalbo ang kanyang buhok.

“Sige tol gagala tayo basta payagan tayo nina mama at papa.” ngiti kong sagot sa kanya.

Tumawa naman sina mama at papa at agad namang pumayag.

“Eh ako? Di nyo ba ako isasama?” tanong naman ni napakakulit naming bunso.

“Oo naman baby girl sasama ka namin ni kuya Harris mo.” sabay pisil sa kanyang pisngi.

Nakakarga siya sa papa. 4 years old pa lang si April an gaming baby girl. Medyo matagal bago nagkaanak sina papa at mama dahil sa nasa late 30’s na sila ng magpakasal.

Agad kaming sumakay sa van na sumundo sa amin. Isa ito sa mga sasakyan ni Papa Jim. May-ari si papa ng isang pagawaan ng sapatos sa Marikina kaya masasabi kong may kaya ang pamilya niya. Iniwan niya sa kanyang kapatid na si Tita Charito ang pagmamanage nito bago siya umalis ng bansa. Nakapagpundar na rin siya ng isang malaking bahay kaya naman hindi na namin problema ang titirhan dito.

“Jimmy!!” sigaw ni Tita Charito habang papalapit sa kapatid.

Agad siya nitong niyakap at hinalikan sa pisngi.

“Grabe naman kuya ang ganda-ganda mo na!” sabay yakap sa kapatid.

“Hanggang ngayon ba naman Jimmy kuya pa rin ang tawag mo sakin eh ang haba-haba nan g buhok ko.” sabay irap sa kapatid.

Nagtawanan lang silang dalawa at niyaya na kaming pumasok sa bahay.

Napakalaki ng bahay. May second floor ito at may malaking pool sa labas. Sa may kanan ng bahay ay merong garden na puno ng mga napakagandang bulaklak.

“Oh Liam at Harris iakyat nyo na ang mga gamit nyo sa mga kwarto niyo sa itaas at bumama rin kayo agad para makapaghapunan na tayo.” saad ni mama.

“Oh mga boys pinalinis ko na yung mga kwarto sa taas. Yung nasa dulo malapit sa veranda ang mga kwarto nyo. Pumili na lang kayo doon sa magkatapat na kwarto pareho lang naman ng laki yun at may mga sariling banyo. Yung mas malaking kwarto ay para sa mga parents nyo at yung may pink na pinto para kay baby girl.” sabay buhat kay April.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EVERYTHING TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon